My Blog List

Miyerkules, Setyembre 2, 2015

TRAFFIC - Ma. Leonor C. Raymundo

               
               Buti pa sa traffic, may forever. Bakit? Dahil kasing tagal nito ang forever. Hopeless, minsan sa pag-ibig at madalas sa traffic. Bakit? Dahil kahit anong hiling mong mapabilis ang traffic ay napakaimposible na yata itong mangyari. Ganyan na kalala ang traffic sa panahon ngayon at hindi na ito biro. Ang traffic ang isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa ngayon Sa kadahilanang parami na nang parami ang populasyon, masikip na daanan at sa malakas na pag-ulan na nagsasanhi ng matinding baha. Nakakainis, nakakaasar, nakakainip at nakakabagot ang ilan sa mga nararamdaman natin kapag tayo ay nakakaranas ng traffic. 

               Yung feeling na... maaga kang gumising para maghanda sa pupuntahan mo pero ang ending ay nahuli ka pa rin nang dahil sa perwisyong dulot ng traffic. Kalaban ng oras ang traffic kaya mas maaga pa sa maaga ang kinakailangan upang makaiwas sa traffic. Ang ilan nga sa ating mga kababayan ay gumagawa ng paraan upang makaiwas sa traffic. Yung iba ay naglalakad na lamang. Kung malapit lang naman kasi ang pupuntahan, mas mabuti pa na maglakad na lang. Yung iba naman ay sumasakay ng LRT, MRT at PNR ngunit napakarami naman ng mga pasahero kaya nagsisiksikan at napakainit pa.

                    Ayon kay VP Binay, kung siya ang magiging pangulo ng ating bansa, siya ay magpaplano na masolusyunan ang traffic sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tatlong E; Engineering, Education at Enforcement. Una ay engineering, upang mapaayos ang mga daanan tulad ng masisikip na kalye at riles ng tren at upang mapadagdagan din ang mga bagon nang sa ganoon ay mapabilis ang transportasyon ng mga tao. Pangalawa ay ang education, upang mapag-aralan ang lahat ng problema sa traffic. Pangatlo at ang panghuli ay ang enforcement, kapag napatupad na ang dalawang naunang E ay magiging matatag at mapapanatili ang kaayusan ng traffic. Sana sa lalong madaling panahon ay maisakatuparan niya agad ang mga ito upang hindi na natin maranasan ang matinding traffic.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento