My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"SIKRETO NG PAKPAK" ni Yvonne Grace D. Magday

Ang tao ay may iba't-ibang kapabilidad,kakayanan,karunungan,kaalaman at abilidad
Na kadalasa'y ginagamit bilang paraan ng pag-asenso sa buhay at makamit ang pinaka inaasam na pangarap.

Ang tao'y may iba't-ibang aspeto na tinitignan sa buhay, una'y ang kanilang inspirasyon sa buhay, sinu-sino at anu-ano ang kanilang inspirasyon? Maaring ung mga nagpapatibok na kanilang puso, si crush ? Si love-of-my-life(karaniwang tawag sa mga umiibig), Ang kanilang mga magulang? At marami pang iba...
Ang tao'y nais makarating sa rurok ng tagumpay sa kabila ng hirap na kanilang nararanasan, at maaari rin'g yun ang tumutulak sa kanila upang mag-pursigi.
Hindi lamang isang tao, dalawang tao o iilang tao lang ang nangangailangan ng pakpak upang makalipad.
Lahat ng tao ay mayroon ng pakpak na ito. Ano nga ba ang sumisimbolo sa pakpak?katagumpayan, kagalakan, pag-asa, etc..
Ngunit hindi lahat ng tao ay pinalalago ang pakpak na mayroon sila.

Ang agila, ano ang ginagawa kapag may bagyo? Lumilipad ba sila sa gawi kung saan bagyo? Nagtatago ba sila upang hindi mabasa ng mistulang baha sa bagyo? Nagpapatila din ba sila ng ulan gaya ng mga tao na hindi nagdadala ng payong?paano kungmatagalan ang paghinto ng ragasa ng malakas na ulan?mananatili kaba sa lugar kung saan alam mong lugmok ka?, Ano nga ba ang kanilang ginagawa? Diba't ang mga agila ay lumilipad sa ibabaw ng bagyo? O ulap kung saan nasa ilalim ang bagyo?
Nagets mo ba ang punto ko?, Ang punto ko ay huwag mong sabayan ang daloy ng hangin'g bagyo, kung ito'y sasabayan mo, liliparin ka lamang nito sa lugar na di mo nais marating. Lumipad ka sa ibabaw ng bagyo smile emoticon
Nagets mo din ba ang pinupunto ko na ang lahat ng tao'y may pakpak?

Ang ibig kong sabihin sa lahat ng tao ay may pakpak
Ay lahat tayo may pangarap at kani-kaniyang abilidad , ang kailangan lamang natin ay palakasin at palaguin ang pakpak na mayroon tayo,
Maaring lahat tayo ay marating ang nais nating marating pero kung wala ang pakpak na ito sa iyo o kung hindi mo pinalalago ang pakpak na mayroon ka ay di pa din kumpleto ang mayroon ka.
Maaring masaya ka ngayon dahil sa naabot mo ngunit ang pakiramdam mo'y may kulang pa , di kayay tinatangay ka lang din pala ng bagyo na pinagdadaanan mo ngayon.
Maaring hindi ka lumilipad sa ibabaw ng bagyo kasi hindi kaya ng pakpak mo. Gaya ng sabi ko palaguin mo ang iyong pakpak upang makalipad ka sa rurok ng pinaka mataas na bundok, sa ibabaw ng pinakamalaking bagyo.

Ang pakpak na tinutukoy ko ay ang Panginoon. Bukod sa iyong pangarap, isama mo ang Panginoon sa iyong mga pangarap sa buhay, Siya pa mismo ang maglilipad sa iyo sa rurok ng tagumpay.

Ako'y naniniwala na ang taong nagbabasa,nakababasa at nagbabasa ng artikukong ito'y may pakpak din.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento