My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Ang Dakilang Ama"ni Joane Grace Papag

Ikaw ba ay nakaranas na ng isang amang hindi ka iiwan sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay? Kasi ako oo.
Ang aking ama ay walang kasingtulad para sa akin, sapagkat siya ang tumayong ama't ina sa amin. Iniwan at ipinagpalit man kami ng inang nasilaw sa pera, pagmamahal at katatagan ang sa kanya'y nangibabaw.  Lumaki man kaming walang ina, masasabi kong si ama ay hindi nagkulang sa pagmamahal at pagaaruga.Sa lahat ng oras ay laging nariyan upang gumabay, si amang hindi nagkulang sa pangaral.
Sa aking pagkabata aking naalala, ang lahat ng sakripisyo't pag-aalaga ng aking ama. Si amang hindi nagsasawang kami ay alagaan at pangaralan, ipagluto't alagaan, ipaglaba't maglinis ng bahay at bago pumasok sa trabaho, kami ay ihahatid sa
munting paaralan. Si ama man ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral siya'y nagpupursige upang paaralin ang mga anak sapagkat ayaw niyang danasin namin ang hirap ng taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral at ang tanging maipapana lang nila sa atin ay ang pag-aaral. Sinasarili man ni ama ang lahat ng problema, hindi siya sumuko sa hirap at hamon ng buhay. Si amang puno ng pag-asa, pag-asang malalagpasan ang lahat ng may pananalig at tiwala sa Poong May kapal.
Siya ang aking ama na hindi nagkulang sa payo't pag-aaruga dahil sa kanyang pagmamahal. Para sa akin siya ay isang dakila, kung hindi dahil sa kanya wala ako sa lupa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento