My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

BUHOS NG ULAN NI JULLIEANNE MAE M. TUMACDER

Sa ating mga Pilipino, isa ang ulan sa mga pangyayaring hinihintay natin. Hindi lang nating mga matatanda, pati na rin ang mga paslit sa kalsada na masayang naglalaro at walang pinoproblema.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng matinding saya sa mga trabahador na dito umaasa, tulad ng mga magsasaka at mga nagtatanim ng prutas sa mga probinsya. Hindi lang sila ang nakikinabang dito, pati na rin ang mga tambay na nagtatayo ng daanan sa Recto kapag baha pati ang mga tambay na nagmimistulang bangkero ng mga studyante sa U-belt na ayaw mabasa ang kanilang mga paa. Pero bukod sa mga naidudulot na maganda ng ulan sa atin, meron din itong masamang naidudulot. Para sa mga karaniwang mamamayan sa ibat ibang probinsya at maging dito sa Metro Manila, ang mga buwan ng Julyo hanggang Setyembre ang ayaw ng iba, dahil ito ang simula ng mga bagyo at matinding buhos ng ulan. Kasabay ng pagpatak ng mga tubig mula sa langit ang pagpatak ng luha mula sa mata ng mga Ina, Ama, Kapatid at Anak na nawawalan ng kapamilya dahil sa bagyo.

Pero ano pa man ang naidudulot sa atin ng mga patak na nagmumula sa langit, mapamaganda man ito o mapaminsala, kailangan nating tanggapin na ito ay isang natural na nangyayari sa ating mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento