My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Inspirasyon Ng Bagong Henerasyon" - Caperlac, Rizza M.


         Bagong henerasyon, bagong inspirasyon. Mga kabataang pag asa ng bayan, epektibo pa ba ito sa ngayon?
      Ikaw, ako, sila, tayo sa madaling sabi, ang kasalukuyang henerasyon. Artista, teknolohiya, kasintahan, kaibigan, pamilya, pangarap, Diyos at kung anu ano pa. Ito ang ilan sa mga inspirasyon ng henerasyon natin sa ngayon. Ang mga karaniwang kabataan ay may inspirasyon gaya ng kanilang mga iniidolo na artista, inspirasyon nila ito upang magaral mabuti at paminsan pa man ay nagiging inspirasyon nila ito sa kanilang estilo ng pananamit, sumasaya ang mga kabataang ito sa tuwing nasisilayan ang kanilang idolo mapa telebisyon man o personal. Masaya sila sa tuwing may natatanggap na pagkilala o di kaya'y na pifeature ang mga ito sa iba't - ibang programa. Tila naging malaking parte na ng kanilang pang araw araw na buhay ang kani kanilang mga iniidolo. Ang iba naman sa atin ay ginagawang inspirasyon ang teknolohiya gaya nalamang ng telepono, computer, psp, atbp. Nakikita kong ito ang nagpapakigaya sa kanila, karamihan sa atin ngayon ay hindi kayang mabuhay kung wala ang anilang sariling cellphone. Pag kagising sa umaga ay ito kaagad ang inaatupag imbis na ang magdasal. Malaking impact sa aming mga kabataan ang pag gamit nito. Ang iba ay naadik sa mga video games, o online games katulad na lamang ng dota, karamihan sa kabataang lalaki ngayon ay nahuhumaling dito, nakakalimutan na nilang kumain sa tamang oras at paminsan pa nga'y nagagamit nila pang computer ang mga pera na hindi dapat ginagastos doon. At gaya ng kasalukuyang ganap ang karamihan ay naiinspire sa kanilang iniibig sapagkat ito ang nagbibigay ngiti sa kanilang mga labi at nagbibigay dahil kung bakit kailangan nilang bumangon sa araw araw. Pagmamahal na maituturing ang kanilang mga nadarama, nakakatuwang isipin na sa murang edad ay natutunan na nila ang magmahal. Ang iba naman sa amin/ atin ay inpirasyon ang kani kanilang mga kaibigan, mga kaibigang kasama na nila magmula pa ng sila ay bata pa. Mga kaibigang maituturing na kapatid na. Mga kaibigang nag inspayr sa kanila upang pagbutihan ang pag aaral nila. Mga kaibigang msasabi mong totoo. Pamilya, isa ito sa mga pangunahing inspirasyon ng marami sa atin. Nagsusumikap ang marami sa ating maka pagtapos ng pag aaral at makakuha ng magandang trabaho nang sa gayon ay mabigyan ng magandang buhay ang ating bawat pamilya. Sila ang ating lakas. Isa rin sa ating inspirasyon ay ating mga pangarap. Nagsusumikap tayong mag aral mabuti para sa ating pangarap. Pangarap na sana'y hindi lang hanggang pangarap. Diyos, ito ang ating top priority sa ating inspirasyon, na kung hindi dahil sa Dakilang Ama ay hindi tayo mangangarap. Nandiyan siya palagi upang tayo ay tulungan. Ako mismo sa sarili ko, Siya ang aking pinaka unang insipirasyon kung bakit ako nag aarl mabuti, Siya na aking lakas at ang aking lahat lahat.
    Kay dami na nga ng mga pagbabagong nagaganap at mga bagay sa ating bansa ngayon na kung saan ito ang nakikita kong malaking impluwensya sa mga kabataan ngayon. Hindi naman masama magkaroon ng kung ano anong inspirasyon ang sa akin lamang ay alamin natin ang ating mga limitasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento