My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

“Ang mga bagong Bayani: OFW” - Pagapong, Katherine S.

OFW, madalas nating naririnig mapa-radyo man o telebisyon sa balitang napapanood o sa dyaryong ating nababasa o di kaya’y sa ating mga nakakasalamuha. Pero ano nga ba ang tunay na kahulugan ng OFW? Over Seas Worker ang tawag sa karamihan sa mga kababayan nating nangingibang bansa upang makapag-trabaho o mas tamang sabihin na nakikipag sapalaran upang maka-ahon sa kahirapan. Bakit nga ba marami sa ating mga Filipino ang may kagustuhang makalabas ng bansa? Simple lang ang kasagutan, para kumita ng mas malaki kaysa sa kasalukuyang kinikita dito. Ang daling sabihin na na magtrabaho na lamang ang isang tao sa ibang bansa, ngunit kung ito ay iyong mararanasan o di kaya’y ikaw ang nasa posisyon na yun. Hinding-hindi mo masasabi ang mga katagang “Madali” dahil alam naman nating lahat kung gaano kahirap ang makipag sapalaran sa ibang bansa. Ang iba pa nga’y limitado lamang ang kanilang paghahanap buhay sapagkat may itinatawag na kontrata na kung saan dalawa o hanggang tatlong taon ang dapat nilang bunuin, at depende pa sa kumpanyang kanilang pinasukan kung maaring pa silang kumuha ng panibagong kontrata. Kayod kalabaw kung magtrabaho ang karamihan sa ating mga Pinoy, di alintana ang pagod at hirap at maging ang pangungulila nila sa kanilang mahal sa buhay, magkaroon lamang ng maipapadala o maibibigay sa kanilang mga pamilya na naghihintay sa silangan.Hindi madali ang pagiging isang OFW sapagkat mag-isa mong haharapin ang buhay ibang bansa, walang kikilos sayo kung hindi ang sarili mo.Hindi biro ang pagiging isang OFW dahil ikaw at ikaw lamang ang gagawa para sa sarili mo, mula sa pagluluto, paglalaba, at paghanda sa mga gamit mo. Kung kaya’t saludo ako sa mga OFW nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa maibigay lamang ang mga pangngailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Kung hindi dahil sa kanila hindi mo makikita ang kasipagan ng isang tao makamit lang ang kanilang mga pangarap. Isang malaking pasasalamat dahil kung hindi dahil sa kanila, patuloy na tayong nalulong sa kahirapan at katamaran ng bawat isa.

1 komento:

  1. ANG BAGONG BAYANI

    marami kang pwedeng masulat jan. kelangan mo lang maginterview ng mga nakapagtrabaho sa ibang bansa o pwede rin kung magulang mo ee isa rin sa kanila kausapin mo sia at alamin ang mga ginagawa nila

    alamin din ang mga dahilan ng kanilang pakkipagsapalaran

    TumugonBurahin