My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Buhay ng kamay" ni Mary Grace Palacol

may ibat ibang uri ng kamay ang bawat isa sa atin naryan ang kamay na matulungin , kamay na kawatan, kamay na makulay at masining sa dami ng taong nakakasalamuha at nakakasalubong mo . alam mo ba kung anong uri ng kamay ang tinataglay o meron sila ?

ang istoryang ito ay tungkol sa kaibigan kong kamay na nag tataglay ng makulay at masining na kamay sa kanyang

pag laki kasabay nito ang pag usbong ng pangarap nya sa mundo.

hangang hanga ako sa kanyang taglay na talento . sa dami nyang patimpalak na sinalihan nya iilan lamang rito ang umuwi syang luhaan

naalala ko pa ang motto nya sa buhay na .

" mas masakit tanggapin ang pagkatalo ng hindi mo pa sinusubukan "

bago nya marating ang rurok ng tagumpay nakatanggap din sya ng ibat ibang komento at pangmamaliit mula sa

ibang tao naryan ang sinabihan syang walang kwenta ang mga ginagawa nya at wala syang mararating sa talentong meron sya .taas noo nya itong tinatanggap ng may ngiti at pag katuwa minsan nga naitanong ko sa kanya kung pano pa sya nakakangiti kapag sinasabihan sya ng masasakit na salita patungkol sa talento nya alam nyo kung anong sagot nya

" natutuwa kasi akong isipin na dahil sa sobrang hanga nila sa aking mga gawa nakakabuo sila ng masasakit na salita mula rito ibig sabihin ganun nila sinisiyasat ang bawat detalye sa aking mga pinta upang makabuo sila ng mga obserbasyon na kabaliktaran naman ng kanilang nakikita "

malalim pero makahulugan nyang pag bitaw ng salita kahanga hangang isipin na ang masasakit na salitang natatanggap nya papuri pala ang dating nito sa kanya kaya ngayon hindi na nakakapag taka na naka displey ang isa sa kanyang mga obra sa isang sikat na museo sa mundo ayan ang buhay ng kaibigan kong kamay na mas pinili ang pag gamit nya ng kamay sa kabutihan upang makamit ang minimithi nyang pangarap sa buhay

habang ang isa ko namang kaibigan na si kawatan na laging nakatambay sa matao at siksikan na lugar katulad ng

divisoria,recto at isetan kung inaakala mong may pwesto sya doon nag kakamali kayo dahil sya ay nag aabang

doon. at kung iniisip nyo naman na barker sya doon at nag aabang ng jeep nag kakamali ulit kayo dahil tao ang

inaabangan nya dahil ang kaibigan kong kawatan ay may pambihirang bilis ng kamay at talas ng pag isip ng taktika naging pamumuhay nya sa pang araw araw ang pandurukot sa bulsa ng iba . ngunit sa hindi inaasahang
pangyayari nahuli sya ng pulis at nabilanggo ng 20 yrs. dahil sa sinampang kaso ng nabiktima nya. at ngayon sya ay nagdurusa at nag sisisi sa ginawa nya.

END
lahat tayo ay may kanya kanyang kakayahan sa ating mga kamay nasa sa atin na ito kung sa kabutihan o sa kalokohan natin ito gagamitin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento