My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Pinoise" - Merry Lorvielyn Antonio


         Pilipino Noise.
         Ingay. Sigawan. Tawanan. Iyakan. Chismisan. Dramahan. At marami pang ibang kaingayan ng mga Pilipino. Hindi na mawawala sa pilipino ang likas na masalitain sapagkat ito ang madalas nilang pinaglilibangan sa tuwing wala silang nagagawa ang makipag usap sa iba. Ngunit sa ngayon iba na ata ang depinisyon ng salitang iyon. Sa panahon ngayon na puno na ng kabalukyutan na nangyayari sa lansangan, karamihan sa mga ito ay totoo, pag papapanggap lamang at ang iba nama'y pawang walang kasiguraduhan.
     
         Panahon ng Eleksyon. Nalalapit na ang botohan para sa susunod na mamumuno na naman sa atin. Ingay ng mga kandidato. Waring napakagaling sa salita, ngunit pag sya'y na iboto na tila'y nagkalimutan na ata? Maraming ganito. Magaling sa salita, ngunit nawawala ang gawa. Ang mga salita nila ay parang mapaka ganda ngunit sa pag lipas ng panahon matatawag mo lamang itong ingay. Puro pangako, kalaunan ay mapapako.
        Rant page. Sa ngayon, na uuso sa tinatawag na "facebook" ang mga Rant Page. Kung saan puro wala namang maganda sa mga nasasabi dito. Sa iba ay dating nito ay pawang walang ka kwenta kwenta ang mga naka sulat at ito lamang ay isa lamang daw pag iingay na wala namang laman. Rant nga kasi. Ngunit, pawang katotohanan naman tlaga ang mga naka sulat. Talaga bang wala nang maganda sa katotohanan sa panahon ngayon? Ni ilan siguro.....
       Midya. Malaki ang impluwensya ng midya sa atin. Marami tayo'ng napupulot, natututunan dito. Nasa sa atin na kung tayo ba ay maniniwala o hindi. Sa panahon ngayon, hindi na maganda ang mga ipinalalabas sa telebisyon. At dahil dito, maraming kabataan ngayon ang na-iimpluwensyahan nito.

     

       

1 komento: