My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"Dilag na hindi matutularan Ninuman" - Mary Grace C. Compacion

     "Marami sa atin ay naghahangad ng pag-yaman, subalit paano kung ang dahilan ng pagyaman mo ay hindi kaaya-ayang karanasan?"

      Simula na ng paglubog ng araw, madaling-madali ako sa pag-uwi sapagkat hindi ko na hihintaying magka-aberya sa mendiola dahilan sa hindi pag-usad ng mga sasakyan. Ako si Liza, inosenteng dilag na may puspusang pangarap at pagsusumikap. Bilang isang panganay, estudyante at nagtatrabaho, bukal din sa aking puso ang tumulong sa aking mga magulang sa pinansyal para sa pangaraw-araw naming pangangailangan.

      Sa kalagitnaan ng trapiko rito sa Recto naisipan kong bumaba na lamang at baybayin ang mga makukulay na mga bombilya rito. Bilang isang dilag hindi na bago sa akin ang mga nakikita ko tuwing pag-gabi rito sa Recto. Maraming nag-aabang na mga dilag at 'sing kapal ng semento kung makapaglagay ng kanilang kolorete sa kani-kanilang mga mukha at maging sa kanilang katawan, wari'y naghahanap ng pampainit sa kanyang katawan.

       Sa hindi inaasahan napatulala ako't napaisip, paano kung ako ang nasa sitwasyon ng babaeng ito? "Di ako matatanggap ng aking pamilya kapag nalaman nilang ganito ako" Sagot ko na lamang.

     (Pero makalipas ang ilang buwan)

     Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit binigyan ako ng mabigat na pagsubok ng ating Kataas-taasan. Ang Ina ko ay kaawa-awang nakahimlay sa kanyang higaan sapagkat sa kaniyang lubhang karamdaman na dinadala, at ang Itay ay hindi ko rin lubos maintindihan kung bakit kami iniwan. Samantala ang aking mga kapatid hindi naman maasahan sapagkat mga musmos pa lamang at wala pang alam sa buhay.

      Dahil hindi sapat ang pera ko para tustusan ang mga pangangailangan sa bahay, wala akong ibang naging desisyon kundi ang bumaybay sa Recto kung saan alam kong mabilis ang pagdaloy ng pera sa aking mga kamay, napilitan akong gawin ang lahat-lahat kahit na pa alam kong mali, alang-alang lamang sa aking Ina.

      (Makalipas pa ang ilang buwan)

       "Totoo nga pala ang sinasabi nila, na isang beses mo lang subukan hindi mo na kayang pigilan" Para bang bisyo.

Tagapagsalaysay:
          Si Liza isang babaeng inosente at sa kaniyang murang edad, napilitan siyang gawin ang bawal. Ngunit siya'y tao lamang at natutukso rin sa maraming bagay, malalaman natin ngayon na si Liza ay kumakapit parin sa patalim para naman sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid at matustusan lamang ang mga ito, habang siya matagal ng huminto sa pag-aaral at ang mahal niyang Ina ay sumakabilang buhay na. Di naglaon din may lalaking nagpatibok sa kaniyang puso -lalaking ubod ng yaman at tinanggap ang buo niyang pagkatao hanggang sa ito'y naging kaniyang nakatuluyan.

 "Sabi nga nila, hindi sa materyal na bagay o sa panlabas na katauhan mo makikita ang tunay na pagmamahal bagkus ito'y parang espiritu na hindi mo makikita, ito'y kusa mong nararamdaman at bukal sa iyong puso't isipan".


  Pagtatapos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento