My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"PUSA" - Stella Marie Dy

Sa isang maganda at maaliwalas na araw, nagpunta ng palengke si bebemon upang manguha ng mga tira-tirang isda sa nga bangketa. Habang sya ay naglalakad, nakita nya si bekimon na nakahiga malapit sa tindahan ng nga sitaw.
Bebemon : bakit ka nandyan bekimon? Nagbago naba ang panlasa mo ngayon?"- Tanong nya Kay bekimon.
Bekimon : Oo, naging vegetarian na kami ngayon. Nagkakasakit na kasi yung nga anak ko.- Sagot ni bekimon.
Panigurado Hindi nya iyon mapaninindigan! Mahirap kayang baguhin ang nakasanayan.
Bebemon : Sus! Sa una lang yan!-Mahinang bulong ni bebemon.
Bekimon: Ano?
Bebemon : wala! Sabi ko mauuna na ko at baka maunahan pa ako ng iba. Ayoko naman pakainin yung nga anak ko ng mga damo damo.-Makahulugang pahayag ni bebemon.
Habang naglalakad siya papunta sa bangketang palaging may tirang isda, nakakita sya ng isang tumpok na hasang ng isda sa bangketa ni Aling Mila.
Bebemon : Mamaya ko nalang yan babalikan, wala namang magkakainteres dyan. Tsaka kulang yan sa aming mag iina. Idadagdag ko nalang yan sa makukuha kung isda kina aling Cora.-Sabi ni bebemon sa sarili.
Pakanta kantang naglalakad si bebemon papunta sa bangketa ni aling Cora. Pagdating nya sa kanto ng palengke na kung saan nakapwesto ang tindahan ni aling Cora, nakita nya na papunta din sa direksyon niya si Britney. Si Britney na reyna sa bubungan.
Bebemon : kailangan ko syang maunahan! Bulalas nya.
Sa takot na baka maunahan sya ni Britney, umiba sya ng direksyon papunta ng bangketa. Nang malapit na sya ay bigla syang nakita ni Jurong. Bigla syang nakadama ng takot at bumalik sya sa daan na tinatahak nya nung una. Hingal na hingal si Bebemon ng dumating sya sa bangketang kanyang pinagkukuhanan ng pagkain. Pagkadating nya, saktong lumabas din si Britney galing sa kusina
Britney : Bilisan mo nalang sa susunod kaibigan!-Natatawang sabi ni Britney habang papaalis sya ng bangketa.
Nanlulumong tumalikod si Bebemon ng bigla syang tinawag ni Britney,
Britney : Teka pala! Bago ko makalimutan, Simula sa araw na ito, magsimula kanang maghanap ng iba mong mapagkukuhanan ng isda. Sa akin na ang pwestong ito at. Simula sa bangketang yan, hanggang duon sa dulo.-Pahayag ni Britney habang tinuturo ang nga bangketang nasasakupan nya. Nung matapos sabihin ni Britney ang lahat, umalis sya ng tawa ng tawa sapagkat mas lalong lumaki ang kanyang nasasakupan.
Bebemon : Ang sama nya talaga! Akala ko pa naman nagbago na ang ihip ng hangin at bigla syang bumait. Mali pala ako! Nanlulumong umalis si Bebemon ng maalala nya na may nadaanan pala syang pagkain malapit Kay Bekimon. Dali dali syang nagpunta at baka maunahan na naman sya ng iba. Pagkadating nya sa bangketa ay wala na Duon ang isdang nakita nya Kanina.
Bekimon : naunahan kana kaibigan! Kanina pa nakuha ni Bimby yung isda dyan kanina.
Biglang sabi ni bekimon ng mapansin nyang parang may hinahanap si bebemon.
Bebemon : Ah. Ganun ba?
Mas lalo tuloy nanlumo si bebemon sa nalaman. Pagkadating nya ng bahay, nakita nyang nag aantay na Sa Kanya ang kanyang mga anak. Nalulungkot sya sapagkat wala syang nadalang pagkain para sa kanila. "Napakamalas ko naman ngayong araw! Kung nakontento lang sana ako Sa konting isda Kanina, di sana ay may pinaghahatian kami ngayon!" Sabi nya sa sarili. Pinatulog na lamang ni bebemon ang mga anak upang hindi makaramdam ng gutom ang mga ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento