My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

" Pera " - Renz Zata

Salapi. Kwarta. Datung. Pera. Sabi nila, ito raw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Dito sa Pilipinas, maraming naghahangad ng pera pero mas marami ang wala. Hindi rin maikakailang bumababa na ang halaga ng salapi ng ating bansa. ‘Yung mabibili mo ngayon sa halagang beinte pesos, mabibili mo ng napakarami gamit ang limang piso noon. At kung dati ay malaking bagay na ang limang pisong papel, ngayon ay barya na lang kung ituring ang bente pesos.

Pero kung tutuusin, swerte na ring maituturing 'to dahil ngayon, ang dami nang libangan dyan tulad ng online games at kung anu-ano pa. Dati kasi, kailangan talagang dumugo ang utak ng mga bata para lang makapag-isip ng mga gawaing tinatawag na pamatay inip. Kahit ang walang kamalay-malay at nananahimik na bagay sa isang tabi ay nagagawang laruan at ang simpleng kagamitan ay nagkakaroon ng kakaibang pakinabang.

PERA! Isang papel, minsan ay isang ordinaryong metal. Subalit ano nga bang silbi ng mga papel at metal na iyan? Hindi ba kung titingnan natin ay normal na papel lamang at metal subalit bakit kung minsan ito ang nagiging ugat ng kamatayan, kasakiman? Sabi nga ng iba  “money is a root of evil” isang kasabihan na masakit man tanggapin ay sadya naman na may katotohanan. Ilang sikat na pangalan naba ang nag buwis ng buhay dahil sa mga papel na iyan? At ilan nabang mga taon ang binawian ng buhay? Hindi ba at hindi na mabilang? Masakit na katotohanan na halos ang pera na yata ang nagpapatakbo sa lahat ng tao ngayon. Kung wala kang pera wala kang pagkain, damit at iba pang personal na pangangailangan. Hindi naman siguro masama ang magkamal ng salapi ngunit kung ito ay galing sa malinis na kapamaranan at galing sa bawat pagtulo ng pawis.

Minsan pa ay halos ibenta na ang kaluluwa kay kamatayan dahil lamang sa salapi. Isangla ang sarili dahil sa kapirasong papel na tinuturing nating kayamanan. Nakakalungkot isipin na dahil sa pera maraming tao ang halos masiraan ng bait makuha lang ang kanilang inaasam. Hindi ko rin lubusang maisip na kung wala kang pera mamatay kana lamang ng naka nganga. Halintulad na lamang nito ay ang mga taong salat sa salapi na kapag nadapuan ng malubhang sakit at kinakailangan madala sa pagamutan ay hindi maasikaso bakit? Kase dahil sa perang iyan.


Sa bansa kong Pilipinas bakit kulang at marami pa rin ang salat sa salapi, naisip ko nga bakit hindi nalang mag gawa ng mag gawa ng maraming pera at ipamudmod sa mahihirap upang maibsan naman ang kanilang sikmurang kumakalam. Pero hindi daw iyon maari dahil sa pag control ng salapi sa pang internasyonal na merkado. Hay pera nga naman lahat ay kayang bilihin, katotohanan na lahat nalang ng bagay dito sa mundo ay pera ang nagpapaikot. Walang mayaman, walang mahirap, walang sikat o laos dahil maging ordinaryong tao ay kailangan ng pera. Kahit nga daw pag ibig nabibili na rin ng salapi, kahit isang tao ay kayang bilihin maging buhay mo buhay ko ay kaya nga sigurong mabili ng salapi, pwedeng makitil ng dahil lamang ditto. Iyan at Ilan lamang sa nagagawa ng pera. Hayop na pera yan bakit ba nauso pa.

Naisip ko tuloy yun bang usong kalakalan noong hindi pa uso ang pera yung palitan lamang ng kalakal ay ayos na. Hindi mo na kailangan ng maliit o malaking halaga para sa isang bagay na iyong minimithi. Paano nalang kung iyon pa rin ang uso marahil mababawasan siguro ang krimen ng dahil lang sa salapi. Hindi katulad sa panahon natin ngayon na wala ng kailangan ang tao kundi magkamal ng salapi. Pero matapos makalikom ng higit sa pangangailangan saan napupunta nauuwi din naman sa kamatayan at alam naman natin na hindi maiuuwi o madadala ang pera sa kahon ng kamatayan palagi sana natin iyan ay tandaan.

Solusyon? Wala akong maisip na solusyon sa problemang iyan. Isa lang ang aking masasabi sa usaping pera, "Ang maging kuntento". Makuntento sa iyong tinatamasa makuntento sa mga bagay na mayroon ka at huwag ng maghangad ng mas malaki pa dahil baka hindi natin alam sa likod ng pag aambisyon na magkaron ng maraming salapi ay isa na tayo sa napapaikot ng malademonyong bagay na ito. At pag kalaon ay isa na rin tayo o kayo sa mga taong gagawa ng hindi naaangkop sa tama para magkamal ng PERA!

Ang totoo at hindi biro: hindi sapat ang pera para malubos ang kaligayahan ng tao kahit batid nating pera ang dahilan ng ating pagtatrabaho, maagang pagbangon sa umaga at pagpapa-aral sa ating mga anak. Maaring solusyon ang pera sa ibang kakulangan ng ating buhay subalit hindi ibig sabihin nito na lahat ng ating kasiyahan ay dito lang nakasalalay.

1 komento:

  1. ANG PERA

    yan na lang tapos ilahad ang ibat ibang gamit ng pera gusto ko punong puno ng idea, gusto ko magisip ka ng malim kasi ang daming pwedeng masulat jan.

    TumugonBurahin