My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Ang Tunay na Kapayapaan" - Honey Grace C. Navarro

Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Saan? Paano? Paano ko ba talaga makakamit ang tunay na kapayaan? Saan ka man makarating sa mundong ito sa pasikot sikot na daan sa maganda man o sa mabahong lugar sadyang kayhirap nitong hanapin, Nagpaikot-ikot , sikot- sikot na ako sa mga malalayong lugar upang matagpuan ang bagay na iyon sadyang kayhirap hanapin nito. Napansin ko na sa bawat paglipas ng panahon sa mga taong nakakasalamuha ko sa bawat araw. Iba- iba ang kwento , storya o salaysay ng kanilang buhay. Masasabing walang katapusan ang istorya at kagustuhan ng isang tao. Hindi matapos ang pagnanasa sa mga bagay na bago o uso. Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi tayo makatagpo ng tunay na kapayapaan?. Ako si Ivan , nakatira ako sa isang bahay na punong- puno ng maraming dekorasyon at mamahaling bagay na halos nagniningning sa aking paningin. Ngunit bakit ang tahimik? Puro ingay lamang ng puno , damo at huni ng mga insekto ang aking naririnig ng aking tainga mula sa labas ng aming tahanan. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon sa araw-araw sa pagsikat ng bagong umaga ang mainit na sinag ng araw ang gumigising sa akin upang simulan ko ang panibagong araw na hindi ko pa rin masagot ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. May narinig akong ingay mula sa labas ng aming bintana, dumungaw ako upang tignan ang taong tumatawag sa akin, Nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko siya si Marc masiyahin, at laging nagkukwento tungkol sa mga bagay na hindi ko maintidihan. Ngunit siya lamang ang taong walang sawang umiintindi sa mga problema ko. Papunta kaming eskwelahan dahil magkalapit lamang kami ng aming tahanan, Lagi kaming sabay pagpasok at pauwi, Halos alam niya ang mga pasikot - siko't dito sa amin kaya siya lagi ang kasama ko. Tahimik lamang ako habang naglalakad kami at siya naman ay nagkukwento ng mahabang istorya ngunit wala akong ibang naririnig kundi ang aking sarili , nagmumuni-muni tinatanaw ang malawak na kalangitan, nakatingin sa daang parang walang katapusan. Muling gumugulo ang mga tanong sa aking isipan . Hanggang sa makarating kami sa siyudad kung saan punong- puno ng Tao , Sasakyan at iba pa . Halos lahat ay nagmamadali , walang sinasayang na panahon sa araw- araw na lamang ay ganoon ang nangyayari , May mga taong nagmamadali , nagaaway , may mga taong punong- puno ng determinasyon sa kanilang ginagawa. Bakit ba ako nag-aaral? Bakit nila kailangan magtrabaho? bakit ako nandito? at bakit ganito lagi ang sitwasyon? tanong ko sa aking sarili. Huminto ako at tinanong ko ang aking kaibigan? Bakit lagi kang masaya? parang wala kang problema? Saan ka kumukuha ng lakas upang magpatuloy sa bawat araw na lagi kitang kasama? sunod- sunod ang naging tanong ko sa kaniya , Ngunit ngumiti lamang siya sa aking harapan at sumagot na "Kay kristo, kay Kristo ako sumasandal sa bawat pagsubok na aking nararanasan sa kaniya ko nananalig , Lagi kong ipinagdarasal ang mga pagsubok na aking nararanasan , Nagpapasalamat ako sa mga biyaya na aking natatanggap" Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako. " Katulad mo rin ako, maraming problema, katanungan. Nagpunta rin ako kung saan saan kasi baka mahanap ko dun yung bagay na hinahanap ko , nagtanong tanong ako kung kani-kanino pero wala parin e, Pero may isang bagay akong nakalimutan noon, Ang tumingala sa Langit ang manalig at makipagusap sa Panginoon. Doon! , Doon ko natagpuan ang Tunay na kapayapaan , Tinanggap ko siya bilang aking Diyos at Tagapagligtas. Nagsisi sa aking mga kasalanan at unti- unti kong nilapit ang aking sarili upang tulungan ako at samahan sa bawat araw na nawawalan ako ng pag-asa. Kay Kristo ko lamang natagpuan ang tunay na kapayapaan."

2 komento:

  1. Dagdagan tutal may karakter ka lagyan mo ng diyalogo.

    hal. "adadwdfrgrgrggdvfdsrg" ani nanay

    upang magkaroon ng tunay na kwento magulo kasing basahin ee

    TumugonBurahin