My Blog List

Sabado, Setyembre 5, 2015

Ang Tatlong Kuto Ni Cristina Pardillo

Sa malayong Emperyo ng Buhok na pinamumunuan ng apat na hari sa kanikanilang kaharian ay may tatlong makikisig na prinsipe at sila’y matalik na magkakaibigan. Sila ay sina Prinsipe En, Prinsipe Ay at Prinsipe Si. Kilala ang tatlo sa Emperyo hindi lang dahil sila ay prinsipe kundi dahil din sa pagtatanggol nila sa Emperyo laban sa mapaminsalang nilalang na balakubak, lisa at kuto nuong naganap ang malaking digmaan laban sa isa’t isa. Kilala din sila sa pagiging pilyo at di pagiging patas minsan, marahil sila ay nabulag ng yaman kasikatan at autoridad. Silang tatlo ay may paghanga sa prinsesa ng emperyo na si Prinsesa Em na kahangahanga dahil sa kagandahan at mabuting katangian at pagiging mabait nito; maliban sa matalik niyang kaibigang si Ow. Si Ow ay isa ring makisig na mandirigma ng kanilang kaharian na kasama rin sa digmaan. Ngunit iba sa mga prinsepe, Siya ay hindi marangya kagaya ng mga prinsipe, nagtatrabaho siya sa kaharian at sinasahuran upang mabuhay sa araw araw. Siya na lang ang sumusuporta sa kanyang pamilya (Ina at dalawang kapatid) dahil namatay ang kanyang ama nuong dating digmaan. Dahil sila ay magkaibigan at magaling na mandirigma, inatasan siya ng hari na maging personal na kawal ng prinsesa.
Nung naganap ang huling digmaan ay nagtagumpay sila sa laban at napanatili ang katahimikan sa Emperyo. Nang maganap ang digmaan, hindi nila alam na nakatakas pala ang pinuno ng kalaban na si Reyna Kuto. Dahil sa kagustuhan nitong maangkin ang Emperyo ay nagpalakas ang Reyna Kuto at nag-ipon ng panibago niyang mandirigma. Pinag isipan niyang mabuti ang pagsugod na kanyang gagawin. Napagdesisyonan niyang sa ika dalawampung kaarawan ng Prinsesa gawin ang pagsugod ng sa gayon ay hindi handa ang sundalo ng Emperyo.
Kaarawan ni Prinsesa Em.
Magarbo at talaga namang pinaghandaan ang kaarawan ng prinsesa. Lahat ay nakasuot ng pinakabago at pinakamaganda nilang kasuotan lalo na ang mga prinsipe upang makapagpasikat at mapahanga ang napakagandang prinsesa.
Prinsipe En: Napakaganda mo ngayon, hindi pala dahil mas gumanda ka ngayon (sabay abot ng kanyang regalo para sa prinsesa.)
Prinsesa Em: Salamat
Prinsipe Ay: Para kang buwan na litaw na litaw ang kagandahan sa gabi (sabay abot ng kanyang regalo para sa prinsesa.)
Prinsesa Em: Salamat
Prinsipe Si: Nagulat ako, para kang anghel na bumaba sa lupa. (sabay abot ng kanyang regalo para sa prinsesa.)
Prinsesa Em: Salamat
Ow: Wala na kong masasabi pa kundi ang sumang ayon sa kanila (sabay abot ng kamay ng prinsesa para halikan). Nguni’t ipag paumanhin mo wala akong maibibigay sayong regalo dahil biglang nagkasakit ang aking Ina.
Nagulat ang tatlo at nainggit sila kay Ow.
Prinsesa Em: Hindi ako humihingi ng regalo sa kahit sino man sa inyo, labis na akong natutuwa na Makita kong nandito kayo sa selebrasyon ng aking kaarawan. (labis ang ngiti sa kanyang mga labi)
Sa kalagitnaan ng Selebrasyon ay dumating ang isang malaking surpresa, Ang Reyna Kuto ay sumugod nga sa kanilang palasyo kasama ang kanyang handang mga sundalo. Agad namang nakapaghanda ang mga prinsipe at si Ow dahil sinanay sila sa mga ganitong kaganapan. Nagkaron ng labanan sa pagitan ng mga magigiting na mandirigma at Pwersa ni Reyna Kuto. Napagtanto ni Reyna Kuto na lubhang magagaling ang mga mandirigma at kaya silang talunin kung kaya’t nakaisip siya ng paraan para mabaliktad ang laban. Kinuha niya ang Prinsesa at tinutukan ng patalim.
Reyna Kuto: Magsitigil kayo !!! Hawak ko ang Prinsesa ninyo !
Napatigil ang lahat.
Prinsipe Si: Bitiwan mo ang Prinsesa Em !
Prinsipe En: Huwag mo Siyang sasaktan !
Prinsipe Ay: Maawa ka ! wag mo siyang idadamay !
Ow: …
Reyna Kuto: Kung gayon ay making kayo at sundin ang ipag-uutos ko. Ibaba ninyo ang inyong mga sandata at sumuko na lang.
Prinsesa Em: Wag ! huwag ninyo siyang sundin ! May sinumpaan kayong tungkulin, Ipagtanggol nyo ang kaharian at buong Emperyo. Piliin niyo ang pananatili ng katahimikan at kapayapaan.
Bahagyang napatigil ang lahat at nag iisip. Naka ambang lalaban o susuko. At ibinaba na nga ni Ow ang kanyang armas.
Mga Prinsipe: Patawarin mo ako mahal na prinsesa.
Ipinagpatuloy ng mga mandirigma ang pagtatanggol sa kaharian at nag patuloy ang digmaan. Pinrotektahan ng mga sundalo nya ang Reyna Kuto upang makatakas at mabitbit ang Prinsesa. Sa kabilang dako naman ay nasaksak si Ow sa pagbaba nya ng armas subalit nakaligtas siya dahil sa pambihira niyang galling sa pakikipaglaban. Matapos ang digmaan at makatakas ng Reyna ay nalungkot ang lahat sa nangyari.
Sa kuta ng mga Kuto
Prinsesa Em: Pakawalan mo na ko parang awa mo na. Hindi nila isusuko sayo ang Emperyo mabuti pang sumuko kana marahil pwede pang mapag usapan ang pagiging Malaya mo.
Reyna Kuto: Hahahaha !!! Hindi ! magagamit kita laban sa mga hari at tatlong prinsipe upang tuluyan ko ng mapamunuan ang Emperyo.
Nagpadala ang Haring King na ama ng prinsesa ng pinakamagaling niyang Espiya upang hanapin kung saan nagtatago ang mga kuto.
Makalipas ang tatlong araw …
Bumalik ang Espiya na may dalang mabuting mensahe para sa hari.
Espiya: Mahal na hari alam ko na kung saan nagkukuta ang mga kuto, subalit lubhang napakapanganib duon. Kung gusting mapasok ang kuta at mailigtas ang prinsesa kailangan ay tahimik na pag atake at hindi marami dahil napakarami nilang bantay at tore kaya imposible ang maraming sundalo, agaran silang makikita.
Haring King: Kung gayon kailangan ko ng pinakamagaling na mandirigma na kayang bawiin ang aking anak.
Napag desisyonan ng mga prinsepe na sila ang pupunta at babawi sa prinsesa sa kundisyong kung sino ang makapagbalik ditto ay yun ang makakaisang dibdib ng prinsesa.
Mga Prinsipe: Kami !
Prinsipe Ay: Kami ang kailangan mo mahal na hari dahil kami ang pinaka magagaling na mandirigma ng Emperyo !
Haring King: Sigurado ba kayo ? marami na ang pumunta sa nasabing lugar nguni’t isa ay walang nakabalik.
Prinsipe En: Sigurado kami mahal na Haring King.
Prinsipe Si: Handa kaming ibuwis ang gaming buhay para sa prinsesa.
Haring King: Kung gayon pumapayag na ako at aking ibinibigay ang basbas sa inyo.
Ow: Sasama ako mahal na hari ! pahintulutan niyo ako.
Nguni’t pinagtullungan ng mga prinsipe ang magiting na mandirigma sa dahilang malaki itong banta sa kanila sa pag kuha ng kamay ng prinsesa.
Prinsipe En: Hindi maaari ! hindi mo nga kayang manindigan sa prinsipyong iyong ipanaglalaban.
Prinsipe Ay: At hindi ka ganun kagaling katulad naming.
Prinsipe Si: Tama ! Siguradong mamamatay ka lang dun at baka maging pabigat sa amin.
Haring King: Sang ayon ako Ow, sugatan ka pa, mabuting magpagaling ka na lang muna.
Nalungko’t si Ow dahil wala siyang magawa upang mailigtas ang matalik na kaibigan.
Naglakbay na ang tatlo patungo sa nasabing kuta. Hindi nila alam na pinayagan ng hari si Ow dahil malaki ang tiwala nito sa mandirigma.
Nang sila ay makarating na nga.
Prinsipe Si: Napakadaming bantay.
Prinsipe Ay: Mabuti pa’t maghiwalay hiwalay tayo.
Prinsipe En: Tama, mas makakabuti yun upang hindi tayo mahuli.
Sang ayon sila sa isa’t isa sapagkat may sari-sarili silang intensyon na sila ang makapagbalik sa prinsesa at pakasalan nito. Subalit napakalakas ng pakiramdam ng Reyna Kuto at naramdaman nito ang banta ng kalaban kung kaya’t nakapaghanda agad siya.
Sa kuta ng mga Kuto
Tahimik na inuubos ng magigiting na prinsipe ang kalaban gayon din si Ow ng biglang,
Prinsesa Em: Prinsipe En !
Prinsipe En: Prinsesa ! mabuti’t ligtas ka ! panong nangyaring nandito ka na ? Paano ka nakatakas?
Prinsesa Em: Tinuruan ako dati ni ama paano makaligtas sa ganuong sitwasyon, hindi nila namalayan na nakatakas ako ngaun.
Agad na niyapos nito ang prinsipe at hinalikan ng may agad na dumating na kalaban at napaligiran sila. Pinatakbo nan i Prinsipe En ang prinsesa. Sa kanyang pagtakbo ay nabangga nya si Prinsipe Ay.
Prinsipe Ay: Mahal na prinsesa ! Anong nang yare sayo ?
Prinsesa Em: May humahabol sa akin !
Prinsipe Ay: Ako ang bahala ! dyan ka lang sa likod ko.
Inubos ni Prinsipe Ay ang kalaban at lumapit sa prinsesa, niyapos siya nito at hinalikan at nagpasalamat. Ngunit sa dami ng kalaban ay napaligiran ulit sila. Pinatakbo niya ang prinsesa at hinarap ang mga kalaban. Sa pagtakbo ay nabangga ni Prinsesa Em si Prinsipe Si. Animo’y umulit ang pangyayari na para bang pinaglalaruan ang prinsesa ng tadhana. Nailigtas siya ng prinsipe at niyakap at binigyan niya rin ng halik ang prinsipe bilang pasasalamat.Dumating ang dalawa pang prinsipe kung nasaan sila.
Prinsipe Ay: Bakit mo hinahalikan ang prinsesa ?
Prinsipe Si: Iniligtas ko siya at ako ang nakahanap sa kanya kung kaya’t wala na kayong pakialam gaya ng usapan.
Prinsipe Ay: Anong Ikaw ? Ako ang unang nakatagpo sa kanya at nagligtas !
Prinsepe En: Hahaha nakakatawa kayong dalawa ! Bakit hindi ninyo tanungin ang prinsesa kung sino ba talaga. (sabay lapit at kinuha ang kamay ng prinsesa at niyapos ito)
Nagalit si Prinsipe Ay at itunulak ito.
Prinsipe Ay: Huwag kang hangal !Ako ang may karapatan sa prinsesa
Prinsepe Si: Anong kayo ? (Itinulak din si Prinsipe Ay)Alam ko namang ako naiibigan ng prinsesa simula pa ng mga bata pa tayo.
Sa hindi pagkakaunawaan at pang sariling intensyon ay unti unti na silang nag kainitan at naglaban na ng may mga armas. Hindi na nila naalala ang kabilin bilinan ni Haring King sa kanilang tatlo maging kay Ow, na Ang Reyna Kuto ay mapanlinlang at magaling magbalat kayo, kung sino man ang mahalikan nito ay magiging kuto at sundalong maglilingkod sa kanya. Habang naglalaban sila ay unti unti silang nagbabagong anyo at animoy napaisip sa sinabi ng hari na “ sinasabi ko na nga ba hindi kayo yan ! Impostor kayo !” hanggang sila ay magpatayan at tuluyang nagging sundalo ng reyna.
Sa di kalayuan ay nakita na ni Ow ang prinsesa. Nilapitan niya ito at iniligtas. Hinang hina ang prinsesa. Nang sila ay papaalis na ay nakasalubong nila ang impostorang prinsesa. Sabay tumumba animo’y hihingi ng tulong.
Reyna Kuto(Impostorang Prinsesa Em): Tulungan mo ako Ow ! pagod na pagod na ko. Sino yang kasama mo ? Isa siyang Impostora !
Napatingin ito sa prinsesa
Prinsesa Em: Huwag kang maniwala sa kanya siya ang impostora
Hindi alam ni Ow kung kanino siya maniniwala. Hanggang sa naalala niya ang sabi ng hari na sundin ang puso niya at malalaman niya ang katotohanan. Dahil sa ang sinasabi ng puso,utak at pakiramdam ng mandirigma na ang tunay ay ang iniligtas niya ay niyakap niya ito at sinabing.
Ow: Alam kong ikaw ang tunay mahal na prinsesa (sabay tutok ng armas sa Impostora)
Bumalik sa dating anyo ang Reyna.
Reyna Kuto: Magaling ! Subali’t ito na ang katapusan niyo ! may surpresa ako sa inyo
Lumabas Ang Tatlong Kuto na agad nilang nakilala na tatlong prinsipe dahil sa kasuotan nitong mga baluti. Nalungkot sila sa nakita at nangamba na ang prinsesa at si Ow dahil alam nilang magagaling ang tatlo at walang laban si Ow.
At sinugod na nga sila ng tatlong kuto at tangkang tatapusin ang kanilang buhay. Nahihirapan si Ow makipaglaban dahil may sugat at magaling ang kalaban niya at tatlo pa. Ngunit naalala niya ang sinabi ng hari na upang maubos ang kalaban ay kailangang mapatay ang Reyna Kuto.
Ow: Sandali ! wala akong pag asang manalo ! mabuti pa at umanib na lang ako sa inyo at sakupin na natin ang Emperyo. Wala ng makakapigil pa satin dahil kaanib nyo na ang pinakamagagaling na mandirigma.
Ikinatuwa naman ng Reyna Kuto ang narinig at pinatigil ang tatlong kuto.
Reyna Kuto: Magaling ! Magaling ! hindi ka nagkamali ng desisyon.
Prinsesa Em: (Umiiyak)Paano mo nagawa sa amin to Ow? Ikaw pa naman ang iniirog ko.
Lumapit ang reyna kay Ow upang yapusin habang tinatawanan ang prinsesa.
Reyna Kuto: Ako na ang mamumuno ng buong Emperyo !
Hindi nito alam ay nagpanggap lang si Ow at agad sinaksak. Napatay niya ang Reyna Kuto at nanghina lahat ng sundalo nito. Nagawa niyang matalo ang tatlong kuto at dinakip ang mga ito upang ibalik sa palasyo sa pagbabakasakaling magagamot ang mga ito.
Pag kabalik nila ng kaharian ay sinalubong sila ng hari.
Haring King: Magaling Ow ! hindi ako nagkamali sayo, sinubaybayan namin ang paglalakbay nyo at pakikipaglaban sa pamamagitan ng mambabarang ay napanuod naming ang lahat ng nangyare sa inyo. Binabati kita !
Sinugod ng mga mandirigma ng Emperyo angkuta at inubos lahat ng kalaban. Nabalik ang Katahimikan at kapayapaan sa Emperyo. Subalit sinubukan na lahat ng mahiko upang maibalik sa dating anyo ang tatlong kuto ay walang umepekto kung kaya’t ikinulong nalang ang tatlong Kuto.
Makalipas naman ang dalawang buwan ay ikinasal sina Ow at Prinsesa Em. Sila na ang bagong Hari at Reyna ng kanilang palasyo. Nabuhay sila ng tahimik at masaya.

The end J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento