My Blog List

Biyernes, Setyembre 4, 2015

"ANG BAGONG BAYANI."- Pagapong, Katherine S.

ANG BAGONG BAYANI

     Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng magandang trabaho, lalong-lalo na sa ibayong dagat. Sa panahon ngayon kahit na mahirap, kakayanin para lamang maka-ahon sa kahirapan kahit na maganda o di maganda man maidudulot sa atin. 
     
     Hirap at lungkot ang nararamdaman at nararanasan ng ating mga Bayani ngunit hindi nila ito iniinda at iniisip na lamang nila ang kanilang mga mahal sa buhay, dahil kung hindi sila kikilos. Kelan at Paano sila aahon sa kahirapan. 
      
      Maloloy-on Jenny, tipikal na laking probinsyana, na nangangarap ng maalwang buhay at isa din sa nakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Masakit man sa loob na mapalayo sa pamilya, mas pinili niya ang kanyang hangarin na matulungan ang kanyang mga magulang at kapatid na sa kanya na rin umaasa. Araw-gabi kung kumayod si Jenny upang magkaroon ng maipapadala sa kanyang pamilya sa silangan. Hindi iniinda ni Jenny ang lungkot, na mawalay sa kanyang pamilya dahil iniisip na lng nya na para rin sa kanila ang kanyang ginagawa. 

      Si Jenny ay matagal ng nakikipagsapalaran sa ibayong dagat, at masasabi niyang masuwerte sya sapagkat mabait at marunong umintindi ang kanyang amo. Sa tuwing siya ay hihingi ng vacation leave dahilan upang mabisita niya ang kanyang mahal sa buhay, ay siya namang pinagbibigyan ng huli. Kaya't sobrang pasasalamat niya sa kanyang amo at siyempre pati na rin sa Panginoon dahil kahit na mahirap at masakit ang malayo sa kanyang mahal sa buhay, ay hindi pa rin siya pinapabayaan nito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento