My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Paraiso bang maituturing ang Maynila" - Christine Joy Dapusala

Maynila , isang papular na lugar sa mga taga probinsya , na pinangarap na mapuntahan , "maganda ang lugar ng maynila" yan ang salitang binabahagi ng mga taong nakatunton na sa lugar na iyon . paraiso nga bang maituturing ang maynila sa aking karanasan ?

Ako si Narlynda , isa sa mamayan ng mindanao at isa din sa nalinlang sa salitang "maganda ang maynila". Tahimik ang buhay at isip ko , isa lang ako sa mga bata babae na naglalaro sa kalye ng bayan namin pagtapos ng iskwela , literal na bata tulad ninyo noon ng biglang umuwi ang aking pinsang si Thelma galing manila. Nagsimula ang bulungan , pagbati ng kamusta , syempre ang pagsalubong at isyuso ng tao sa pagbaba nila ng sasakyan . parang artista ang pinsan ko nun at kanyang mga magulang , nginitian nya ako na senyales na sumunod ako sa bahay nila .

Sa sala :
Lyn , yan ang tawag nya saakin. Napakaganda roon sa pinuntahan namin panimulang kwento nya saakin . madaming bahay na malalaki at magaganda , marami ding iba't-ibang sasakyan , building , at iba pa. Mayroon pa nga kaming pinasukan nila mommy na mall kung tawagin nila sa maynila napakalamig pa at ang daming magagandang damit ang itinitinda , madami pa nga ang kanyang sinasabi ngunit hindi kna matandaan ang iba dahil habang nagsasalita sya ay nag.iimagine na ako . ito na lang ang natandaan ko sa huli nyang sinabi , Napaka saya doon , sana nga ay sumama ka para makita mo kung gaano "kaganda ang maynila".

Sa paguwi ko ng bahay dala ko ang isang larawan na nabubuo sa aking isipan , hanggang isang araw isang malayong kamag-anak namin ang pumunta ng bahay at sinabi sa inay na patungo sya sa maynila. Nangmarinig ko iyon ay nagsabi ako na gusto ko sumama sa una ay hindi pumayag sila nanay dahil nga hindi sila kasama at ako lang mag-isa , di kalaunay napapayag ko sila at ipinaubaya muna kay anti-Medina ang malayo naming kamag.anak , iniwan ko noon ang aking pag-aaral para makapunta sa maynila. napakababaw na pangarap ? oo , at pinagsisihan ko yun.

Sa pagpunta namin ng maynila ay naging maayos ang pakikitungo sa akin ng aking tiyahin sabi nya may pupuntahan daw kami habang patungo kami roon pinagmasdan ko ang aking paligid totoo maraming bahay ang malalaki at gawa sa semento ang iba'y nakapwesto sa parang iskinita kung iyong titignan pero napaka lawak sa loob pero mas madami ang bahay na maliliit na gawa sa tagpitagping yero at tabi-tabi pa , ang iba pa nga'y na kalsada nakapwesto at karton ang higaan , may dagat din pala sa maynila pero hindi mo pwede maliguan dahil sa dami ng basurang nakalutang , may ilog din na tulad ng dagat nila at iba na ang kulay , mayroon din iba't-ibang sasakyan ... na nagdudulot ng polusyon .

Bumababa kami ni anti-medina ng jeep na aming sinakayan ng biglang may sumigay "MAGNANAKAW !!!" at paulit-ulit nya iyon sinasabi pero ang iba'y walang pakialam , "ohh,dito Suki mura !" Ilan lang yan sa mga naririnig kung sigawan sa palengke na napakaingay !

Lumapas ang mga araw at aalis daw kami ulit papuntang mall , ang saya ko ng araw na iyon dahil ang sabi nga ni thelma maganda raw doon . pagdating namin dun napakaganda at saya talaga pero napukaw ng atensyon ko ang mahal na dapat na nakita ko din ang damit na iyon sa bangketa magkatulad na magkatulad , tinanong ko ang tiya bakit ganun sabi nya lang mayayaman o may kaluwagan sa buhay daw kasi ang mga bumubili sa mall .

Pumasok kami ng iskeneta pagtapos namin maglibot sa mall dun kami nagtungo sa kaibigan nya daw na lalaki malaki ang katawan maraming bata sa loob ng bahay nya , mga karton na nakalatag , iba.iba ang itsura at may mga dalang lata , sampaguita at iba pa. May nakita akong inabot yung lalaki kay tita Medina at narinig ko na yun na ang bayad . tumakbo ako tumakbo ng napakabilis na kaya ko hanggang sa makalayo ako sa kanila hindi ko na nga alam kung nasaang lugar na ako ang mahalaga hindi nila ako makita , inabot ako ng dilim sa daan , gusto ko na magpahinga sobrang pagod na kasi ako kakatakbo , may mga bata akong nakita na tutulog sa gilid ng kalye nakupo ako doon . maaga na ng magising ako hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako . kagabi pagod ang nararamdaman ko ngayon naman gutom hindi ko alam paano ako kakain wala akong kapera pera , ginawa ko na siguro lahat , nagmakaawa sa mga tagapalengke para taga benta ng tinda nila at ipambayad ay kahit pagkain na lang , magdish washer sa karinderya , lahat ginagawa ko makakain lang . nagustuhan ako ng amo ko sa karinderyang tinatrabahuan ko at ginawang kahera , binigyan ng tutulugan hanggang sa magdalaga ako ay nasa poder nila ako at itinuring na parang tunay na anak , pero umalis at nakabukod na ako dahil sa nagkaasawa na ako.

Hanggang ngayon hindi ko makakalimutan ang nangyari saakin , at hindi ko rin makakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Thelma na kasalungat sa katotohanan .

At .hanggang ngayon sa tagal ko nang naninirahan dito ay hindi ko pa din mahanap kung saan banda ang paraiso dito sa maynila , at kung sino man ang magtuturo o magbabalita noon ay pupuntahan ko at pipilitin ko mapuntahan makita ko lang ang paraiso na pinangarap ko noon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento