Bakla, Bading, Bayot, Beks at Beki, yan ang
karaniwang tawag samin ng nakararami. Bakit nga raw ba nagkaroon ng Beki o
Bakla? Sabi ng iba dahil daw to sa kinakain okaya naman sa hangin, sabi naman ng iba ginawa daw kami
ng demonyo kasi wala naman daw ginawa ang diyos na Bakla. Eh Bakit naman daw
dumarami ang Bakla eh hindi naman ito nanganganak? Sabi nila nahahawa daw na
parang Epidemya yung tipong malawayan ka
lang baon ay Bakla ka nadin Bukas. Pero para saakin nagiging bakla ang isang
lalaki dahil sa environment nya, sa mga pinagdaanan nya, sa sitwasyon ng buhay
at pamilya nya, sa takbo ng utak at tibok ng puso nya Parang ako….
Ako si Philip Montelino, Labing pitong
taong gulang kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong edukasyon,
Bunso sa apat na magkakapatid na may dalawang babae isang lalaki at isang
alanganin, at apat na taon nang aminadong Bakla. Bata palang ako alam ko na na
hindi ako normal katulad ng ibang lalaki pero pilit ko itong pinipigilan at
dahil bata pa ako ng mga araw na yon takot pa akong aminin kung ano talaga ang
tunay na ako at sa diskriminasyong kakaharapin ko kaya ilang taon di akong
nagtago pero hindi maiiwasang mapansin ng ibang tao ang pagiging malambot ko
lalo na’t puro babae ang kasama ko,
noong bata palang kasi ako ayaw ko na nakikipag barkada sa mga lalaki
pakiramdam ko laging may gulo ata katarantaduhang mangyayari sakin kapag puro
lalaki ang kasama ko kaya puro babae at kapwa ko malalambot nalang ang
kinakaibigan ko at iyon ang naging dahilan para lagi akong kutyain ng mga
kaklase ko yung iba naman ay hindi maiwasang magtanong kung lalaki ba talaga
ako pero ang lagi kong sagot “Lalaki ako at ayokong maging Bakla”. Sa katunayan
nga ay nagkaron pa ako ng Girlfriend noong ako nasa ika-anim na baitang pa
lamang sa elementary Nagkakagusto pa ako
noon sa babae , Alam nyang mahal ko sya at alam ko na mahal nya ako sabay pa
nga kami noon pumasok sa eskwela pati narin sa miryenda, pag-uwi at minsan
pag-tambay sa tapat n gaming bahay. Akala ko siya na yung makakapagpabago
saakin , akala ko sya na ang magiging dahlia para sabihin kong isa talaga akong
tunay na lalaki…. Hindi pala. Nakipag-hiwalay din sya sakin dahil sa sinabi ng
kuya nya na Bakla ako at kahit kalian ay hindi ko sya makakayang ipagtanggol
dahil mas malambot pa ako sakanya. Masakit pero hindi dahil do’n ay mawawalan na ako ng pag-asa na humanap ng
iba na mamahil ako, kaya eto nagtyaga akong manligaw ng iba pero parang
mas naging masakit ang mga sumunod na
nangyari, puro rejection ang inabot ko at hindi lang ‘yon puro pa paninira at
panlalait ang inabot ko sa mga babaeng niligawan ko kesyo panget, mataba,
paminta at madami pang masasakit na
salita na nakasira ng imahe ko sa ibang tao. Wala naman akong ni kapiranggot na
ginawang masama sa kanila para gawin nila saki ‘yon. Noong mga panahon na ‘yon
pakiramdam ko walang kayang magmahal sakin, sobrang panget ko. Pakiramdam ko
din na lahat ng tao sa paligid ko ay nilalait ako at mukang nakakatawa sa
paningin nila yung pakiramdam na busted ka na nga sinisiraan ka pa sa maraming
tao. Kaya dahil do’n hindi na ako nanligaw ng babae sa takot ko na mangyari
ulit saakin yo’n o baka mas malala pa.
1st year High School, tapos na
ang pagmumukmok at handa na akong baguhin ang sarili ko, kung ano man yung
bagong ako siguro bahala na kung saan ako mas sasaya. Bagong School, bagong
uniporme, bagong bag, bagong hairstyle, bagong mga kaklase at bagong kaibigan.
isa sa naging kaibigan ko ay si Aljon, isng bakla kung baga sa suka ay Puro sya
walang bahid ng pagka-lalaki sa puso nya. Pero hindi sya katulad ng ibang bakla
na tadtad ng kolorete sa mukha at lagging gising tuwing gabi, sya yung bakla na
tama lang kung maghaharot man sya siguro kapag kami-kami lang magkakaibigan ang
magkakasama. Si Aljon lang ang nakapansin na may gusto ako kay Carl, isa sa mga
gwapo sa klase namin. Sa totoo lang ay hinahangaan ko talaga si Carl hindi lang
kasi sya basta gwapo matalino, talented, mabait at mapagkumbaba din sya, pero
hindi pwede ‘yon ayokong maging bakla, natatakot ako sa magiging reaksyon ng
ibang tao at ng pamilya ko. Kaya pilit ko itong pinigilan pero ba’t ganon kahit
anong piggil ko hindi parin maalis ang paghanga ko sakanya na parang mas lumala
pa, dumating yung puntong hindi na ako sanay ng hindi sya nakikita hindi na ko
sanay na wala sya sa paningin ko, gusto ko syang makita minu-minuto at kapag
nakikita ko sya iba yung kilig na nararamdaman ko. Noong mga araw na yon mas
gusto kong mapag-isa para walang nakakakitang umiiyak ako dahil hindi ko
matanggap ang sarili ko hindi ko matanggap na nagkakaganito ako at sobrang
takot ko na malaman ng pamilya ko, hindi na nga ako kasing talino ng mga
kapatid ko magiging bakla pa ako. Hanggang sa naabutan ako ni Aljon na umiiyak
sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko ay sinabi ko na sakanya ang dahilan nang
tanungin nya ako kung bakit ako umiiyak “Alam mo hindi naman kasalanan ang
maging bakla hanggat wala kang ginagawang masama, kung kasalanan man ‘to eh ano
naman? Lahat naman tayo nagkakasala diba? Siguro nga tama sila na walang
nakalagay sa bibliya na ginawa ang bakla ng diyos pero wala ding nakalagay sa
bibliya na sinabi ng diyos na manghusga ka ng kapwa mo, Hindi naman kasarian
ang Bakla personalidad ‘to ng isang lalaki. At bakit ka natatakot na malaman ng
ibang tao ng pamilya mo? Dahil baka hindi ka nila matanggap? Hindi ka talaga
nila matatanggap dahil mismong sarili mo ay hindi mo tanggap. Sundin mo ano
talagang sinasabi nyang puso mo at hayaan mong maging masaya ang sarili mo nang
hindi nagtatago. Maikli lang buhay wag mong hayaan na sa bandang huli ay
magsisi ka na hindi ka naging masaya dahil hindi mo sinunod ang nararamdaman
mo” ilan lang yan sa mga sinabi ni aljon
na talagang nagpagising saakin.
Lahat ng sinabi ni Aljon ang naging dahilan
ng pag amin ko sa pamilya ko, Alam na nila na bakla ako pero hanggang ngayon ay
hindi parin nila ako magawang tanggapin. Kasabay ng paglantad ko ay ang paglayo
ng loob ng pamilya ko sakin, hindi na katulad ng dati na nag-aalala sila sa tuwing
uuwi ako ng hating gabi. Napansin ko din ang biglang pag-iba ng trato nila
saakin tulad nalang kapag nagtatalo kami ng mga kapatid ko na kahit ako ang
nasa katwiran ay lagi parin akong pinapagalitan at ang masakit pa do’n ay
pinagkukumpara ako ng magulang ko sa mga kapatid ko sa harap ng ibang tao.
Pakiramdam ko wala na akong kakampi at wala nang nagmamahal sa’kin, Buong akala
ko ako lang ang nakakaramdam ng gano’n halos lahat pala ng kaibigan kong bakla
ay gano’n din ang nararamdaman pero kahit malungkot ang kwento ng aming buhay
hindi namin ito pinapakita sa ibang tao, ayaw naming makahawa ng kalungkutan at
makadagdag pa sa problema ng ekonomiya kaya kahit malungkot pinipilit padin
naming maging masaya para maging masaya din ang iba, Ang sarap kaya ng
pakiramdam na nakapag-pangiti ka na ikaw yung dahilan kung bakit sila Masaya at
kung bakit nakakalimutan nila ang problema nila. Doon kami bumabawi ng atensyon
na hindi naibigay ng mga mahal namin sa buhay .
Ngayong 1st year college na ako
kahit mahirap magpa-aral ng sarili dahil umalis na ko sa puder ng mga magulang
ko, hindi ko na kaya Makita o maramdaman ang pambabalewala ng magulang ko
saakin, mas mabuti nadin siguro ang ganito makakabawas pa ako sa problema ng
magulang ko , sabi pa nga ng pinsan ko at ng kapit bahay namin hindi naman na
ako hinahanap ng pamilya ko. 2nd year na ako sa susunod na taon , Nakaipon
narin ako ng pang-matrikula ko sa buong 2nd year dahil bukod sa pagiging crew ko sa isang
sikat na fast food restaurant ay nag papa-order din ako ng ibat ibang klase ng
kolorete sa mukha, damit at marami pang iba para mas malaki ang naiipon ko.
Malungkot man na mag-isa nalang ako sa buhay pero ang importante ay masaya ako dahil
sinunod ko kung ano talaga ang sinasabi ng puso ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento