My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

“Sana naging lalaki na lang ako” By Mycel Andrei E. Divina

Tayo bilang isang babae ay may minsan na sumasagi sa ating isipan ang mga katagang “Ano kaya ang pakiramdam maging isang lalaki?” “Sana nagagawa ko din yung ibang nagagawa ng mga lalaki” at “sana naging lalaki na lang ako”. Naiisip natin ito dahil may mga bagay na kayang gawin ang mga lalaki sa ating mga babae at sa mga bagay na iyun bibihira lang ang mga babaeng nakakagawa. Dahil pantay-pantay mang ginawa ang mga tao, marami pa din pagkakaiba, sa kakayahan, pisikal at emosyonal na aspeto ang mga babae at lalaki.
Kung naging lalaki lang ako, sana isahang sakit na lang ang mararamdaman ko pag-nagpatuli, hindi tulad sa babae na may buwanang dalaw at may kasama pang-pananakit ng puson. Nagagawa ko rin sanang maghubad sa bahay ng pang-itaas at ang tanging suot lamang ay boxer shorts kapag mainit, na ‘di na kagaya sa babae na pagsila ang gumawa ang panget tignan. Kaya ko rin sanang umihi ng nakatayo sa harap ng kubeta, buksan lamang ang zipper, ilabas ang *toot* at makaihi na. Hindi tulad sa mga babae na marami pang kailangan hubarin at kailangan pang umupo bago umihi at 'di rin kayang ng babae ang umihi sa kung saan. ‘Di ko rin sana mararanasan ang pagkakaroon o pagdadalang tao ng siyam na buwan at panganganak na ang isang paa ko ay nasa hukay na. Kung lalaki lang ako papagandahin ko ang aking katawan, magpapalaki ng muscles at mag-woworkout para magkaroon ng six pack abs o anim na pandesal. Kaya ko din sanang sumabit ng jeep. Hindi ko na rin kailangan mag-shave, magbunot at magpa-wax ng kili-kili kada buwan, ‘di tulad sa nga lalaki na ayos lang sa kanila ang may mahabang buhok sa kili-kili dahil natural lang sa kanila iyon. Pagdating naman sa mga gawaing bagay hindi na sana ako inuutusan para maglinis, magtiklop ng damit, maglaba, magsaing at maghugas ng mga pinag-kainan dahil ang mga babae talaga ang may obligasyon sa ganitong bagay dahil ang mga lalaki pag-inutusan ay nagbibingibingihan at kunyari may ginagawa upang hindi mautusan. Kung naging lalaki lang ako pwede sana akong umalis ng bahay kung gugustuhin ko, pwede sana akong makapag open-party na hanggang umaga at hindi napapagalitan. Dahil pag kaming mga babae ang gumawa nito asahan nyo na ang sermon, pangaral, panghuhusga at pagkagrounded sa ilang bagay. Pagdating naman sa usapang pag-ibig, kung naging lalaki lang ako edi sana mababawasan na yung mga babaeng nasasaktan, umiiyak at nagpapakamartir sa maling lalaki. Dahil bilang isang lalaki dapat minamahal, pinapasaya at itinuturing na kayaman ang mga babae. Pinapahalagahan at inaalagaan. Higit sa lahat dapat sila ay pinoprotektahan at nirerespeto. Dahil ang isang tunay na lalaki ay may prinsipyo at paninindigan sa kanilang ginagawa. 
Sana naging lalaki na lang ako para lahat ng nais kong magawa ay may kalayaan akong gawin ngunit sabi nga nila na ang lahat ng tao sa mundo ay hindi perpekto dahil ang Diyos lamang ang tunay na perpekto sa ating lahat. Kaya dapat kung ano ang ibinigay sa atin ng Panginoon ay gamitin natin sa tamang paraan at umakto sa tamang pag-uugali. ‘Di man ako tunay na lalaki ay sana magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki at sana di agad hinuhusgahan ang kakayanan na isang babae sa isang lalaki dahil ang lahat ng tao sa mundo ay may karapatang ipahayag ang kanilang tunay na nararamdaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento