My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"Pampeysbuk" - Justine Ambrosio

         Mag-iisang taon kaming magkakilala ni Karlo sa susunod na linggo mula ng kami'y unang magpalitan ng "Hi" at "Hello" sa peysbuk. Isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging maalalahanin, sinsero, at kwela niyang pakikipagusap sakin . Si Karlo ay isang kompyuter-analyst sa isang pribadong kompanya sa siyudad ng Tagbilatan. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho roon mula ng siya'y magtapos sa kursong BS Information Technology. Ulila na siyang lubos, namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente lula ng sasakyang pandagat na biyaheng pa Cebu. Sobra niyang ikinalungkot ang malunos na sinapit ng kanyang mga magulang. Na halos di na siya lumalabas ng kanilang tahanan at kinalumutan ang buhay labas. Hindi naging madali ang pag-ahon niya sa unos na kanyang nararanasan. Kwento pa niya, pati ang pag-aaral niya noon ay kanyang naisantabi dahil sa paghihinagpis sa kanyang mga mahal sa buhay. Ipinangako sa kanyang sarili na hindi na niya muling mararanasan ang ganoong kasakit at kalupit na pagkakataon na pagkakataon. Si Karlo ay tuluyan na ngang nakalimot sa hinagpis ng nakaraan. Siya'y magisang matiwasay na na namumuhay ngayon ayon sa kanyang kwento sa akin.

      Abalang-abala ako ngayon sa isang proyektong pinagkatiwala sa akin ng aking boss. Isa akong business consultant sa isang business magasin. Maglilimang taon na ako sa aking trabaho. Pakiramdam ko nga ay mapapako na ko sa posisyong akong kinatutungtunga ngayon. Masaya ngunit hinahanap hanap ko ang satispaksyon ang aking trabaho. Sapat naman ang sahod na aking natatanggap ngunit mayroon akong hinahanap sa isang trabaho.

      Pasakay na ko sa aking oto nang mag ring ang aking cellphone. Si Karlo ang nakarehistro sa screen ng aking cellphone.Oh Hello Karlo ba't napatawag ka.Ah nangmusta lang.Talaga lang ha.Kakausap lang natin kahapon at namiss ko ko agad .Bawal na pala ngayon mangamusta sayo. May trabaho ka pa ba ?.Wala pauwi na nga ko eh.Sino kasama mo ?. Wala solo ko lang as always.Aba nagdrama ka pa. Hayaan mo pagnagkita tayo sasamahan kita sa bawat lakad mo. Hinding hindi kita hihiwalayan, bubuntutan kita. Sambit niyang may halong tuwa. Oh sya magmamaneho na ako. Tatawagan na lang kita ulit kapag ako'y nasa apartment na. Ba-bye Karlo.Sige paalam Tim, magiingat ka ha, pokus ka da daan. Tawagan mo ko ha hihintayin ko .Tuluyan na ngang naputol ang aming pag-uusap.

      Habang ako'y nasa kalagitnaan ng trapik sa EDSA. Biglang sumagi sa aking katinuan ang kasunduan naming nalalapit na pakikita. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman. Kilalang-kilala ko na si Karlo sa pananalita niya ngunit sa personal ay walang wala pa. Kaya kami umabot sa labibg isang buwan na "getting to know each other first" ay dahil sa siya ay di ko pa nakakasalamuha. Marami na akong karanasan sa pakikipag meetup ngunit nauuwi sa wala. Mga taong ang habol lang ay mang-isa o mang-loko ng kapwa. Iba si Karlo sa mga nakilala ko sa peysbuk. Nararamdaman kong hindi siya katulad ng mga nakilala ko. Kaya't ang tanging pinanghahawakan ko ay ang kanyang mga pangako at hindi niya nakakaligataang tawagan ako pagkatapos ng kanyang trabaho. Mag-aalas onse nang gabi  na ako'y makarating sa aking tinutuluyang apartment. Hindi na ako bago sa kalakarang ito tuwing uuwi ng apartment ko.Hay. Ramdam ko na talaga ang pagod. Sa tuwing uuwi ako ay halos maluha ako dahil sa araw-araw na gigising nang maaga at uuwi ng hating gabi. Well Timothy that's life ika nga. Survival of the fittest.

       Pasakay na ako ng elevator nang biglang magring ang aking. Nang aking dukutin sa bulsa ng aking maong na pantalon ay si Deo ang tumatawa. Isa sa siya mga matalik kong kaibigan. Naging kaklase ko siya sa kolehiyo ng apat na taom . Siya ang lagi kong kasa-kasama sa eskwela at maging sa boarding house na aking inuupahan noong araw.Oh Deo kamusta ka na ? Miss na kita. Kailan mo ko bibisitahin dito.Hello Tim I miss you too. Kailan ka free. Aba! Alam ko na 'to. Yayayain mo nanaman akong gumimik. Hindi ah, assuming ka nanaman Tim. May tickets akong good for two persons trip to Cebu one week siya.Free lahat food and accomodation. As in Tim.Ay ang saya naman. Kaya lang.Ha ? Anong kaya lang ? Kasi may trabaho ka ? Ayaw ng boss mo ? Aba five years ka nang nagpapakuba sa trabaho. I'm sure nakakabanas at nakakapagod yan. It's time for you to relax and unwind. Ano dali magpaalam ka na. Isang linggo lang to sayang ang bakasyon. Sige titignan ko.Anong titignan mo ? Gawin mo.Tatawagan kita bukas at para saan ba yan ?.Sa makalawang linggo na ito.Siguraduhin mo lang Deo na free lahat ha.Oo sure na sure ako 100% ito Tim. Libre pa kita ?.Talaga ?.Syempre biro lang. Hay naku Tim hindi ka pa rin talaga nagbabago.Oh siya paalam na, isang oras lang ang break ko. Tim asahan ko callback mo bukas. Sige bye.

      Nagkataong may business trip ang boss ko sa Hongkong nang dalawang linggo.

      Bilang paghahanda sa nalalapit na bakasyon namin ni Deo ay aking ipinapaalam kay Karlo na kamiy may trip sa Cebu. Siya'y natuwa dahil kalapit na isla lang nila ang Cebu.Kung sa Shangri-La kaya tayo magkita ? Ano sa palagay mo Karlo ?.Okay lang sa akin basta ang mahalaga ay magkita tayo.Kahit saan kung sa tingin mo doon ka magpapadali at matiwasay ang biyahe mo.Dahil kaki ni Deo ay nakabook ang flight namin via plane. Mas convenient sa amin.Oh sige sa  Shangrila na lang. Excited ka ba Tim ?.Oo naman Karlo. Ngayon pa ba tayo aatras. Ngayong magkalapit na tayo sa isang sandali.Ano ano mga naiisip mo kapag nagkita tayo?.Gustong-gusto talaga kitang makilala ng lubusan.Ganon din ako Tim.   You know how much I really wanted to know you more than anything else. Sige karlo ibababa ko na tong phone matapos na break ko. I'll call you later okay tim ingat ka ah. Ikaw din karlo. Bye

         Bago ang araw ng pag -alis ng aking boss ay kanya akong pinatawag sa kanyang opisina halong kaba at pagkasabik ang aking naramdaman nang araw na iyon "Timothy i want you to finish these business plans. Before i leave i want you to call all our business directories and make sure to finish all financial reports. Yes sir and do not forget there sweet yeses. Okay. Okay sir. Here's your vacation letter. Thank you sir".

        Noong araw na yun ay halos mabaliw at masiraan ako ng ulo simula nang natangap ko ang aking vacation letter ko mula sa aking boss. Sa halis limang taon kong pakikipag buno sa kompanya ng aking pinagtratrabahuhan ngayun lang ako pinahintulutan ay ngayun lang akopinahintulutan magbakasyon ng ganung katagal. Para sa akin kahit isang linggo lang ang nakalaang vacation leave ay tuwang tuwa na ako dito. Atleast makakapagbakasyon ako "this is what i've been waiting  for. Ewan ko ba lang kung bakit ngayun lang ito dumati dumating ang pagkakataong ganito sa talang buhay ko. Puro trabaho kasi ang aking ginagawa mo tim. Siguro pahintulutan na ito ng diyos na panahon na para magkita kami ni carlo. Oh nagkataon lang talaga.basta masaya ako.

         Nasa front seat kami ni deo ng eroplanong aming sinasakyan.mga nasa benteng tao lamang ang kasabay namiy sumakay sa private plane. Tahimik ang lahat at nahimbing sa pag tulog si deosa tabi ko muling nag flash back ang lahat sa aking isip ang pagkakakilala namin ni carlo. Sumagi sa isip ko na baka puro kasinungalingan lamang ang lahat ng sinabi ni carlo. Dagdag pa ang pangambang baka gaya lamang siya sa mga nakilala ko noon. Sana hindi siya katulad ng mga mapanlinlang na tao sa maynila. Pakiramdam ko naman na iba siya sa mga nakilala ko. Sa pinaparamdam niyang sensiridad sa akin araw araw ay sapat na para hindi ko siya pagdududahan. Ganon na lamang ang pagkasabik ko na siya'y makita at makasama sa personal. Ganito lang talaga ako, halong pagkasabik sa aking mga magulang na nasa ibayong-lugar. Sampung taon ko na sila hindi nakikita. Ngunit hindi ko nakaligtaang makipag-usap sa kanila gamit ang "skype" sa aking laptop. Ika nga sa sikolohiya, "a person who chose to be alone, misses and seek for belongingness".

          Ewan ko ba kung bakit ayaw ko pang sumunod kina mama at papa sa amerika. Gayong wala na akong iisiping problema sa pag-alis. Siguro ay ma mga bagay pa akong gustong patunayan sa aking sarili. Ayaw ko nang nag-iisa ngunit mas pinili kong mapag-isa. Andaming katanungan sa aking isip na kumakatok ngunit aking hindi pinagbubuksan ng pinto. Hindi pa ako handang sagutin ang lahat ng ito. May tamang panahon at sa tingin ko ay hindi pa ngayon. Isang oras na lang ay nasa abu na kami ni Deo.


        Paglapag ng aming eroplano sa abu airport ay dumiretso kami sa among hotel. Nagpalipas kami ng pagod sa byahe. Habang kumakain kami ni Deo ay ikinuwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa amin ni Karlo. Namangha siya ngunit nariyan ang kanyang pag-aalala sa akin. Na baka raw ako ay mapahamak sa akinhg gagawin. Hindi mawawala ang panganib sa ating paligid kung tayo ay matatakot lamang. Matuto tayong sumubok at lumaban para malagpasan ang pangamba. Sinambitaw ko kay Deo "basta ang akin lamang ay mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Narito lamang ako para tulungan ka ha, Tim". "Anong oras daw ba kayo magkikita?" "Bukas pa kami magkikita, mga alas dyes  ng umaga."

       Sa sobra kong kasabikan ay dumating ako sa shangri-la ng maaga. Tumuloy ako sa isang restaurant at tsaka nag-order ng maiinom. Kinakabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko ay sasabog  ang aking dibdib. Sinuot ko ang kulay pulang long sleeve ko at siya naman daw ay magsusuot ng kulay berdeng polo. Tila bagang pusang hindi mapakali ang nangyayari sa akin. Nang sulyapin ko ang bandang entrada ng restaurant ay may nakita akong lalaking matangkad, maputi, makakapal ang mga kilay, mapupula ang labi at higit sa lahat nakasuot ng kulay berdeng polo. Hindi ako nagkakamali siya na si Karlo ang kachat ko sa peysbuk at Skype. Hihimatayin yata ako sa sobrang kilig na aking nararansan. Biglang nagring ang aking cellphone at sa screen ng aking cellphone ay si Karlo ang nakarehistro. Dali-dali kong sinagot "Hello Karlo. Nasaan ka na? Nandito na ako sa restaurant na pinagkasunduan natin. Nasaan ka na ba? Nandito na ako sa loob. Saang section ka ba nakaupo? Andito ako sa may bandang VIP seats Karlo, tingin kang kanan kakaway ako. Ano? Nakita mo ba? Oo ikaw nga nakapulang long sleeves. Baba ko na tong cellphone ha. Lumapit ka na. Osige."
Lumapit si Karlo sa mesang kinauupuan ko at siyay umupo. "So nandito na tayo sa pinakahihintay nating sitwasyon. Finally we meet in person. How was that Tim? Hi! I'm Timothy Reyes.  So nice to meet you Karlo Montenegro." Sabay tawanan ng malakas."Alam mo ang charming mo in person Tim, Hindi ko inakalang ganyan ka kagwapo. Well! Thank you for that. I guess you're surprised. Totally. I was expecting that you're cute and funny. But now you're too formal. Kmausta ang byahe niyo? Ayon nakakapagod but worth it naman. I hope nagenjoy kayo dito sa Cebu. Oo naman. Ngayon pa lamang ay nageenjoy na ako. Talaga? That's nice Tim. Mag-order na tayo. Ano gusto mo? Rice meal? Okay lang. Sige ako na in-chrage dito. Waiter. Two orders of this and wine for two. That's all. Thank you. Mahilig ka palang uminom? Oh my Hindi naman gaano.

       Ikaw umiinom ka ba ? Oo, sometimes and kapag may okasyon. Really. Ano impression mo sa akin Karlo ? You are so formal, sophisticated guy and brainy the way you smile it kills. Does ? Yes you are. Eh, pasmo sa akin Tim ? Well you surprise me Karlo. I didn't expect na ganyan ka kagwapo at kakisig. I was expecting an ordinary and slim guy. Anyway nahihirapan ka bang tumuloy dito ? Hindi naman. I enjoyed my trip. Nasaan nga pala si Deo ? He's on a massage house somewhere in Mactan. Solo flight siya. Oo kasi alam niya namang magkikita tayo and he wanted us to talk in private. He is a good friend. Right ? Yes he is . I treated him as my brother not a bestfriend. Oh ang sweet niyo naman.Thankyou. But anyway, tell me more about your life.You know just to have the conversation. Nasabi ko na lahat-lahat sayo Tim. Wala na akong maikukwento. Okay kahit isa wala na ?. Oo Tim wala na. Ang saklap na. Bakit ? Kasi you really trusted me about everything to yourself. How about you Tim? Mayroon ka pa bang hindi nakukwento sa akin ? Nothing Karlo . Lahat nasabi ko na rin sayo. Nakakatuwa naman. Wala na tayong mapagusapan. Eh ikaw pa naman nagkwento araw-araw tapos wala man lang day-off. So kain muna tayo. After let's have walk. Okay ?.


       Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa pasyalan ng Shangri-La Hotel. Doon kami naglakad-lakad at nagkausap pa sa mga bagay-bagay na hindi pa namin alam.
Niyaya ako ni Deo sa isang night ground party sa may private resort sa tabi ng aming tinutuluyang hotel. Hindi ako nakatanggap dahil siya ang may sagot ng among bakasyon.
Dumating kami sa venue nagparty. Di-mahulugang karayom ang aming nadatnang pangyayari. Maingay ay ang lahat ay nagkakasiyahan. Nariyan pa ang dance floor na halos lahat ng sumasayaw ay nagkakabungguan na sa sobrang dami ng tao. Wala kaming kakilala ni Deo sa party ngunit a t dahil marunong kaming makipagsosyalays. Nakakilala kami ng makakausap at makakasama.

     Si Sofia isang party lover. Maganda, maputi, sexy at madaldal. Bakasyonista rin siya gaya namin. Kaya't agad namin siyang nakasundo.

       Sa aking paglilibot sa venue, namukhaan ko ang isang lalaking nakashort at may kaakbay na babae. Hindi ako nagkamali siya si Sofia na aming nakilala kanina. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib at si Karlo ang kaakbay ni Sofia. Nanlumo ako sa aking nakita. Si Karlo at si Sofia nga, magkakilala sila. Patay malisya akong dumaan sakanilang harapan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tinawag ni Sofia ang aking pangalan. "Tim, saan ka pupunta? Ha? Dito lang magpapahangin lamang. Halika muna saglit. May ipapakilala ako. Mas lalong bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso. Nang ako'y lumapit, nakita kong nakatitig sa akin si Karlo. Namumula at parang nakakita ng multo. Karlo by the way si Tim. Tim this is Karlo my boyfriend. Hi nice to meet you Karlo. I gotta go guys. Agad? Bakit Tim? Ah wala. Gusto ko lang magpahangin medyo naninikip lang ang aking dibdib. Si Karlo ay walang imik na para bang hindi kami magkakilala. Magkahalong galit at panlulumo ang aking naramdaman nang gabing iyon.

       Kinabukasan ay ikinuwento ko ang lahat kay Deo at payo niya ay huwag ko nang kakausapin si Karlo pagkat isa siyang manloloko. Wala siyang pinagkaiba sa mga nakilala ko noon. Naluha ako nang maisip ko ang mga sinabi sa akin ni Karlo noong nasa Maynila ako na siya raw ay single at nag iisa sa buhay. Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang. Hindi ako umasang magkakaroon kami ng relasyon ni Karlo ngunit ang pinanghihinayangan ko ay ang tiwalang binigay ko sakanya.Habang nasa hapag kainan kami ni Deo ay tumawag si Karlo. Humihingi siya ng paumanhin dahil hindi niya nasabi sa akin na siya ay may karelasyon. Ang sabi pa niya ay baka ako raw ay magalit. "Alam mo Karlo, I'm not asking for a favor. All I wanted to have is a true and honest friendship with you. That's it. As simple as that. But you lied.

     The best thing for us is to forget everything what we have. Just pretend that nothing happened. Ayokong makasira ng isang relasyon dahil kapag nangyari iyon. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili, napakaswerte ni Sofia sa iyo. Dahil everything na hinahanap ko sa isang lalaki, ay nasa iyo. All I wantend was you to be honest because I trusted you so much Karlo. Alam mo ba iyon? Ha? I'm sorry Tim, I was planning to tell you everyo but. But what Karlo. Dahil ayokong magalit ka sa akin para hindi ako magmukhang tanga. Friendship lang ang gusto ko, not anything else. I'm really sorry Tim. I hope you forgive me. Ito tatandaan mo Karlo a liar will always be a liar. Ang mabuti pa wag na tayong magusap pa kahit kailan. Let's end this up into this way.I hope maging masaya kayo  ni Sofia. Don't worry I'll be fine. Tim, Tim Please give me another chance. I will give you but not now. Maybe in the right place and time.I have to go Karlo.Goodbye!, Tim,Tim,Tim.


       Ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa kalungkutan at panghihinayang. Bumalik ng Maynila sina Deo at Tim na parang walang nangyari. Nagpasya si Tim na lubusan ng kalimutan si Karlo at nag pokus na lamang sakanyang trabaho. Dahil labis itong nasaktan sa mga nangyari. Paulit ulit lamang ang mga nangyayari sa buhay niya. Ipinangako niya sa sarili na hinding hindi na siya magtitiwala sa mga taong makikipagkilala sakanya sa social media. Sa karanasang iyon sa buhay niya, mas lubos siyang naging maingat sa pakikipagkaibigan dahil sa pangambang nakasalamuha ulit ng isang taong Pampeysbuk lamang ang kayang gawin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento