My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

Nang dahil sa I.D ni Julie Ann Gulay

                Isang umaga nagising si Julia na wala  ang kanyang nobya, hindi sa namatay ito kundi iniwan sya nitong na durugo ang kanyang puso. Lumipas ang ilang buwan ngunit hindi nya pa rin ito nakakalimutan, nasa puso nya pa rin ang lalaki kahit na niloko at iniwan sya nito. Para malibang siya inako nya sa kanilang presidente ang pag aayos ng kanilang school I.D nang bigla syang tinawag ng kaklase nyang lalaki na si Jeck na kinaiinisan nya at tinanong siya kung pwede ba munang mahiram ang ID nya kahit wala pang pirma ito ng punong guro ng kanilang eskwelahan. Iritang irita si Julia na sinagot ang kanyang kaklase ayaw nyang ipahiram dito ang ID nito pero mapilit si Jeck kaya sa bandang huli pinahiram na rin ni Julia dito ang ID nito gagamitin raw kasi ni Jeck ang ID nya para makapag entrance exam sa eskwelahang kanyang napupusuan dahil sila ay malapit ng makapagtapos ng hayskul. Lunes ng umaga ibinalik ni Jeck ang ID nya kay Julia, bilang ganti ni Julia nagpasama sya kay Jeck sa opisina ng punong guro upang magpapirma. Habang nag-hihintay sila na mawalan ng kausap ang punong guro biglang nagsidaan ang mga dating kaklase ni Julia at inasar sila dahil magkapangalan si Jeck at ang dating nobyo ni Julia. Hindi pinansin ni Julia ang mga iyon ayaw nyang mag-paapekto sa mga sinabi ng kanyang mga dating kaklase. Matapos nila mapapirmahan ay ibinigay na agad ni Julia ito sa kanilang presidente. Nang dahil sa pagsama ni Jeck kay Julia noon nagkapalagayan sila ng loob. Sinasakyan ni Julia ang mga biro ni Jeck ngunit para kay Jeck ay hindi pala biro yun dahil noon pa man ay may gusto na siya kay Julia, hindi niya lang maamin dahil yung mga panahon na iyon ay si Julia at ang dating kasintahan nito. Hindi nag-aksaya ng panahon si Jeck, lagi silang nagpapadala ng mensahe sa isa’t-isa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Mas lumalim pa ang pagkagusto ni Jeck kay Julia kaya napagpasyahan niyang ligawan ito at di nagtagal sinagot siya ni Julia.
            Makalipas ang dalawang taon ay nanatili pa ring magkasintahan si Julia at Jeck,  madalas man silang mag-away ngunit nabibigyan agad ito ng solusyon. Sa sobra nilang pagmamahal sa isa’t-isa ay may nangyari na sa kanila, para sa kanila ay sila na para sa isa’t-isa haggang dulo ngunit hindi pa dito natatapos ang hamon sa kanilang relasyon dahil si Jeck ay lilipat nang ibang paaralan para matapos niya ang kanyang kurso na abogasya. Ayaw man nilang magkalayo, wala silang magagawa dahil mismong tatay ni Jeck ang nagpasya non at nagbantang paghihiwalayin sila pag hindi sumunod si Jeck sa gusto ng kanyang ama at pangarap rin naman nilang dalawa na makapagtapos, magkaroon ng magandang buhay at magkaroon ng maraming anak. Lumipas ang ilang araw, ito na nga at aalis na Jeck patungo sa kanyang lilipatang eskwelahan, hinatid siya ni Julia at mga magulang ni Jeck. Iyak ng iyak si Julia kaya’t nilapitan siya ni Jeck upang ang punasan luha nito at sinabi ni Jeck kay Julia na babalik siya agad sabay halik sa noon ni Julia.
            Isang buwan ang makalipas natuklasan ni Julia na nagdadalang tao siya hindi niya alam kung paano nya ito sasabihin kay Jeck at sa mga magulang niya. Inilihim ni Julia kay Jeck na buntis siya para hindi makaabala sa pag-aaral ni Jeck. Nasabi na ni Julia sa mga magulang nya at wala silang magagawa kundi tanggapin si Julia. Matapos manganak ni Julia nagpahinga siya ng ilang buwan upang mag-aral ulit at tapusin ang kurso na kinuha niya. Nawalan na sila ng komunikasyon ni Jeck at  sinabi ng mga magulang nito kay Julia na may iba ng nobya si Jeck. Nasasaktan man si Julia sa natuklasan pero wala siyang magagawa, hindi na siya mahal ng lalaking nangako sa kanyang babalik agad at ang mga pangarap na sabay nilang pinlano. Natapos ni Julia ang kurso niya, nagtratrabaho siya ngayon sa isang kompanya para itaguyod ang anak niya. Samantalang si Jeck naman ay nagpapakalasing dahil iniisip niya na kinalimutan na siya ni Julia.
            Tatlong taon ang lumipas tapos ng mag aral si Jeck, napagpasyahan ni Jeck na bumalik na nang Maynila upang doon magtrabaho at inaasahan niya ring makikita niya si Julia. Pagdating ni Jeck sa bahay nila ay nagkaroon ng kaunting salo-salo at nagpahinga na. Kinabukasan pumunta silang mag-anak sa isang mall upang makapagbonding dahil ilang taon rin nawala si Jeck. Habang kumakain silang mag-anak sa isang restaurant nang biglang nasipat ng kanyang mga mata si Julia at may kasama itong batang lalaki. Iniisip niya na ang batang lalaking  kasama ni Julia ay anak  diumano nito. Matapos kumain ang mag-ina ay paalis na agad ang mga ito kaya’t dali dali siyang nagpaalam sa kanyang kamag-anak na may pupuntahan siya saglit. Sinundan niya ang kotse na sinasakyan ng mag-ina hanggang sa huminto ito sa malaking bahay na tinitirahan ng mag-ina. Tinitigan niya lang ang kwartong natatanaw niya hanggang sa magdilim ang buong kabahayan, napagpasyahan niyang babalik siya sa bahay na iyon bukas na bukas rin.
            Kinabukasan nagmamadaling pumunta si Jeck sa bahay ni Julia, hindi naman nabigo si Jeck sa pagpunta ng maaga dahil naabutan niya si Julia na papalabas nang bahay upang pumunta na nang trabaho, tinawag niya si Julia at nagkatitigan sila saglit. Sa kabilang banda gulat na gulat si Julia dahil nasa harapan na niya ang lalaking minamahal niya hanggang ngayon, ang ama ng kanyang anak. Pinapasok ni Julia si Jeck sa kanyang bahay habang nakaupo sila sa mamahaling upuan ay hindi sila nag-iimikan hangga’t sa binasag na ni Jeck ang katahimikang namamagitan sa kanila. Sinabi ni Jeck kay Julia kung paano niya nalamang ditto ito nakatira at sa sobrang kuryosidad niya walang pag-aatubiling tinanong niya agad si Julia kung anak nga ba ni Julia ang bata. Inamin ni Julia na anak nga nya ito ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jeck na anak nila ito. Biglang bumaba ang batang lalaki galling sa nilabasang kwarto nito at pupungas-pungas pa ng mata, lumapit siya agad sa kanyang mommy Julia at tinanong kung sino ang lalaking nasa harapan nila.  Hindi alam ni Julia kung ipakikilala nya sa bata na ito ang kanyang daddy o ipakikilalang kaibigan niya noong hayskul. Sa isang banda naisip ni Julia na may karapatan si Jeck na malaman na siya ang ama ng bata ngunit nagdadalawang isip siya na sabihin ito dahil baka mabigla ang binata. Sa kanyang kaiisip di niya namalayan na narinig pala ito ng kanyang kaharap. Sa kanyang pagkagulat, di siya makapaniwala na isa na pala siyang ama. Tinitigan niya ang bata sa harapan niya, hindi mapagkakailang anak niya nga ito dahil sa pagkakahawig nila. Napaluha si Jeck at biglang niya itong niyakap at kinarga ang batang si Xenon, habang ang bata naman ay tuwang-tuwa dahil nakita at nakilala na niya ang kanyang ama. Hindi na nakapasok ng opisina si Julia at ganoon narin si Jeck dahil narin sa magdamag silang nagkasiyahan at sa pagkagiliw ni Xenon sa paglalaro sa isang palaruan, at dahil sa pagkapagod ng batang si Xenon ay nakatulog ito sa braso  ni Jeck.

            Sa bahay, hinanap ni Jeck si Julia sa buong bahay at nakita niya itong nakaupo sa labas ng hardin. Dali-dali niya itong pinuntahan para kausapin patungkol sa kanilang anak na si Xenon. Hindi pa nakakapagsalita si Jeck ay bigla nalang napaluha si Julia at nagkwento kung ano ang naging dahilan ng pagkabuo ni Xenon at sa mga iba pang mga pangyayari. Humingi ng tawad si Jeck sa mga pinagsasabi ng kanyang mga magulang patungkol sa kanya. Sinabi rin ni Julia na kaya hindi na ito nasabi kay Jeck na siya ay nagdadalang tao sapagkat alam niya na may pangarap si Jeck na makapagtapos sa kursong nais nito. At pareho na silang lumuluha, dahil sa pagka-miss nila sa isa’t-isa. Nangako si Jeck na hindi na siya lalayo sa kanyang mag-ina at ipaglalaban niya ang mga ito hanggang sa kanyang huling hininga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento