My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"TELESERYE" - Merry Lorvielyn Antonio

     Sa panahon ngayon, karamihan sa mga napapanuod natin sa telebisyon ay puro "teleserye". Sa umaga, gabi at maging sa tanghali. Ang teleserye ay karaniwang hindi makatotohanan o likhang isip lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon ang modernisadong mundo ay nagbabago at kasama narin sa pag babago ang takbo ng ka isipan ng bawat tao. 
  
    Kung noon, ang mga teleseryeng ipinapalabas sa mga telebisyon ay puro "fantasy" lamang tulad ng mulawin, engkatadya, super inggo at marami pang ibang palabas na malayo sa totoong pamumuhay ng mga tao. Dahil sa pag sasagawa ng ganitong mga telesrye, maraming tao ang nahihikayat na manuod sa mga ito. Ang kadalasang manonood sa mga ito ay ang mga kabataan, mag asawa, matatanda. Nahihikayat manuod ng mga ito sapagkat ang mga tema na nagawa ay nakakapag bigay aliw para sa kanila.

    Habang tumatagal ay nagbabago ang gusto ng tao, at dahil dito ito ay nagkaroon ng sariling katangian na karaniwan nang na iuugnay sa tunay na buhay o sa mga kasalukuyan na pangyayari. Ang mga temang kadalasan nakapaloob sa teleserye ay tungkol sa ibat-ibang aspeto ng pag-ibig, tulad ng  pag-iibigan ng dalawang indibidwal, pag ibig patungkol sa pamilya at meron din tungkol sa kaibigan. Ang  mga teleserye sa panahon ngayon ay nangyayare na sa atin sa tunay na buhay. Tulad nalamang na pag hihiwalayin ang dalawang mag kasintahan sapagkat hindi sila mag ka lebel ng antas ng pamumuhay, aapihin ang mahihirap ng mayaman at mag hihiganti, At ang pinaka patok... ang pag tataksil. Tatlo lamang yan sa mga marami pang ginagawang paksa ng mga teleserye na maiuugnay sa tunay na buhay. Dahil sa ganitong mga uri ng tema, maraming tao ang nahihikyat manuod ng teleserye sapagkat karamihan ay na iuugnay nila ang kanilang sarili dito. 
 
   Hindi nabubuo ang teleserye kung wala ang Bida at Kontrabida. Bida ang pinaka importanteng karakter ng isang teleserye. Kadalasan sa teleserye ang katangian ng bida ay inaapi, inaagrabyado, pinagmamalupitan at ito ay mapapanatiling mabuti hanggang sa mag tagumpay ito sa huli. Dahil sa mga katangiang ito ang bida ay nakakakuha ng simpatya sa mga manunuod kung gayon papanigan ito ng nakakarami. Ang bida rin ay nagtatagumpay sa bandang huli. Kontrabida, hadlang sa bida. Madalas na katangian nila ay masama sapagkat dating pinag malupitan din, trabaho nitong pahirapan, hadlangan ang bida sa lahat ng gusto nitong gawen. Sa bandang huli, ang kontrabida ay bumabait at nag babagong buhay o kung hindi man ay masasawi sa bandang huli. 

   Sa pag tangkilik ng maraming tao sa mga teleserye, padami na ng padami ang palabas na ganito sa telebisyon. At dahil dito, napakalaki ng impluwensya nito sa manunuod. Maaring ito'y makasama o makabuti. Makabuti sapagkat napakaraming aral ang maaaring mapulot sa bawat kwento ng teleserye. Mapasama sapagkat hindi lahat ng ipinapalabas ay tama lalo na sa tema ng mga palabas sa panahon ngayon. 

  Maging matalino sa panunuod ng mga teleserye. Huwag basta-basta ibatay ang buhay dito sapagkat ang buhay natin ay hindi kinokontrol ng ibang tao o ng isang direktor kagaya ng nasa telebisyon. Bawat isa sa atin ay bida ng sarili nating teleserye na ginaganapan ng totoong buhay natin. Ang teleserye ay palabas lamang. At ito ay patuloy na magbabago hanggang sa paglipas ng panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento