My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Sa akin ka" ni Heidi Linao

*Lubdub! Lubdub! Lubdub! Eto na! "Nandito na nga ako" bulong ko sa aking sarili. Rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao, ang palakpakan na maririnig saan mang banda ng stadium. Mga labing sinisigaw ang bawat letra ng aking pangalan kasabay ng bansang pinanggalingan ko. Matuturing siyang ingay para sa  iba, pero para sa akin ito'y nagsisilbing musika sa aking mga tenga. Hindi ko na mawari kung ano na ang dapat kong gawin kung ako ba ay magppopokus sa laro o makikinig sa mga taong sinasambit ang aking pangalan kahit na hindi ko sila kakilala "Go Pascuaaaal!!!!" sabay tili nila at ang iba naman ay tila pinahirapan ang sarili at binanggit pa talaga ang aking buong pangalan "Go Scheherazade Pascual". Nang libutin muli ng aking paningin ang buong stadium upang hanapin ang taong naging dahilan kung bakit ako'y naririto ngayon, nakita ko siya at wala pa rin pinagbago sa tuwing siya ay manonood nang aking laban, yung mga tingin niyang nagbibigay ng lakas ng loob at ang mga ngiti niyang nagsasabing manalo o matalo, ako pa rin ang panalo. 

Naaalala ko pa ang unang araw na tinuruan niya ko kasabay rin nang unang paghampas ko ng bola. Masakit at kadalasan pa ay hindi ko masalo, pero di niya ko pinabayaan nandun pa rin siya sa bawat araw na pag eensayo ko at sa tuwing gusto ko nang bumitaw ang lagi niyang sambit ay "Bakit mo susukuan ang isang bagay na natutunan mo ng mahalin?" Tama nga naman siya... Nasimulan ko na at ang matingdi pa natutunan ko na itong mahalin, bakit hindi ko pa ipagpapatuloy...  Syempre dumating din ang panahong halos lahat ng tao ay hinusgahan ang kakayanan ko pero siya ang namumukod tanging naniwala sa akin at nagtiwala na kaya ko. 


"Laban Pilipinas!!!" Sigaw nang mga tao. Oo nga pala nandito pa ako upang lumaban. "Pokus Zades! Pokus!"  bulong ko sa aking sarili. "Handa na ba kayo Amihan?"  sigaw ni Coach. "Yeees! Coach, Laban Pilipinas!" sigaw naman namin. Pero bago pa ang lahat nilapitan ko muna siya... Ang taong iniidolo ko at ang naging inspirasyon sa bawat laro ko. Ang Ate ko. "Gooo Pascual! Gooo Pascual! Go! Go! Go! Pascual!!!" Sigaw niya hanggang sa makalapit ako sakanya, sabay yakap sa akin at bulong nang "Salamat Zades, maraming maraming salamat! Makita lang kitang maglaro sa loob ng court na yan, parang nakamit ko na rin ang pangarap ko, salamat Zades" at hindi ko na nga napigilan ang aking luha, "Ate naman e! Maglalaro ko na mugto mata ko?"  Natatawa na pagkasabi ko. "Hala Zades OA ka na masyado! Sige na make your Ate proud!! Aja! Hahahaha" Sabay tulak sa akin.


At nagsimula na nga ang laban....

Sa akin ka! Talon. Habol. Palo. 
Bagay na gagawin ko para sayo kahit na ito'y paulit ulit dahil ako'y may kasiguraduhan na ikaw mismo ay hindi ako pagsasawaan. Ang lahat ay gumagawa nang paraan upang hindi mahulog sa aming panig ang bola, dahil panigurado ito' y puntos sa aming kalaban!
Natapos ang unang set nang panalo ang Team Pinas, at ang mga manonood ay lalong di na mapigilan ang saya lalo na ang mga kapwa ko Pilipino! Pero di kami nagpaka kampante dahil una pa lang ito, may apat pa.
Pangalawa at Pangatlong set ay napunta sa kalaban. Di pa rin talaga sapat na nakuha namin ang unang set, dapat hanggang huli nandun yung willingness namin na manalo, kasabay ng effort.
Kaya pagdating nang pang apat na set kami'y bumawi binalik ang lakas at saya noong unang set. At sa huli nakuha namin ang pang apat na set..
Isang set na lang, at malalaman na kung sino talaga ang panalo.

At nagsimula na nga ang panghuling set....

Talon, Habol, Palo. Ang lahat ay ramdam na ang pagod ang iba'y hindi na kinaya kaya sila nakipag palit na. Pero Ako? Hindi ko kayang sumuko lalo't alam ko nang malapit ko nang makamit ang pangarap ng Ate Ko...

























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento