My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

Pilipino noon at ngayon -diana calipus

Filipino,Pilipino. Mag katunog na salita ngunit mag kaiba ang kahulugan. Marami sa atin ang nalilito sa salitang yan. Tanong ko sayo, Kabilang ka ba sa kanila? Masasabi mo bang isa kang tunay na pilipino na hindi mo kinakahiya kung sino at ano ka? At kailanman hindi ka tinamad sa asignaturang filipino na itinuturo ng iyong propesor? Filipino ay isang asignatura na kung saan napag aaralan natin ang iba't ibang uri ng mga alamat o sanaysay tulad na lang ng retorika. At ang Pilipino naman ay tumutukoy sa kung sino at kung ano ang ating kultura. Pero kamusta na nga ba ang mga pilipino noon at sa ngayon? Noon ang mga pilipino ay may pag kakaisa ngayon ang mga pilipino ay nag kakagulo na. At hindi na mawari kung ano at sino na ang dapat respetuhin. Sa ngayon ang mga pilipino ay mas tinatangkilik na ang mga salitang banyaga o ang mga banyaga na dumadayo dito sa ating bansa. Bakit ganoon na lang ang pag tangkilik ng mga pilipino sa mga banyaga ngayon tila ba nawawala na sa utak ng mga pilipino ang salitang "sariling atin dapat tangkilikin" pero iba na talaga ang mga pilipino sa ngayon. Noon sapat na sakanila ang mga bagay na sila mismo ang gumawa. Ngayon puro mamahaling kagamitan o gagets na ang mga ginagamit natin. Sana isapuso natin ang ating bansa. Ipag malakI ang ating lahi. Sapagkat tayo lang ang makapag uunlad nito. Mag gugustuhin ko pa ang noon kesa ngayon. Masyado ng madaming nangyayari sa mga pilipino na hindi na marunong bumalik kung saan man sila nag mula. Dapat isa isip din natin na kung tatangkilikin natin ang mga banyaga ano ng mangyayari sating bansa? Tila ba mawawalan na tayo ng panahon upang balikan pa natin ang mga nakaraan?

1 komento: