My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

“Ang Tunay na Kapayapaan” – Honey Grace C. Navarro

Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Saan? Paano? Paano ko ba talaga makakamit ang tunay na kapayaan? Saan man dako ng daigdig na ito saan mang sulok o lugar patuloy kong hinahanap ang kasagutan na gusto kong matagpuan ang kasagutan na gustong-gusto kong maranasan. Naglakbay ,Nagpaikot-ikot , Nagpalibot-libot na ako , naghanap , nagtanong pero bakit parang kahit sino walang makasagot sa aking mga tanong? Napansin ko sa aking paglalakbay na habang tumatagal ang panahon pasama ng pasama ang mga tao dito sa daigdig , walang katapusang patayan , nakawan , pakikiapid , pagsisinungaling , pagbibisyo at pagnanasa sa mga bagay na mahirap makamit? Pero bakit ba nangyayari ang mga ito? Para saan? Bakit tayo naririto? Ano nga ba ang dahilan bakit hindi natin matagpuan ang tunay na kapayapaan? Ako si Ivan, Nanggaling ako sa isang mayamang pamilya ngunit malayo ako sa aking mga magulang. Sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang aking pagaaral at sa pang araw-araw na pangangailangan ko. Umuuwi sila rito tuwing pasko upang magsamasama kami, kasama ang aking Lola. Tanging ako lamang ang nagiisa nilang anak. Payapa sa apat na sulok ng aming bahay. Tanging insekto huni ng ibon at ingay ng damo sa tuwing malakas ang hangin ang naririnig ko sa labas ng aming bintana. Pero ito ba ang totoong kapayapaan ? O nasa lugar lamang ako ng punong – punong katanungan. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon sa araw-araw sa pagsikat ng bagong umaga ang mainit na sinag ng araw ang tanging gumigising sa akin upang simulan ang panibagong umaga na hindi ko pa rin nasasagot ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Isang ingay ang nagpabangon sa akin mula sa labas ng bintana, dali-dali akong tumayo upang tignan kung sino ang tumatawag sa akin. Umaninag sa aking mata ang nakakasilaw at napakagandang mukha. “Ivan!!, Ivan? Magandang umaga! Sabay na tayo, Dalian mo at baka mahuli pa tayo sa klase” Siya si Selena ang kaibigan ko simula noong kami ay grade school pa, Siya ay masiyahin, matalino at napakabait. Lagi niya akong pinupuntahan ditto sa amin upang magsabay kami pumasok patungong eskwelahan, dali dali akong kumilos upang hindi kami mahuli sa aming klase . Masaya kaming naglalakad patungong eskwelahan ,Nagtungo muna kami sa tindahan ng kaniyng ina upang makahingi siyang kaniyang baon. “Magandang umaga po Aling Rosa” bati ko sa kaniyang ina. “Magandang umaga rin Ivan” ani ni Aling rosa, “Napadaan ka? Kamusta? Mukhang maganda ang umaga mo ah?” sabi ni aling rosa sa akin. “Masaya lang po ako at may kasabay po ako” paliwanag ko kay Aling rosa “Ah? Ganun ba? iho? Oh siya siya mauna na kayo at baka mahuli pa kayo sa inyong klase, Magingat ha?” Masayang paalala ni Aling rosa “Opo! Salamat po!” sabay bigkas namin ni Selena. Matapos naming makarating sa tindahan nila, Parang tumahimik na naman ang aking paligid nakatingala lamang ako sa ulap at malayo anga king tinatanaw. “Ito na naman ako naghahanap na naman ako ng kasagutan, Paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang mga tanong na ano ? Saan ? At bakit? Hanggang sa di ko na namalayan na Nasigaw ko pala ng malakas ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Nagulat at napahinto si selena dahil sa kaniyang narinig mula sa akin. Ngunit tumingin siya sa akin at biglang ngumiti “sabi ko na nga ba baling araw itatanong mo rin iyan sa akin e” maiksing paliwanag niya sa akin. “Ha? ..Ano? Ehh Paano mo naman nasabi?” nauutal kong sabi sa kaniya. “Simple lang, halata naman sayo na hindi ka naman talaga masaya eh. Halos nasa iyo na nga ang lahat! May magandang bahay ,pera , kotse , may katulong pa nga kayo eh tapos may magagandang gamit pa. kumpleto magulang mo. Buo kayo tuwing Pasko. Naisip ko napaka-swerte mo pero syempre naisip ko din maswerte pa din ako! Di man kumpleto ang aking pamilya di man malaki ang aming tahanan, wala man kaming maraming pera at wala man kaming kotse o mga katulong Masayang Masaya ako dahil andyan pa rin sa akin si Inay upang alagaan ako Lalong lalo na ng makilala ko si Kristo. Dati puro reklamo ako bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit sila? Bakit ako? Tulad mo rin ako di makuntento , di mahanap ang sagot pero May isang taong naglakas loob na ipakilala sa akin si kristo kung sino at ano ba talaga siya sa buhay ko o sa buhay ng bawat isa na nabubuhay dito! Doon doon ko natagpuan na may halaga pala at may dahilan pala lahat ng bagay. At kahit kalian hindi nagkamali ang Panginoong Diyos sa mga bagay na nangyayari sa buhay natin. Tinanggap ko siya bilang sariling tagapagligtas Panginoon ,Hari ng mga hari, Diyos ng mga Diyos siya ang ating Panginoong Hesu Kristo. Pinako siya dahil sa ating mga kasalanan dahil sa pagmamahal niya sa atin hindi tayo narito dahil sa wala lang kundi narito tayo upang tanggapin at kilalanin pa siya lalo at ipalaganap sa bawat dako ng mundo na siya ang Diyos na dakila sa lahat na nagbigay ng buhay para sa atin.” Mahabang paliwanag ni Selena sa akin. Gumuho ang malabundok na problema ko nang marinig ko ang mga salitang binitawan ni selena sa akin naramdaman ko na parang unti-unting nabawasan ang napupunong baso ng problema ko parang na punasan ng malamig na panyo ang nagiinit kong ulo . Ganito pala!? Ganito pala ang pakiramdam na hindi pala ako nagiisa ganito pala ang pakiramdam na malaman mo na may dahilan pala ang lahat? Ang saya. Ngayon alam ko na ang sagot kay Kristo Kay Kristo ko pala matatagpuan ang tunay na kasapatan Kay Kristo ko makakamtan ang TUNAY NA KAPAYAPAAN!.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento