My Blog List

Miyerkules, Setyembre 23, 2015

               Ako Bilang Anak-Gilline Ancheta


          Nung iniwan kame ng aking ama nung ako ay labing tatlong taong gulang natuto kameng magtinda ng hung ano-ano. Hindi namen inisip na mahiya dahil marangal naman ang pagtitinda. Tumulong kame sa aming ina na magtinda sa palengke, pati paglalako ng mga prutas ay naranasan nameng mag kakapatid. Labing anim na taong gulang pa lang ako at nasa ika apat na taon sa sekondarya ng una akong magtrabaho sa isang pabrika, maliit lang ang sahod dun pero masaya naman magtrabaho at lahat ng sinahod ko ay napunta sa aking ina. Nang ako ay makapag tapos ng sekondarya, huminto ako sa pag aaral dahil sa kakapusan ng pang pinansyal. Hinintay ko ang ika labing walong taon ko nag pasya akong mag aply sa isang siomai house. Binigay ko din ang lahat ng sahod ko sa aking ina. Hindi rin malaki ang sinhod ko dun. Kaya nagpasya ulit ako na mag aply sa ibang kompanya. Hanggang sa naging scooper ako ng SELECTA Ice cream. Nag umpisa akong makapag pundar ng mga gamit at nakatulong din ako sa puhunan ng aking ina sa kanyang tindahan. Naging maganda ang trabaho ko dun kaya nag tagal ako ng mahigit isang taon. Nang magpasya ang amo ko na tumigil sa negosyong yun, ay napilitan ako mag apply ulit sa ibang trabaho. Nakapasok ako sa SM Supermarket bilang merchandiser/butcher Nagtagal din ako dunng halos dalawang taon. Nakapag pundar ako ng mga gamit appliances dahil malaki ang sahod doon.

         Nag karoon pa ako ng iba't ibang trabaho, natuto ako na maging isang pushgirl (nag aalok ng mga produkto sa mga customer na dumadaan). Nang una nahihiya ako na mag push hanggang sa nasanay na ako at naging makapal ang mukha ko. Nasanay ako sa ganong trabaho kaya naging madali na sa akin ang pag pasok sa pagiging merchandiser/pushgirl. Sa loob ng anim na taon na pag tatrabaho ako sa ganun ay nakatulong ako sa aking ina at nakapag pundar ng ilang gamit para sa aming bahay. Nakatulong din ako sa mga pinansyal na gastusin. 

         Hindi din ako naging isang mabuting anak, nagrebelde ako aking magulang ng ako ay tumuntong ng dalawamput isa. Pero kahit nag rebelde ako sinigurado ko na nakapag bigay ako. Naging masaya ako na nakatulong ako sa aking ina sa pinansyal. Hindi din naging madali ang naging buhay namin mag kakapatid. Kaya nag sisikap kame sa araw-araw..

Martes, Setyembre 8, 2015

Gulong ng Buhay- Mayie San Mateo



Sabi nila ang buhay ay parang isang gulong na kung su’swertihin ka, ay nasa itaas tayo at kung hindi naman ay mararamdaman natin ang pagkasadlak natin sa lupa. Kagaya na lamang ng mga taong nalululong sa masamang bisyo. Marahil ay malaki ang suliraning kanilang dinadala o kinakaharap sa kasalukuyan, maaari ring ito’y minsan lamang nilang sinubukan ngunit hindi na maalis sa kanilang sistema at kinalaunan ay palagi nang hinahanap hanap ng kanilang katawan.

Si Angela, oh hindi ba ang ganda ng pangalan tila anghel kung tutuusin.  Isang ordinaryong babae, 22 taong gulang at pangalawa sa pitong magkakapatid. Sa tuwing mapapadaan kami sa tapat ng kanilang tahanan “Walang hiya ka talaga! Wala kang kwentang anak!” sigaw ni aling Lilybeth, ina ni Angela. “Bakit? May kwenta ka bang ina? “ Tugon naman ni Angela. Mga ilang ulit na rin namin naririnig ang ganitong sagutan sa pagitan ng mag-ina. Sanay na rin ang mga kapitbahay sa ganitong uri ng scenario sapagkat hindi na ito bago sa lugar namin. Nakakahiya mang sabihin ngunit normal na ito dito sa lugar na halos puro mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang naninirahan kabilang na an gating bida sa kwentong ito.

Kagaya ng aking sinabi tulad mo, tulad ko at tulad nating lahat ay nagmamahal din ang kagaya ni Angela. At nagkataon lamang na sa maling tao siya umibig. Bakit ko nasabing maling tao? “Tikman mo lang ito, kung talagang mahal mo ko susubukan mo. Diba mas maganda kung jamming tayo?” Sabi ni Christian, nobyo ni Angela. Tila nakaramdam siya ng hiya at galit sa sinabi nito, ngunit ‘di kalaunan ay sinubukan niya na ring gumamit ng ipinagbabawal na gamot kasama ang kanyang nobyo. ‘Di nagtagal ay halos araw-araw ay ganito ang kanilang ginagawa sapagkat sa iisang bubong na rin sila naninirahan at hindi na niya maialis ang ganitong gawain.  Tila hinahanap ng kanyang katawan ang epekto ng gamot dahil na rin sa kakaibang pakiramdam na idinudulot nito sa kanya. Parang nawawala ang lahat ng suliranin na kaniyang dinadala sa tuwing nasa ilalim siya ng nasabing gamot.

Lumipas ang mga araw, “Walang nhiya ka! Babaero ka! Binigay ko sa’yo lahat tapos heto ang iganganti mo sakin ?!! Magsama kayo ng babae mo!” sabi ni Angela sa nobyo sabay alis pabalik sa tahanan ng ina at doon naglagi ng ilang buwan.


Makalipas ang tatlong buwan ay nakilala naman niya si Bernard na isang family driver dito rin sa lugar naming. Hindi tulad ni Christian, ‘di hamak na mas matanda ito ng ilang taon kay Angela. Sa katunayan, 58 taong gulang na ang nasabing lalaki, biyudo at walang bisyo. Sinuyo siya at itinira sa maayos na tahanan. Binibigyan din siya nito ng salapi. “Okay lang sa akin ang gumastos mapasaya ka lang.” Tila seryoso ang matanda, “Salamat Bernar.” Tugon ni Angela. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumalik si Christian at muli siyang sinusuyo. “Angela, bumalik ka na. Mahal na mahal kita at pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko.” Sabi nito, “Huli ka na, mahal ko si Bernard at hindi ko siya kayang saktan.” Sagot ni Angela. “Mahal mo nga pero mahal ka ba niya?” Patuloy ni Christian, na nagpatahimik kay Angela. Binalikan ni Angela si Christian ngunit kasabay nito ay hindi nya pa rin iniiwan si Bernard dahil sa mga nakukuha nitong salapi mula sa matanda. Ai ito din ang dahilan nang pagtatalo ng mag-ina.

Bumalik sa dating gawain ang magnobyo. (paggamit ng pinagbabawal na gamot.)
Hindi nagtagal ay nahuli sila ni Bernard na siyang naging dahilan uoang pumili si Angela sa kanilang dalawa. “Mamili ka Angela! ako o yang lalaking yan?” Tanong ni Bernard. “Patawarin mo ako pero mahal ko si Christian.” Sagot naman ni Angela. Pinili niya si Christian dahil na rin sa sobrang pagmamahal dito. Tama kaya ang naging desisyon ni Angela? Makakabuti nga ba para sa lahat ang naging desisyon niya?

Lumipas ang mga araw at buwan na ganun at ganun pa rin ang ginagawa nina Angela at Christian. Madalas magtalo ang dalawa lalo na kung parehong nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot.

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring ganitong mga eksena sa lugar naming. Hindi na rin ito bago para sa mga kapitbahay. Isinasawalang bahala na lang naming ito dahil maging ang mga alagad ng batas ay gumagamit din nito at kasabwat sa ganitong gawain. Kadalasan nga ay sila pa ang nag uumpisa nito.Masakit mang aminin ngunit ganito talaga dito sa bansa natin. May mga itinuturing na leader ngunit kadalasan ay sila pa ang pasimuno ng mga masasamang gawain na nagiging dahilan upang maging mahirap ang ating bansa.

Si Angela, isa lamang sa mga biktima ng maling desisyon at gawain. Marami pang iba na mas malala at mahirap bigyan ng solusyon. Mga biktima ng gulong ng kapalaran. Malay mo bukas nasa ibabaw na siya dahil makikita niya at maliliwanagan siya at tamang landas na ang pipiliin niya.
September 7,2015
Jomaria G. Carandang

      ''MUKHA''

   Kilala ang Laguna sa mga magagandang hotspot pero bukod dun may isang Bario na katangitangi. Sa Bario Matuto maraming tao ang naninirahan dun,bukod sa maraming mapapagkukunan ng likas na yaman may isang tao na napaka pamilyar sa kanila,si mayet.Bata pa lang siya ay arami na siyangnapapansin sa paligid niya pero binabaliwala nya lahat ng yun,at habang nagkakaedad ay mas namumulat siya sa totoong nangyayari sa bahay nya .Bata palang siya ng namatay ang mga magulang nya nang dahil sa isang aksidente sa eroplano at naatake sa puso ang piloto.Nasa edad siya na 18 ng namatay ang mga ito at walang kamaganak ang tumulong sa kanya,binuhay nya ang sarili sa pagtatarabaho habang nagaaral,mahirap para sa kanya pero pursigido talaga siya.


ALING EBETH: mare si mayet yun diba
-anong ginagawa nya kaya?

ALING DADA: baka binubugaw nya ang sarili nya?


     (ilan lang sila sa mga mga dakilang tsismosa sa baryong iyon.)



   Maraming iniisip si mayet at di na nya alam kung ano ba ang dapat gawin sa buhayil sa mga kamaganak nya ana ipinagtabuyan siya at di manlang siya tinolungan\
 at nang dah nya,habang nagiisip siya ay dumating ang matalik nyang kaibigan na si carlo.

Carlo:babae,anong iniisip mo?

mayet:anjan kana pala,
-ano ang dapay kong gawin?,gulonggulo na ako sa bahay ko

carlo:alam kong di perpekto ang buhay at alam kong makakaya mo ang lahat ng mga probleme mo,an.g dapat mo lang gawen ay pakawalan ang galit jan sa uso mo,alam kong kayo mong gawin yan at tutulungan kita.

     Habang nagiisip isip siya akkung ano ang dapat ay nakatulugan na nya ,at kinabukasan ay nggayak siya ng gamit at agad na lumuwas ng maynila.Nang nakasakay na siya ng bus ay di nya namalayan na nakalampas na ito.Tanghali nang nakarating ito sa bahay ng tiya tessanya at pinapasok siyang katulong at ng mahagip ng mata ng tiya nya siya ay agad siyang niyakk ng tiya,pero nangmakaalis ito ay agad siyang kinausap at sinabing pakitang tao lag daw ang ginawa ng tiyahin nya.

      Ilang araw siyang nanirahan upang doon ay makahanap ng trabaho,lumipas ang mga araw,buwan at taon ay nakapagaral siya at nakapagtapos ng pagaaral sa kursong abogarsya.Masasabing di talaga perpekkto ang buhay pero mas pinili nyang magpakatatag.

Lunes, Setyembre 7, 2015

MASKARA - Joey C. Ibañez


"Lasing kana naman! kung ganito ka na lang palagi, mas mabuti pang tapusin na natin to! umuuwi kang walang dalang pera, lasing pa!"

pagpasok mo ng bahay, ganito agad bubungad sayo! nakakatamad umuwi!

Pagtingin mo sa mesa, walang pagkain. Tutong pa ang kanin! Diyos ko,
Ganito na lang palagi! Kaya nakakatamad umuwi!
Nilagay ko na lang agad yung bag ka sa lagayan.
Matutulog na lang ako kesa makita ko yung mga nagliliparang gamit dulot ng pag- aaway nila.


Masaya mabuhay, kaya
 Spread the love!
                            -sent


Lex: Masaya kana naman? Para ka talagang walang Problema! nakakahawa ka.

Text sakin ng kaklase ko, wala akong best friend, close friend ko lahat. Bakit? wala lang siguro sabik lang sa pagmamahal ng ibang tao.

Ako: Siyempre naman! Ako pa ba?
                                             -Sent

Tinago ko na ang cellphone ko. Tama na ang libo-libong pagpapanggap ko ngayon araw!
Bigyan ko naman ng pagkakataon ang sarili ko para magpakatotoo.

Di ko magawang sabihin sa iba ang nangyayari sa pamilya ko sa buhay ko! Dahil sa bawat tawag pinapakita ko sa ibang tao, lugmok na lugmok naman ako sa kaloob- looban ko. Andami kong payong binibigay sa kanila, Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawa para sa sarili ko. Sabi nga nila nakakahawa ang mga tawa ko, bakit ko pa babaguhin kung alam kong nakakapagpagaan ako ng kalooban nila?

. . . . . . . . . kahit pa nasasaktan ako.

"BEKI" - Christian M. Balino

               Bakla, Bading, Bayot, Beks at Beki, yan ang karaniwang tawag samin ng nakararami. Bakit nga raw ba nagkaroon ng Beki o Bakla? Sabi ng iba dahil daw to sa kinakain okaya naman  sa hangin, sabi naman ng iba ginawa daw kami ng demonyo kasi wala naman daw ginawa ang diyos na Bakla. Eh Bakit naman daw dumarami ang Bakla eh hindi naman ito nanganganak? Sabi nila nahahawa daw na parang Epidemya  yung tipong malawayan ka lang baon ay Bakla ka nadin Bukas. Pero para saakin nagiging bakla ang isang lalaki dahil sa environment nya, sa mga pinagdaanan nya, sa sitwasyon ng buhay at pamilya nya, sa takbo ng utak at tibok ng puso nya Parang ako….
               
               Ako si Philip Montelino, Labing pitong taong gulang kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong edukasyon, Bunso sa apat na magkakapatid na may dalawang babae isang lalaki at isang alanganin, at apat na taon nang aminadong Bakla. Bata palang ako alam ko na na hindi ako normal katulad ng ibang lalaki pero pilit ko itong pinipigilan at dahil bata pa ako ng mga araw na yon takot pa akong aminin kung ano talaga ang tunay na ako at sa diskriminasyong kakaharapin ko kaya ilang taon di akong nagtago pero hindi maiiwasang mapansin ng ibang tao ang pagiging malambot ko lalo na’t puro babae ang  kasama ko, noong bata palang kasi ako ayaw ko na nakikipag barkada sa mga lalaki pakiramdam ko laging may gulo ata katarantaduhang mangyayari sakin kapag puro lalaki ang kasama ko kaya puro babae at kapwa ko malalambot nalang ang kinakaibigan ko at iyon ang naging dahilan para lagi akong kutyain ng mga kaklase ko yung iba naman ay hindi maiwasang magtanong kung lalaki ba talaga ako pero ang lagi kong sagot “Lalaki ako at ayokong maging Bakla”. Sa katunayan nga ay nagkaron pa ako ng Girlfriend noong ako nasa ika-anim na baitang pa lamang sa elementary  Nagkakagusto pa ako noon sa babae , Alam nyang mahal ko sya at alam ko na mahal nya ako sabay pa nga kami noon pumasok sa eskwela pati narin sa miryenda, pag-uwi at minsan pag-tambay sa tapat n gaming bahay. Akala ko siya na yung makakapagpabago saakin , akala ko sya na ang magiging dahlia para sabihin kong isa talaga akong tunay na lalaki…. Hindi pala. Nakipag-hiwalay din sya sakin dahil sa sinabi ng kuya nya na Bakla ako at kahit kalian ay hindi ko sya makakayang ipagtanggol dahil mas malambot pa ako sakanya. Masakit pero hindi dahil do’n  ay mawawalan na ako ng pag-asa na humanap ng iba na mamahil ako, kaya eto nagtyaga akong manligaw ng iba pero parang mas  naging masakit ang mga sumunod na nangyari, puro rejection ang inabot ko at hindi lang ‘yon puro pa paninira at panlalait ang inabot ko sa mga babaeng niligawan ko kesyo panget, mataba, paminta  at madami pang masasakit na salita na nakasira ng imahe ko sa ibang tao. Wala naman akong ni kapiranggot na ginawang masama sa kanila para gawin nila saki ‘yon. Noong mga panahon na ‘yon pakiramdam ko walang kayang magmahal sakin, sobrang panget ko. Pakiramdam ko din na lahat ng tao sa paligid ko ay nilalait ako at mukang nakakatawa sa paningin nila yung pakiramdam na busted ka na nga sinisiraan ka pa sa maraming tao. Kaya dahil do’n hindi na ako nanligaw ng babae sa takot ko na mangyari ulit saakin yo’n o baka mas malala pa.

               1st year High School, tapos na ang pagmumukmok at handa na akong baguhin ang sarili ko, kung ano man yung bagong ako siguro bahala na kung saan ako mas sasaya. Bagong School, bagong uniporme, bagong bag, bagong hairstyle, bagong mga kaklase at bagong kaibigan. isa sa naging kaibigan ko ay si Aljon, isng bakla kung baga sa suka ay Puro sya walang bahid ng pagka-lalaki sa puso nya. Pero hindi sya katulad ng ibang bakla na tadtad ng kolorete sa mukha at lagging gising tuwing gabi, sya yung bakla na tama lang kung maghaharot man sya siguro kapag kami-kami lang magkakaibigan ang magkakasama. Si Aljon lang ang nakapansin na may gusto ako kay Carl, isa sa mga gwapo sa klase namin. Sa totoo lang ay hinahangaan ko talaga si Carl hindi lang kasi sya basta gwapo matalino, talented, mabait at mapagkumbaba din sya, pero hindi pwede ‘yon ayokong maging bakla, natatakot ako sa magiging reaksyon ng ibang tao at ng pamilya ko. Kaya pilit ko itong pinigilan pero ba’t ganon kahit anong piggil ko hindi parin maalis ang paghanga ko sakanya na parang mas lumala pa, dumating yung puntong hindi na ako sanay ng hindi sya nakikita hindi na ko sanay na wala sya sa paningin ko, gusto ko syang makita minu-minuto at kapag nakikita ko sya iba yung kilig na nararamdaman ko. Noong mga araw na yon mas gusto kong mapag-isa para walang nakakakitang umiiyak ako dahil hindi ko matanggap ang sarili ko hindi ko matanggap na nagkakaganito ako at sobrang takot ko na malaman ng pamilya ko, hindi na nga ako kasing talino ng mga kapatid ko magiging bakla pa ako. Hanggang sa naabutan ako ni Aljon na umiiyak sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko ay sinabi ko na sakanya ang dahilan nang tanungin nya ako kung bakit ako umiiyak “Alam mo hindi naman kasalanan ang maging bakla hanggat wala kang ginagawang masama, kung kasalanan man ‘to eh ano naman? Lahat naman tayo nagkakasala diba? Siguro nga tama sila na walang nakalagay sa bibliya na ginawa ang bakla ng diyos pero wala ding nakalagay sa bibliya na sinabi ng diyos na manghusga ka ng kapwa mo, Hindi naman kasarian ang Bakla personalidad ‘to ng isang lalaki. At bakit ka natatakot na malaman ng ibang tao ng pamilya mo? Dahil baka hindi ka nila matanggap? Hindi ka talaga nila matatanggap dahil mismong sarili mo ay hindi mo tanggap. Sundin mo ano talagang sinasabi nyang puso mo at hayaan mong maging masaya ang sarili mo nang hindi nagtatago. Maikli lang buhay wag mong hayaan na sa bandang huli ay magsisi ka na hindi ka naging masaya dahil hindi mo sinunod ang nararamdaman mo” ilan lang yan sa mga sinabi ni aljon  na talagang nagpagising saakin.

               Lahat ng sinabi ni Aljon ang naging dahilan ng pag amin ko sa pamilya ko, Alam na nila na bakla ako pero hanggang ngayon ay hindi parin nila ako magawang tanggapin. Kasabay ng paglantad ko ay ang paglayo ng loob ng pamilya ko sakin, hindi na katulad ng dati na nag-aalala sila sa tuwing uuwi ako ng hating gabi. Napansin ko din ang biglang pag-iba ng trato nila saakin tulad nalang kapag nagtatalo kami ng mga kapatid ko na kahit ako ang nasa katwiran ay lagi parin akong pinapagalitan at ang masakit pa do’n ay pinagkukumpara ako ng magulang ko sa mga kapatid ko sa harap ng ibang tao. Pakiramdam ko wala na akong kakampi at wala nang nagmamahal sa’kin, Buong akala ko ako lang ang nakakaramdam ng gano’n halos lahat pala ng kaibigan kong bakla ay gano’n din ang nararamdaman pero kahit malungkot ang kwento ng aming buhay hindi namin ito pinapakita sa ibang tao, ayaw naming makahawa ng kalungkutan at makadagdag pa sa problema ng ekonomiya kaya kahit malungkot pinipilit padin naming maging masaya para maging masaya din ang iba, Ang sarap kaya ng pakiramdam na nakapag-pangiti ka na ikaw yung dahilan kung bakit sila Masaya at kung bakit nakakalimutan nila ang problema nila. Doon kami bumabawi ng atensyon na hindi naibigay ng mga mahal namin sa buhay .


               Ngayong 1st year college na ako kahit mahirap magpa-aral ng sarili dahil umalis na ko sa puder ng mga magulang ko, hindi ko na kaya Makita o maramdaman ang pambabalewala ng magulang ko saakin, mas mabuti nadin siguro ang ganito makakabawas pa ako sa problema ng magulang ko , sabi pa nga ng pinsan ko at ng kapit bahay namin hindi naman na ako hinahanap ng pamilya ko. 2nd year na ako sa susunod na taon , Nakaipon narin ako ng pang-matrikula ko sa buong 2nd year  dahil bukod sa pagiging crew ko sa isang sikat na fast food restaurant ay nag papa-order din ako ng ibat ibang klase ng kolorete sa mukha, damit at marami pang iba para mas malaki ang naiipon ko. Malungkot man na mag-isa nalang ako sa buhay pero ang importante ay masaya ako dahil sinunod ko kung ano talaga ang sinasabi ng puso ko.

           

      Buhay Irregular Student - Jane Mendoza
                  Mahirap na masaya ang maging isang iregular na mag - aaral. Mahirap sapagkat madaming conflict sa iskedyul. Minsan hindi mo kaya makipagsabayan sa klase . Madalas din na nahuhuli sa klase dahil sa mga pabago- bago. Idagdag pa ang pagkakasabay - sabay ng pagsusulit. Minsan may mga asignatura kang kailangan isakripisyo para sa isa pang asignatura na sa tingin ko ay mas mahalaga.
                  Masaya din naman dahil may mga bago kang nakikilala at nagiging kaibigan . Mas nadadagdagan yung lakas ng loob mo na makisalamuha sa ibang tao.
                   Isa akong iregular na mag - aaral. Lumipat ako sa " College of Arts and Sciences noong ako ay nasa ikalawang taon na. Nanggaling ako sa "College of Hospitality Management . Nagkaroon kami ng problema sa pera kaya kinailangan kong lumipat. Kumuha ako ng kursong " Industrial Psychology ayon na din sa kagustuhan namin ng Tita ko na siyang nagpapa-aral sa akin ngayon.Noong una sobrang hirap na hirap ako.Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit .Hindi ko alam kung paano ako makikisalamuha sa mga bagong tao sa paligid ko. Nilakasan ko na lang ang loob ko at sa awa naman ng Diyos ay nakaya ko.
                    Lumipas ang ilang linggo at unti - unti na din akong nasasanay.Nararamdaman ko na yung pagtanggap ng mga tao sa akin.Ngayon sanay na ako. Madami na akong kaibigan. Natuto na din ako kung paano magdesisyon ng tama . Kung paano pahalagahan ang oras.

Sa Kabilugan ng Buwan - Emarimar Palma

Si Arnel ay isang matipunong lalaki na mangangahoy sa kagubatan sya ay may taas na 5'11 at may kahabaan ang buhok. Sa hitsura ay talagang may sinabi si Arnel at masasabing gwapo ito na pwedeng maikumpara sa mga modelo sa maynila. Si Arnel ay nag-iisang anak at ulila na sa magulang sya ay naninirahan sa isang liblib na probinsya sa Bohol.may sariling kubo at lugar kung saan ginagawa nyang magagandang kagamitan ang mga nakukuhang kahoy.Ito ang pangunahing hanap buhay at pinagkakakitaan ni Arnel bukod pa sakanyang pagiging "tour guide" paminsan-minsan kapag may mga turistang nagagawi sa kanilang lugar. Si Arnel lng ang bukid tanging nakukuhang "tour guide " sa kanilang lugar dahil sya lamang ang may lubos na kaalaman sa kagubatan.  
Si Sandra ay isang anak ng isang mayamang negosyante na nag mamayari ng mga bangko sa maynila.si Sandra ay may magandang hubog ng pangangatawan at ang kanyang vital statistics ay 36'24'34. Si Sandra ay may taas na 5'6 at aktibo ito sa mga pisikal na gawain mahilig ito sa mga pag-akyat ng bundok at mga adventure na may kinalaman sa kalikasan. Si Sandra ay nakapag lakbay na sa ibat-ibang bahagi ng mundo at isa pa sa mga hindi nya napupuntahan ay ang Bohol. Nagpaplano na si Sandra na magpunta dito ngunit gusto niyang isama ang kanyang nobyo at matalik na kaibigan.  
Si Gerald ay isang negosyante sa maynila ang kaniyang negosyo ay ang pag bebenta ng mga sasakyan nakilala nya si Sandra dahil nangutang Ito ng kapital para sa kanyang negosyo, kung hindi dahil kay Sandra ay hindi ito makakahiram ng malaking halaga dahil kulang ang requirements nito para sa malaking halagang hinihiram. si Gerald ay maputi at may tangkad na 5'10 hindi masyadong matipuno ang kanyang katawan dahil mahilig itong gumimik at uminom ng alak at nasanay na ito sa night life .Hindi din mahilig sa physical na activities si Gerald dahil ang tanging hilig lamang niya ay ang pag party kasama ang mga barkada.
Si Lea ay ang matalik na kaibigan ni Sandra nagsimula silang maging mag kaibigan nung sila ay nasa hayskul pa. Iskolar si Lea sa paaralang pinapasukan ni Sandra at kinalaunan ay naging empleyado nila Sandra ang kaibigan. Si Lea ang palaging kasama sa mga adventure ni Sandra. Si Lea ay simple lamang ngunit matalino sya at may katamtamang hubog ng katawan ngunit malaki ang hinaharap  
...Lea ready ka na ba ? I will be there in 30 mins make sure na packed na lahat ng things mo ha. Yes Best ready na ako ikaw dont forget your meds ha . Yes best dala ko yung gamot na pang allergy ko. Magkikita na daw tayo nila gerald sa may convenience store before going to the airport . Ok Sandra see you .Ingat ka .  
... Sa convenience store kung nasaan sina Lea at Sandra ...Hi Girls sorry I'm late may tinapos lang ako before going in.. Let's Go.
(Manila to Bohol Via Philippine Airline) Dumating na nga sina Sandra, Lea at Gerald sa Bohol... sinalubong na sila ni Mang kiko na maghatid sa kanila aa probinsya Almeda kung saan aakyatin nila ang Bundok Hiwaga.

Ang bundok hiwaga ay tinawag na bundok hiwaga dahil sa nababalot daw ito ng kung ano-anong hiwaga na hindi maipaliwanag ninuman. Ang bundok hiwaga ay matatagpuan sa dulo ng kagubatan na tinitirhan ni arnel
  Oh yes! Finally! Andito na tayo guys. Tuwang tuwa si Sandra ng makita ang malalaking puno ng kagubatan ng Almeda..
Mang kiko sino po ang sasama sa amin pa akyat ng Bundok? Ah eh si Arnel ho Ma'am si Arnel lang ang makakasama sa inyo dahil siya lang ang may kabisado ng lugar at sya ang may alam kung saan ligtas dumaan paakyat ng bundok ipapakilala ko po kayo sa kanya pag dating natin sa kubo niya.Pag dating sa kubo ni Arnel Nagulat sina Lea at Sandra ng makita nila si Arnel, hindi ito yung tipo ng tour guide na kadalasan nilang nkakasa ma oh my god! Best yan ang tour guide natin? Tanong ni Lea kay Sandra Oo Best! Grabe ha mukhang sulit na sulit ang binayad ko! Ani ni sandra . Ehem! Babe! Ano ba naririnig kita ha! Dont tell me magkakagusto ka sa isang mag-gugubat na kagaya nyan! ..Babe! Ano ka ba sinasakyan ko lng naman itong fantasy ni Lea alam mo naman yan "No boyfriend Since Birth" Oo nga naman Gerald! Pagbigyan mo na ako baka nandito na ang tadhana ko. Hay ewan ko sayo Lea! Mag hahanap ka na lng taga bundok pa ang dami-dami namang lalaki sa maynila
Arnel..Sila pla ang mga turista na sasamahan mo paakyat ng bundok si ma'am Sandra, Ma'am Lea , at Sir Gerald . Ay magandang umaga po sa inyo .. Good morning arnel sagot ni Lea Magandang umaga din sayo sabi naman ni Sandra. Ah pare san ko ba pwedeng ilagay ang mga gamit namin?
Ay dito po sa loob, Ako na ho sir wika ni Mang Kiko.. halina po kayo't pumasok sa loob ipaghahanda ko po kayo ng makakain at ng makapagpahinga na rin po kayo.


Pumasok na sina Lea,Sandra at Gerald sa kubo..
Mang Kiko: Magpapaalam na po ako sa inyo Ma'am Sandra , ay malayo pa ho ang aking lalakbayin pababa ng bayan eh mahirap pong gabihin sa gubat na ito.
Sandra: Sige po Mang Kiko marami hong salamat sa lahat antabayanan nyo na lamang po ang aking tawag kung may kaylangan pa po kami. (Iniabot ni Sandra ang 10,000 pesos na kabayaran kay Mang Kiko.)
Mang Kiko: Ay maraming salamat po ma'am sobra sobra naman ho ata ito .
Sandra: Ok lng yan Mang Kiko! Sge ho ingat kayo.

Arnel: Ma'am , Sir Kain na ho tayo naghanda po ako ng inihaw na Manok at inihaw na Baboy yan lang ho ang maihahain ko sa inyo dahil yan lamang po ang alaga ko dito kung gusto nyo naman po ng ibang putahe ay ibibili ko po kayo sa bayan.
Lea: Ay hindi.. ok na yan Arnel kumakain naman kami ng mga yan .. diba Guys?
Sandra: Oo ok na yan masarap nga yan.
Gerald: Sige na kumain na tayo at ng makapagpahinga na.
Arnel: Oo nga po kaylangan nyo na mag pahinga dahil alas kwatro po tayo aalis paakyat ng bundok

(...Pag sapit ng alas kwatro ng madaling araw kinatok ni Arnel ang kwarto ni Sandra at Gerald)

Arnel: Ma'am Sir gising na po aalis na ho tayo.
(Agad agad naman binuksan ni Sandra ang pinto)

Sandra: Gising na ako Arnel etong si Gerald nag hihilik pa..
Pakisuyo na lng si Lea Salamat.
Arnel:Ay Gising na si Ma'am Lea nakita ko pong na sisipilyo na sya sa may lababo
Sandra: O sige lalabas na kami at mag-aayos lang
Gerald:Lea ayos na ba lahat ng dadalin mo ?
Lea:Oo naman kayo ok na ba kayo?
Gerald:Oo ready na kami
Arnel:Alis na po tayo ng hindi tayo gabihin.
(Umakyat na si Lea,Sandra at Gerald sa bundok hiwaga sa pamumuno ni Arnel)

Ooooouucch! Sigaw ni Lea...
Arnel: ano pong nangyari Ma'am?
Sandra: best what happen?
Gerald: ano yun?
Lea: may kumagat sa legs ko..
(Dali-daling pinuntahan ni Arnel si Lea..)
Arnel: naku ma'am nakagat po kayo ng isang hiswa..
Lea: ha? Anong hiswa? Aray ang sakit..
Arnel: isang uri po ng insekto na dito lamang sa bundok hiwaga matatagpuan..
Sandra: Ano ba yan Arnel? Delikado ba yan?
Arnel: hindi naman po mam pero kaylangan lang mabigyan agad ng lunas.
Sandra: Babe! Ano bang tinutulala mo jan ilabas mo ung first aid kit.!
Gerald: Ha? Eto na nga kinukuha ko..
Arnel: ay hindi po gamot sa lungsod ang makakagamot dito. Eto po may dala akong mga halamang gamot.. Ma'am Lea ipatong nyo po sa akin ang binti ninyo..
(Agad sinipsip ni arnel ang kagat sa binti ni Lea..)
Lea: ouch.. aray.. ah.. ah..
Sandra: best! Ano ba?! Hindi ko naman malaman kung nasasaktan ka o nasasarapan dyan..
Gerald: pare ano ba yan.? Bat ganyan?
Arnel: ganito po talaga.. parang sa ahas. Dapat ay sipsipin ito upang hindi dumaloy sa kanyang dugo.
(Agad tinapalan ni Arnel ng dahon at sabay tinalian ang sugat ni Lea..)
Nasa kalagitnaan na ng bundok sina Lea, Sandra, Gerald at Arnel ng Mangyari ito..
Arnel: Ma'am, Sir paano ho yan mukang mababagalan tayo dahil sa Natamong sugat ni Ma'am Lea. Baka kaylanganin natin magpalipas ng isang gabi dito.
Sandra: Ha? Ganun ba? Pano yan babe?
Gerald: wala naman tayong magagawa babe. Ok lang yan may dala naman akong Tent. Kaso ay iisa lang ito. Pang dalawang tao lang. Mabuti pa sa Tent kayo ni Lea at sa labas kami nitong si Arnel.
(Sumapit na ang hapunan..)
Arnel: Ma'am, Sir nag ihaw po ako ng baboy ramo. Kapareha lamang po ito ng kinagisnan nyong baboy sa lungsod. Mas malinis at mas masarap pa nga po ito.
Gerald: Ok na yan pare. Buti may makakain tayo kaysa wala. Hindi din kasi namin alam na gagabihin tayo dito.
Sandra: Ok na yan Arnel maraming salamat sa pag aasikaso mo sa amin.
Lea: Wow ang galing mo naman Arnel nakahuli ka agad ng baboy ramo sa maiksing oras lamang.
Arnel: Hindi naman ho mam nasanay na po kasi ako dito sa kagubatan. wala naman po kasing masyadong ginagawa dito.
Gerald: Bkt Lea kahit ako ren naman kaya ko manghuli ng mga gumagalang hayop dito ha.
Lea: Hay naku Gerald magtigil ka nga jan sa kayabangan mo kanina ngang nakagat ako wala ka namang nagawa.
Sandra: Mag sitigil na nga kayong dalawa halikana't kumaen na tayo.
(Nag salo salo ang apat sa pagkain habang nasa gitna ng bon-fire..)
Gerald: Babe ! Matulog na kayo ni Lea ah dito lang muna kami sa labas ni Arnel , Lea mag pahinga kana para makalakad na tayo bukas.
Sandra: Sige babe sure ka ok ka lng jan a
Lea: Sige goodnight sa inyo ni Arnel.
(habang palalim na ang gabi)
Lea: Best iihi lang ako sa labas naiihi na kasi ako e.
Sandra: Sige best kaya mo ba mag isa ? gsto mo samahan na kita?
Lea: Hindi na sige best ok lang ako kaya ko naman medyo ika-ika lang ako mag lakad.
(Lumabas na ng tent si Lea)
Arnel: Ma'am saan ho kayo pupunta delikado na po kapag ganitong gabi.
Lea: Ay eh call of nature Arnel.. jijingle lang me.
Gerald: Naku delikado na Lea tara samahan na kita..

(Nagtungo sina Lea at Gerald sa mapunong bahagi na hindi na masyadong tanaw mula sa Tent)
Gerald: Ngayon ko lang nalaman. Mayabang pala ako ha..Hmmm..
(Sabay halik ni Gerald kay Lea)
Lea: Gerald!! Ano ba?! Ano bang ginagawa mo.?
Gerald: Bakit Hon?! Hindi mo ba ko namimiss.? Ako kasi miss na miss ko na yung mga halik mo eh..
Lea: Hon! Diba napag usapan na natin ito? Hindi tayo gagawa ng mga ganitong bagay kapag kasama natin si Sandra.
Gerald: Hon miss na miss na talaga kita eh..

(Hinalikan na naman ni Gerald si Lea.. at hinalikan din sya pabalik ni Lea. Nag espadahan ang kanilang mga dila Hanggang sa gumapang na ang kamay ni Gerald patungo sa malaking hinaharap ni Lea..)
(Lumabas si Sandra ng Tent..)
Sandra: Arnel nakita mo ba si Gerald?
Arnel: Ay sinamahan po si Ma'am Lea mag call of nature dahil delikado na po ngayong gabi..
Sandra: Saan banda sila nagtungo?
Arnel: Ay doon po banda sa mapunong bahagi.. sa kanan.
Sandra: Sige pupuntahan ko lang ha.
Arnel: Ay samahan ko na kayo ma'am gaya nga po ng sabi ko delikado na po ngayon..
(Naglakad sina Sandra at Arnel patungo kung saan naroroon sina Lea at Gerald..)
...sa hindi inaasahang pangyayari sumimbulat sa mga mata ni Sandra ang masalimuot na lihim ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Kitang kita ng mga mata nya ang pagtatalik ng dalawa.
(Tumakbo pabalik sa Tent si Sandra habang tumutulo ang mga luha nito..)

Pumasok si Arnel sa Tent
Arnel: Ma'am Ok lang po ba kayo? Sandra: Bakit ganon? Anong ginawa ko sa kanila? Anong kasalanan ko? Bakit ginawa nila sa akin yon? Matalik kong kaibigan? Kasintahan ko? Bakit ganon.. Huhuhu
(Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ni Sandra..)
Arnel: Ma'am wala naman po siguro kayong ginawa o kasalanan sa mga pangyayari. Hindi naman po siguro ninyo kasalanan na pag taksilan ng mga taong mahal ninyo. Minsan sadyang mapait ang kapalaran ng mga tao. Kagaya ko. Mag-isa lang din ako sa buhay. Minsan na din naging bigo sa pag-ibig.
Sandra: Ang sakit kasi.. hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.. Halos ibigay ko sa kanila ang lahat.
(Tuloy pa din ang pag luha ni Sandra)
Arnel: Kaya nyo po yan Ma'am lahat po ng mga nangyayari sa ating buhay ay may kadahilanan. At lahat po ito'y kaya nating lampasan. Kung hindi nyo po mamasamain ay iaalay ko ang aking tulong para po madamayan kayo..
Sandra: Maraming salamat Arnel baka kung hindi dahil sayo ay tinapos ko na ang aking buhay..
(Biglang niyakap ni Sandra si Arnel..)
Arnel: Ma'am yan po ang wag na wag nyong gagawin. Masarap pong mabuhay. Lagi lamang po natin titignan ang kagandahan ng buhay. Wag po natin masyadong intindihin o isipin ang mga hindi magagandang bagay. Andito lamang po ako. Wag po kayong mag alala lilipas din po iyan. Magpahinga na po kayo ma'am at baka padating na sina Gerald at kung ano pa ang isipin sa atin.
Pabalik na sina Lea at Gerald sa Tent..
Sandra: Sige maraming salamat sayo Arnel. Good Night.
(Pumasok na si Lea sa Tent)
Sandra: Bakit ang tagal mo naman best? Lea: Sorry Best medyo napalayo na pala ung pinag ihian ko..
Sandra: ah talaga? Delikado na ha. Sino kasama mo Si Arnel? O Si Gerald? Lea: Ah. Sinamahan ako ni Gerald Best pero sa malayo lang naman sya. Sandra: Ok best. Wala naman sigurong masama kahit mapalapit pa sayo si Gerald diba? Wala naman si Gerald sayo diba? At higit sa lahat Bestfriend mo ko. Since hayskul.. Lea: Oo naman best. Alam mo naman ang dami mo ng naitulong sa akin at sa family ko. Kaya nga parang kapatid na turing ko sayo.
Sandra: ah talaga.? Sige best goodnight. Maaga pa tayo bukas.
Lea: sige best good night.
Kabilugan ng Bwan..
(May nagtxt sa cellphone ni Arnel)

Mang Kiko: Arnel. Kabilugan na ng Bwan. Pumunta ka na sa kweba. Alam mo na ang gagawin mo.
Arnel: Mang Kiko hnd kami nakababa ng bundok. May nangyari. Hnd ako makakababa sa kweba. Mang Kiko: Ano? Delikado yan Arnel. Nasan ang mga turista? Kasama mo ba sila??