My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"HABANG MAY BUHAY"' ni CADAYONA, MA.CAMILLE M.


HABANG MAY BUHAY

 
Sa mundong ito walang perpekto lahat nagkakamali . Walang permanente , may nawawala may dumadting at may mga nababago . Sa buhay ng isang tao hindi na maikakaila na magkaroon ng pagkakamaling nagawa . May mga natutuo meron din naman na paulit ulit sa ginagawa pero hindi ito naging hadlang sa pagkato nila .

Tulad ni Norma Elizondo, maagang namulat sa totoong buhay ng mundo . Si Norma ay 16 taong gulang ng matikaman ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay nya . Ang pagkakamaling nyang iyon ay tuluyang bumago ng kanyang pagkatao dahil lahat na ng masasakit na salita o pangungutya ay kanya ng narinig. Masakit man ito ngunit kailangan nyang tanggapin dahil iton ang totoo at iyon din ang naging inspirasyon nyo para ituloy ang hamon ng kanyang buhay. Sa pagkakamali nyang iyon madami syang natutunan na mga bagay bagay at madami din mga kasagutan ang nakuha nya sa mga tanong na bumabagabag sa kanya.

Sa kanyang murang edad ay nag silang sya ng isang malusog na batang babae , ito ay si Jamie Elizondo. Ang bunga ng kanyang pagkakamali sa buhay. Sa paglabas ng batang ito mas natutunan nyang lumaban sa buhay kahit sya na lang mag isa. At sa batang iyon ang lubos na humubog ng totoong pagkatao nya , naging mas matured sya mag isip, inuuna ang kapakanan ng anak kesa sa kanya. Kumbaga sa pagkain , isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa kanya.

Lahat ng tao ay sumusubok ng suliranin kaya’t habang may buhay si Norma ay patuloy syang lumalaban sa kanyang hamon sa buhay at lalaban pa sya sa mga susunod na suliranin sa kanya . Madami syang natutunan na aral sa pangyayaring iyon. Mga aral na isinasabuhay nya .

Pagsubok lang ang lahat ng dadating sa atin, kaya’t habang ikaw ay nabubuhay ituloy mo agos ng iyong buhay .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento