My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Ang Overprotective na mga magulang" by Mycel Andrei Divina

Ang mga magulang ay kilala natin bilang isang konserbotibo at may wagas na pagmahal sa kanilang anak at dahil na din sa ganito ay nagagawa nilang maghigpit sa kanilang mga anak. Kaya naman minsan ay kinaiinisan ito ng kanilang mga anak at hindi nauunawaan. Para sa ating nga magulang gusto nila na palagi nilang alam ang ating mga ginagawa upang mapanatag ang kanilang loob. Nagagalit man sila sa mga minsan nating pagkakamali ay nagagawa nila ito dahil narin sa ayaw nilang mapahamak at may mangyaring masama sa atin. Habang lumalaki tayo at mas nagkakaroon ng maraming nakakasalamuha na tao ay mas lalong di napapalagay ang kanilang loob. Nagagawa rin natin silang mapaiyak sa sobrang pagaalala kapag di tayo nakakauwi ng bahay sa tamang oras at magsisimula na silang magalit at mapagtaasan ka ng boses. Ayaw din nila na palagi kang lumalabas ng bahay kaya minsan ikaw ay tambay lamang sa bahay. Di rin nila gusto na magkaroon ka ng kasintahan dahil para sa kanila sagabal lang ito sa pagaaral. Marahil ay gusto lang talaga nila na mapabuti ka at para sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng magandang buhay. Ang pagmamahal ng isang magulang ay di mahihigitan ninoman dahil sa huli ay sila parin ang hahanap hanapin natin at sila lang ang tunay na makapagbibigay ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Overprotective man sila alam naman natin na pinapahalagahan at mahal nila tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento