My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

PLUMA ni Deo Ligpit

Sa unang baiting ng elementarya ko unang naisulat ng buo ang aking pangalan. Nanginginig-nginig pa ako sa pagsulat gamit ang panulat na bili ng aking ina.
Tuwang-tuwa ako sa tuwing makakakita ako ng isang batang nagsisismulang matutong magsulat ng kanyang pangalan. Dahil muli kong naalala ang panahon noong ako’y nagsisimulang magsulat.
Ngayon na ako ay nasa kolehiyo na, napakaraming bagay na ang aking natutunan mula sa pagbabasa hanggang sa pagsusulat. Nariyan ang pagguhit at paglilitering nang kung anu-anong bagay. Nakakatuwang isipin na bilang isang mag-aaral ako ay dumaan sa pagkatuto sa bagay na akingg pinakikinabangan ngayon.
Isa sa mga natutunan ko sa Akademikong Filipino: Pagbasa at Pagsulat na bilang isang manunulat ay dapat na isa alang-alang ang estilo ng pagsulat at ang kaisipan nito at ang mga mambabasa.
Ang pagsulatika nga ay isang sining na kinakailangang maging malikhain. Tulad ng isang pintor na inilalapat ang kanyang nasa isip sa isang “canvas art” gamit ang iba’t-ibang kulay na nakakagawa ng isang larawan. Sa pagsulat naman ay mahalaga rin ang pagiging malikhain at ang pagkakaroon ng malawak na kaisipan.
Natutunan ko rin na ang pagsulat ay dapat na maging malinaw ang komposisyong isusulat. Isa sa mga pangarap ko ang pagkakaroon ng sariling aklat na tatangkilikin ng mga mambabasa lalo na ang mga mag-aaral na kakapulutan nila ng mga aral.

Isa lang sako sa mg alibi-libong mag-aaral na nangangarap na maging isang mahusay at sikat na manunulat. Sa ngayon nais ko munang matuto ng mabuti lalo na sa pagsusulat ng mga kwentong patungkol sa buhay. At hindi rin ako nawawalan ng pag-asang ako ay magiging isang mahusay at sikat na manunulat gamit ang isang Pluma na aking sandata sa pakikipagsapalaran at pakikibaka sa modernong panahon.

1 komento:

  1. maging mingat sa paggamit ng salita.

    may mga pangungusap na pwede mo pang ayusin katulad ng "Una kong naisulat ang buo kong pangalan noong akoy nasa Unang baitang pa lamang"

    magsikap na magkaroon ng maraming kaalaman. ok ang tema

    TumugonBurahin