My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

Dakilang Kuba ni Jessa Villamor

     Mula sa parang ay maririnig ang halinghing ng mga tao sa nagdaraang nilalang, na tila  isang ketongin  kung pandirihan at angilan. Maririnig ang mga salitang " umalis ka nga dyan!"ang baho mo! Lumayas ka ngang kuba ka!yan ang mga salitang karaniwan ng palabas kung magdaraan ka sa pook na iyon, sa kabilang banda waring isang binging ermitanyo na nanggaling sa malayong paglalakbay ang kubang si Emang.   
    
     Saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa, patuloy pa rin sa paghahanap ng ikabubuhay ang gusgusing si emang, siya'y pandak, maitim at gusgusing nilalang na wari'y pinagkaitan ng malupit na kapaligirang kinagisnan, dala dala ang nagtitingib na mga kalakal mula sa daan.Isang gabing naging tatak ng marahas at labis na takot at karimlan sa panahong iyon, sa di kalayuan nangangain ang malaking apoy na tila kumakain sa kalayuan, maririnig ang mga balahaw ng mga taong naghahanap ng tubig para mapatay ang nangangaing apoy, si emang ay hindi nagatubiling tumulong sa pamamagitan ng mga latang kalakal sa pagsalok ng tubig, ng tulong-tulong sa pagapula ng nangangalit na apoy, at ilang sandali ay matagumpay din ang lahat.

      Isang pasasalamat at pagbubunyi ang ginawa ng mga kanayon kay Emang kuba sa kanyang ginawang kabutihan at taos-pusong pagtulong, sa kabila ng kalupitan na kanyang naranasan ay nangingibabaw pa din ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Siya'y tunay na dakila at mabuti kaninuman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento