My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"KORONA NG KAGANDAHAN" ni Kristine Calagui

Sinasabing "crowning glory" ng mga babae ang kanilang buhok dahil ito raw ang nagsisilbing pinakamagandang parte ng kanilang katawan kaya naman talagang pinaglalaanan nila ito ng oras, pera at atensyon sa pamamagitan ng pagpunta sa mga salon para magpagupit, magpastyle ng buhok, magpakulay, magpaunat, magpakulot at kung anu ano pang mga nauusong kaartehan sa buhok.

Maaring para sa iba isa lamang itong kaprichuhan ngunit para sa mga babae para itong pangunahing pangangailangan ng kanilang katawan na kailangang matugunan. Ano nga ba ang nakukuha nila mula dito? Unang una sa lahat ay ang pagkakaraoon ng tiwala sa sarili. Ang pagkakaroon ng magandang buhok ay nagsasalamin ng kalinisan ng isang babae. Kapag di maayos ang kanyang buhok iisipin mong hindi siya marunong gumamit ng shampoo at suklay, puro kuto ang kanyang buhok, at wala siyang kaayusan sa kanyang buong katawan. At dahil dito, kakaunti ang gugustuhing kaibiganin siya kaya naman iisipin niyang mayroong mali sakanya na magreresulta ng kawalan niya ng tiwala sa sarili. Pangalawa, nakakakuha sila ng papuri mula sa ibang tao kapag maganda ang ayos ng kanilang buhok dahil dito makakaramdam sila ng pagpapahalaga mula sa ibang tao. At higit sa lahat sa tuwing nag aayos sila ng buhok o ng sarili isa itong paraan upang pasiyahin at ipakita ang pagpapahalaga nila sa kanilang sarili.


Minsan may mga mas malalim pang dahilan kung bakit nila inaayos ang kanilang buhok, sabi nga ng isang sikat na fashion designer na si Coco Chanel, A woman who cuts her hair is about to change her life.” Sa maniwala ka’t sa hindi may katotohanan ang sinabi niyang ito dahil ang buhok ng mga babae ang sumisimbolo sa kagandahan at kanilang pagkababae. Ang buhok ng babae ay nagpapakita rin ng kanilang emosyon, ika nga nila nakakaranas sila ng Bad hair day dahil kapag may hindi magandang nangyayari sakanya o kapag may bagay siyang hindi makamit, ganito rin ang pakiramdam niya kapag hindi niya makuha ang ayos ng buhok na gusto niya. Gumagastos sila ng libo libo para panatilihin ang ganda ng kanilang buhok para mapansin sila ng lalaking kanilang nagugustuhan. Alam naman ng mga lalaki kung gaano kahalaga ito sa kanila katulad ng pagpapahalaga sa lalaking minamahal nila at kapag pinutol na nila ito, isa rin itong malinaw na indikasyon ng kalungkutan ng isang babae. Nagpapahiwatig ito na sa bawat hibla ng buhok na pinuputol mula sa kanila, pinuputol na rin nila ang koneksyon nila sa taong ito. Indikasyon na gusto na niyang  iwan ang malulungkot na alaala ng kahapon at sa bawat pagtubo ng buhok na ito, ay sumisimbolo sa kanyang bagong buhay na mas masaya at nagpapakita rin ang pagputol ng kanyang buhok  ng pagiging isang matatag na babae dahil kapag nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para putulin ito, handa na rin siya sa mga pagbabago sa kanyang sarili at iwan ang dating siya para sa bagong siya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento