My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

Ang mga Pabebeng Feeling Sosyal sa Social Media.-Justine Ambrosio


           Para saan at ano nga ba ang kahalagahan ng pagpo-"post" ng lahat ng problema,ginagawa, at pati pagkain ng ating mga kababayan sa social media ? Para lang ba makasunod sa uso o para lamang matawag na mayaman. ? Hindi naman siguro kasama sa ikauunlad ng Pilipinas kung ipo-"post" nila lahat ng problema nila mababawasan ba ang sakit na nararamdan nila kung sakaling malaman ng ibang tao ang problemang kinahaharap nila. ? Madadagdagan o mababawasan ba ang pagkain kung ipo-post nila ? Mababawasan ba ang pagod na nararamdan nila kung lahat ng gingawa nila ay tini-"tweet" o pino-"post" pa ? Siguro nga hindi natin alam ang nga pinagdadaanan nila. Maaring gusto lang nilang sumunod sa uso para matawag na "In". 

 Marami sa aking nga kaibigan ang mga ganito. Gagawin ang lahat masabi lang na mayaman o sunod sa uso. Hindi ko alam kung para saan at ano ang kahalagahan. Mayroong tinitipid baon , nagpapagamit sa kung sino-sinong lalaki ,para lang makakain sa sosyal na kainan, kukuhaan ng mga ilang litrato ipopost sa social media at may kung anu-anong kayabangang detalye. O kung di naman ay bumibili ng mga gadgets ipagyayabang sa klase , kaibigan at kaklase. Pag oras naman ng klase walang mailabas ng ballpen o papel dahil ang kadalasang laman ng kanilang 
bag ay puro pampaganda. Hndi ko naman sila masisi dahil hindi ko naman alam ang kwento ng buhay nila.

           Paano nga ba masusulosyunan ang suliraning ito ? Siguro nga wala ng solusyon dulot ng pagkaadik ng karamihang tao sa internet.


   

1 komento: