My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

Ang Tatlong Kuto - Cristina Pardillo

   Ang Tatlong Kuto

  Isang araw may tatlong kutong nagpaplanong magkita kita, ngunit may dumaang bagyo na sobrang lakas kaya naudlot ang kanilang pagkikita.
     Kinabukasan pinilit ng isang kuto na nag ngangalang maria na makita ang kanyag irog na si junjun at kaibigang si lucia.
     Hanggang sa humupa ang bagyo at sila'y nagkita kita. Sa tagpuan, si maria at lucia ay naghihintay kay junjun Si junjun ay irog ni maria. Makalipas ang ilang minuto si junjun ay dumating na, subalit kita sa muka ni junjun na mas nagagalak na makita si lucia kaysa sa kay maria.Nakita yun ni maria kaya hinila nya si junjun at ito'y hinalikan sa harap ni lucia at walang kibong tinanggap yun ni junjun.
    Hanggang sa dumating ang isang araw na naglakas ng loob si junjun na magtapat kay lucia nang kanyang totoong nararamdaman para sa kanya. Dahil dito'y naging dahilan ng pagkaka alitan nina lucia at maria na umabot sa sakitan at masasakit na salita. Sabi ni maria kay lucia "walang hiya ka lucia! tinuring kitang kaibigan pero inagaw mo ang aking minamahal! Malandi ka!" at sabi naman ni lucia kay maria " Mas malandi ka! ako ang tunay na mahal ni junjun kaya tanggapin muna na Mas maganda ako kaysa sayo!" Napagisip isip ni maria na magpaubaya nalang sa kanyang minamahal. Dahil dito si maria ay nagpakalayo layo sa kanilang dalawa. Samantalang si junjun at si lucia ay pinagpatuloy ang pagmamahalan.

1 komento:

  1. dahil ang iyo ay may karakter subuking maglagay ng diyalogo nang sa ganon maging buhay iting basahin. wala pa ritong kwento di ko pa nakikita

    TumugonBurahin