My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Ang PANININDIGAN" ni MACAYAN JENNIVIE P.

Ano ba ang paninindigan?  Mahalaga ba ito sa personalidad ng isang indibidwal? Bakit may mga bagay tayo na kailangan Paninindigan?.

Sa panahon ngayon maramni ang lumalaganap na isyu na susukat ng iyong paninindigan. Halimbawa nalang dito ang maagang pagbubuntis ng mga menor de edad na kababaihan na kung saan marami ang nagiging batang ama,at susukat sa kanilang paninindigan at kanilang pagkalalaki.Dahil sa murang edad di pa nila alam kung paano ito pangangatawanan,at kung paano nila paninindigan ang naging bunga. Maraming kabataan ang pumapasok sa isang sitwasyon na kung saan nararapat silang gumawa ng mabigat na desisyon, Desisyon na kung saan masusubok ang kanilang paninindigan sa isang bagay.Kung saan magpapasya ng walang pagninilaynilay at walang ganap na kaalaman tungkol sa kanilang pinasok.
Marami sa atin ang gumagawa ng isang bagay na di alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito.kung ito ba ay makakaapekto saiyo at sa ibang tao.
Madaling sabihin ang salitang PANININDIGAN ngunit mahirap ito patunayan lalo na't sa oras ng kagipitan,Dahil isa itong aksyon ng responsibilidad na sumisimbolo sa iyong dignidad at ang bawat salitang iyong binibitawan ay dapat iyong paninindigan.Dahil ito ang magiging imahe ng iyong pagkatao,Dito ka nila makilala kung sino ka at kung anong personalidad ang meron ka,na minsan ito ang nagiging dahilan ng iyong kapintasan.
Paninindigan ang tawag sa paniniwala ng isang indibidwal na labis niyang pinangangatawanan,paniniwala na kahit sino may hindi makapagpapabago ng iyong sariling pananaw at ng iyong prinsipyo.
Mahalaga ang paninindigan ng isang tao dahil dito sa aspetong ito sinusuri ang iyong pagkatao,kung gaano ka naninindigan sa iyong pinaglalaban o pinaniniwalaan.

"Ang taong pinaglalaban ang Prinsipyo maging sa binggit ng kamatayan ay ang taong may paninindigan"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento