My Blog List

Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Bakit laging nasa huli ang wakas? -GALUPO,JONEZA

Bakit halos lahat ng tao sa mundong ibabaw ay nagaabang at nasasabik sa wakas ng mga kwento, istorya at teleserye? Lahat tayo ay natutuwa kapag nakikita natin sa isang teleserye ang ating paboritong aktor di na natin nabibigyang pansin ang magandang mensahe na pinaparating ng istorya dahil mas pinapahalagahan pa natin ang gaganap na tauhan sa kwento.

Ang ibang wakas ng istorya ay mapapaisip ka kung ano ang mangyayari sa future yun ang tinatawag nating open ending na kung saan tayo ang pwedeng magbigay karagdagan sa wakas kung ito'y masaya ba o malungkot. ang lahat ng bagay ay may katapusan ngayon ko naisip kung bakit nga ba nasa huli ang wakas. Tayo ay taong nabubuhay dito sa mundo tumatanda at napapagod din lahat tayo ay dapat magpahinga.

Kaya habang tayo ay nabubuhay pa lahat ng gusto nating gawin ay dapat ng gawin.Nasasayang ang oras at panahon na mayron ka at di lahat ng pagkakataon ay dapat pang maulit hindi tayo nabuhay para sa wala, nabuhay tayo para sa misyon na hinandog saatin ng ating Panginoon. Kung ang lahat ng yan ay nagawa natin ng maayos o napagtagumpayan natin yung tipong masasabi mong sulit ang buhay mo dito sa mundo yan ang tinatawag nating huli na ang wakas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento