Super Inday
“I don’t want to cling to signs anymore!
They fail me everytime! Im tired of expecting and hoping that there’s a
slightest chance for us. Im tired of being stupid when I know that we can never
be and that “we” is just an illusion never made real. DAMN YOU DESTINY!!!”
umiiyak na anman ako at mugto ang mga mata dahil sa sunod-sunod na gabing
pag-iyak dahil sa kailangan kong magpraktis para sa play na isinasagawa ko
ngayon. At ito na nga, pinapalakpakan na ko ng mga audience ko. Opo, isa pong
play ang ginawa ko. Yung quoted line sa taas ay ang last line ni Inday sa aming
play (entitled, Ang Prinsipe at si Inday). Ang pangit ng title pero dahil sa acting
skills at convincing powers ko maganda ang kinalabasan ng play.
Ako si Ida Nolan, isang freshmen sa isang pribadong
kolehiyo, AB Communication Art. Theater actress ako. Ito kasi ang mas gusto ko,
ayoko mag-student journalist. I believe
that this is my forte and this is where I belong! Im the newest yet superstar
agad na member.
Nakapagpalit na ako at papunta na sa office ng club naming
para makatanggap ng magagandang papuri mula sa mga advisers at co-theater club
member. Don’t get me wrong pero optimistic at happy-go-lucky lang talaga ako.
Pero I make sure that I still keep my feet on the ground.
“Bravo! Bravo! Bravo!” sigaw ni ma’am Ancheta. Adviser ng
club.
Wow! Hinagisan nila ako ng petals. I feel so special.
“Thank you po!” yun lang at naupo na ako sa table na lagi
kong inuupuan at doon kumain. Dumating na din ang iba pang actors at stage
managers.
“Uy Mark! Iba ang titig mo kay Ida ah.” Biglang sigaw ni
Joy. Kaya napatingin kami bigla sa kanya. At OO nga! May ibang sparks yung mata
nya sa pagtingin sakin kaya nag-blush at umiwas ako ng tingin. At nararamdaman
ko pa din ang titig nya sa akin.
“Nakakatuwa kasi sya” sabi nya at nakita ko ang ngiti nyang
patago na kumilliti sa aking puso. Okay, aminado ako secret admirer nya ako at
crush ko sya simula nung unang araw ko syang makita dito sa office. Sya kasi
ang technical director ng club. Hindi lang sya basta gwapo, matalino at
responsible pa. magkaiba kami ng kurso pero atleast pareho kami ng department.
Mga 7pm na at umuwi na rin kami. Sabay-sabay kami palabas kaso pakaliwa ang karamihan at kami
namang dalawa ni Mark ay pakanan. Oo, sabay kami at malayu-layo pa ang sakayan.
At ang eksena, AKWARD! Bigla akong nilamig dahil sa simoy ng hangin.
“Nilalamig ka ba?” tanong ni Mark
“Ay hindi! Hindi ako nilaamig! Napaso nga ako sa lamig eh.”
Ang sagot ko. Amp! Bakit ko nasabi yun? My G! turn off!!!
“hehehe. Ito jacket ko oh… suot mo.” At ayun nga sinuot nya
ang jacket nya sa akin.
“Congratulation! Ang
galling mo kanina.” Sabi ni Mark
“Salamat!” pero deep inside, OMG! Kinikilig ako.
“You know what, you should be called Super Inday. Kasi ikaw
ang super hero ng buhay ko. Sumagip sa nanganganib kong puso” sabi ni Mark.
(yan yung sweet lines nung prinsipe sa play)
Ewan ko ba kung bat
nya nasabi yan. Na-speechless lang tuloy ako.
Buti na lang narating na namin ang terminal. Naghiwalay na
kami ng sakayan dahil magkaiba kami ng byahe pero pareho ng terminal. Binalik ko
na din yung jacket nya at nagpaalam. Awww.. parang bitin yung moment. Di man
lang ako nakapagsorry sa pambabara ko sa kanya at nakapag thank you sa
pinahiram nyang jacket. Kasi naman yang kilig nayan nauso pa!
“you should be called Super Inday, kasi ikaw ang super hero
ng buhay ko. Sumagip sa nanganganib kong puso.” Naririnig ko na naman yung
sinabi nya. Pati yung mga ngiti nya sakin kanina. What if I ask for a sign. “if
I see him tomorrow at 3pm, may chance na maging kami.”
Dumating ang kinabukasan, nakita ko nga sya at eksaktong 3pm!
Hahaha! Ang saya ko lang dahil may chance na maging kami! Dahil sa maganda ang
resulta, I decided to make another. “ if I see him tomorrow at any time, we are
meant to be with each other forever!” too easy noh? Pero destiny is still a
juror. I’ll be fair.
Kinabukasan, hapon na pero wala paring ‘Mark Elloran’ ang
nagpapakita. Nalungkot ako. Kung hindi ko sya nakita, hindi kami meant to be. Sayang
naman.
Mag-iisang lingo na at wala parin sya, ni anino wala. Im starting
to give up pero I thought of something. “Facebook! may facebook si Mark for
sure.”
I was currently surfing the net at nag-bukas ako ng bagong
tab para sa facebook. Sinerch ko sya at as expected, may account sya dito.
I’ll try another sign. “pag-in-accept nya ang friend request
ko hanggang 12mn (6pm palang naman), we are destined for each other.. hay ito
na naman ako. Umaasa sa wala, naniniwala sa sign. Pero masisisi mo ba ako? Ito lang
ang nakikita kong paraan para malibang at maka-move on sa pag-iwan sakin ng ex
ko. If he doesn’t accept me by midnight, I swear to myself, I will never expect
nor hope a special feeling from him.
“8pm… 9pm… 10pm… 11pm…
11:30pm… 11:59pm. C’mon Mark you have one more minute! Please! “toot-toot”
tumunog na ang signal ko. Its 12mn and I have to follow my sign. Hindi na ako
mag-eexpect.
Im sure naka-online sya. Nag-comment kasi sya sa group ng
club naming, pero he ignored my friend request.
Hindi na ko makatulog. Im hurt,sleepless and stressed. Nag-facebook
na lang ako.
4am Mark Elloran accepted your friend request. Write on Mark’s
timeline.
“too late..” I slammed my laptop close and wet to bed.
Saturday naman, okay lang na gumising ng late. Nakaka-BV ang mga signs na
hinihingi ko. Di man lang sumang-ayon sakin. Sana lang tama ang decision ko.
*Don’t Forget by Demi Lovato* may tumatawag. 09191234567
sino to?!
“hello?”
“Ida! Kamusta ka na?” OMG! Kilala ko tong boses na to. No! don’t
expect Ida, iba yan. Iba yan!
“Sino to?” tanong ko.
“Secret admirer mo na-inlove sayo at tanging lalaki na handing
mag-antay para sayo.” Ang cool ng boses nya, ka-boses talaga nya si…
“sino ka ba talaga?”
sigaw ko. “Saan mo nakuha number ko?”
“sorry kung naistorbo kita. Nakita ko kasing online ka kaya
naisip kong tawagan ka.” Sabi nya.
Teka, secret admirer, in-love padin sakin? At lalaking handang
mag-antay para sakin? OMG!
“Ma.. ma.. ma..” nauutal ako.
“oo Ida, si Marvin to. Sorry kung naistorbo kita sa
pagkakatulog mo, nakita ko kasing online ka kaya naisipan kong tawagan ka. Kinakabahan
kasi ako, di ko alam kung pano sisimulan to. Kaya ito napatawag ako ng dis oras
ng gabi. Gusto kong malaman mong mahal parin kita Ida Nolan. Tama ka, sana di
ako pumayag sa gusto ni mama na sa states mag-aral kung pwede naman dito. Ida sana
bigyan mo pa ako ng…
*toot-toot*
I ended the call.
***
It has been 10 years at andito na naman ako sa dati kong
school. Iba na ang office namin, pero
naaala ko parin ang mga bittersweet memories ko dito.
“Mommy, ito po ba yung school mo dati? Tanong ng anak kong
si Martha
“oo anak” sagot ko.
“Hon! Sabi ko na nga ba dito kita makikita sa dati nating
office.” Ito na ang asawa ko, si Marvin.
“Na-miss ko yung office natin eh.” Sabi ko. Sabay yakap nya
sakin. At sabay binalikan ang sampung taong nakalipas.
Opo, nagkabalikan kami ng ex ko na si Marvin Tolentino at
isa na po akong Mrs. Tolentino ngayon. Nagbunga na rin ang pagmamahalan namin na
si Martha. Nag-transfer si Marvin sa school na pinag-aaral ko at naging member
din sya ng club. Anung nangyari kay Mark? Si Mark ay nag-migrate sa ibang
bansa. Nung mga panahong halos isang lingo na syang di nagpaparamdam ay
inaasikaso na nya ang mga papers nya. In-accept nya ang friend request ko
kinabukasan din, kaso nasa amerika na sya nun. Okay naman kami ni Mark. Were friends
at sa katunayan ay ninong sya ni Martha. Way back before, I was longing for my prince charming and yet
God gave me a villain. Ang prinsipe at si Super Inday ma’y di nagkatuluyan may
magandang ending parin si Super Inday. Just like in life, don’t bother if
things don’t get in your way, God may have better plans.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento