PLUMA
Deo Ligpit
Isa sa
mga una kong naisip na tema ay ang pagsusulat. Maninit at maingay ang silid na
aking kinaroroonan. Kasabay pa riyan ang mga kaklase mong nagbubungisngisan at
nakikipagtalastasan sa mga bay na walang kwenta. Gayunpaman ay hindi ko ito
pinagkaabalahang pansinin at nagpaytuloy ako sa pagsusulat. Isa lang ako sa mga
estudyanteng may katamaran pagdating sa pagsusulat lalo na kapag ang isang
propesor ko ay nagsasagawa ng kanyang aralin. Mas pinipili kong makinig kesa
mag-abalang magsulat ng bawat sinasabi. Kung inyong bubuklatin ang aking mga
notebooks ay konti lamang ang nakatala rito. Mas pinagtutuonan ko ng pansin ang
mga mahahalagang bagay na sa tingin ko ay mabebenepisyuhan ako. Hindi ako
matalinong estudyante ngunit isa lamang ako sa mga taong may pangarap sa buhay.
Katunayan isa akong self-supporting
student. Habang nag-aaral ay gayon namang nagtatrabaho sa tuwing walang
pasok sa eskwela. Mahirap ngunit kinakaya ko naman, Ganyan naman tayong mga
Pilipino, matiisin. Oh siya hindi ko gawaing magdrama.
Mas
kinahihiligan ko ang pagbabasa. gaya nga ng nasabi ko, may katamaran ako sa
pagsusulat. Ngunit isa sa mga pangarap ko ay maging isang tanyag na manunulat.
Imposible na atang matupad iyon. Biglang naalalako ang isa sa mga naging
propesor ko noong araw sa De La Salle College of saint Benilde na "Ang
lahat ng bagay ay nadadaan sa pag-eensayo. gawing libangan ito at tiyak ito ay
iyong magiging eksperto". Tumatak ito sa aking isipan hanggang ngayon.
Ngunit mas pinangingibabawan ako ng aking katamaran pa rin. Nakakalokomang
isipin ngunit totoo. Mas labis akong ginaganahng tapusin ang isang bagay sa
madaliang oras kesa sa paglalaan ng mahabang panahon para tapusin ito. Ewan ko
ba at ganoon na lamng ako. Siguro ay mas ginaganahan ako lalong mag-isip sa
paraang mabilisan, rush ika nga. Maibahagi ko lang sa lahat ang aking naging
karanasan noong unang araw ko pagtapak sa eskwelahan.
Una
kong naisulat ng buokong pangalan noong ako'y nasa Unang baitang pa lamang. Nanginginig-nginig
pa ako sa pagsulat na bili ng aking ina sa mercado.
" 'nak ganito oh. Hawakan mong mabuti ang lapis at unti-untiin mong isulat
ang pangalan mo. Dahan-dahan lang baka mapilas ang papel." Wala akong
naitugon sa aking ina ng mga araw na iyon. Ang pagtagaktak ng aking mga pawis
at kabado kong dibdib. "'nak pagnagawa mo ito bibilhan kita ng laruang
tinuturo mo kanina sa tindahan ni auntie maming". Ganyan kapursigido ang
aking ina na matulungan ako sa pagsusulat. Kaya nga't siya ang una kong guro.
magpahanggan ngayon ay hindi-hindi ko malilimot hanggang pagtanda ko. Hindi ko
talaga maisulat ng amayos ang aking buong pangalan. Kung hindi wrong spelling ay kulang ito." Anak sana bukas
ay maisulat mo na ng maayos ang iyong pangalan at pagnagawa mo iyon ay ay may three stars ka sa teacher mo at may reward ka sa akin". Tahimik lamang
ako noon ngunit sa kalooban ko'y punung-puno ako ng galak at motibasyon.
Sa
sumunod na araw ay unti-unti ko nang naisulat ng buo at maayos ang aking
pangalan. Naalala ko pa noon sa napasigaw ako dala ng bugso ng akiong damdamin.
": Anak kaya mo naman pala eh. Hindi mo na kailangan ng tulong ng mama.
Malaki na ang baby ko. Kaya nang mag-isa". Puno ng galak at tuwea ang
aking puso ng mga araw na iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagpupursige sa pag-aaral
hanggang sa magtapos ako sa elementarya na nagkamit ng parangal na Class Valedictorian. Nakakataba ng puso ang mga araw na
iyon. Nakita ko kung gaano kasaya ang aking mga magulang sa nakamit kong
parangal. Isang malaking responsibilidad sa akin ang tumatak sa isipan ko ang
ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa sekondarya. Nagtapos ako ng high school na may parangal at bilang isa sa
mga Outstanding Student of the
Year.
Tuwang-tuwa ako sa tuwing makakakita ako ng isang batang nagsisimulang matutong
magsulat ng kanyang pangalan. Dahil muli kong nagunita ang mga raw na ako'y
nangangapa sa pagsusulat ng aking pangalan.
Ngayong
ako'y nasa kolehiyo na at kumukuha ng kursong Industrial Psychology, napakaraming bagay na ang aking n
atutunanmula sa pagbabasa, pakikini, pananalita at sa pagsusulat. Nakakatuwang
isipin na bilang isang mag-aaral ako ay dumaan sa proseso ng pagkatuto sa mga
bagay na aking napapakinabangan sa aking pagsusunog ng kilay. isa sa mga
natutunan ko sa Akademikong Filipino: Pagbasa at Pagsulat na bilang isang
nangagarap na maging manunulat ay dapat isaalang-alang ang estilo ng pagsulat,
kaisipan na nais ipahiwatig at higit sa lahat ang iyong mga mambabasa.
Ang
pagsusulat ay isang sining na kinakailangang maging malikhain. Tulad ng isang
pintor na inilalapat ang nilalaman ng isip at puso sa isang "Canvas Art"
gamit ang isang paint brush at iba't ibang kulay na siyang
makabubuo ng imahe.
Hindi
naman kinakailangang maging matalino para masabing sa kang magaling na
manunulat. Hindi rin kinakailangang gumamit ng mga malalalim at matatalinhagang
salita para lang magmukhang magaling sumulat. Bilib ako sa mga gurong nagtuturo
ng asignaturang Filipino. dahil isa sa mga natutunan ko sa mga guro ko ay ang
pagiging totoo at simple sa pagsusulat. "Natural writing ika nga. 'Yun bang parang
nagkukwento lang siya sa tuwing mai isusulat. Mas masarap basahin ang mga
ganitong estilo ng pagsulat. Kahit na mabigat at seryoso ang topic, kapag isinulat siya sa paraang
natural ay gumagaan ang pagbabasa. Walang sinusunod na pattern o kung ano mang tawag dun, para sa
akin ay mas okay ang free hand writing". Ika ng isa sa mga naging guro ko
sa Akademikong Filipino.
Isa rin
ako sa mga libu-libong mag-aaral sa nangangarap na maging isang mahusay at
tanyag na manunulat. Naalala ko ang propesor ko sa retorika na si Bob Ong raw
ay hindi isang manunulat. Kundi grupo ito ng mga manunulat sa Unibersidad ng
Pilipinas. Palaisipan tuloy ito sa aking isipan. Magmula nung high school ako ay nagbabasa na ako ng mga
aklat ni Bob Ong. Nalilibang ako sa tuwing binabasa ang kanyang mga gawa. Isa
sa mga tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang binitiwan ni Bob Ong sa
kanyang aklat na "Stainless Longganisa". Ito ang katagang aking nabasa
" Nagtatae ngayon ang ballpen ko. At hawak mo ang basurahan", maaring
kung literal mo itong sasagutin ang imposibleng sagot na
manggagaling sayo ay.. “Pwede mo naming itapon ito sa basurahan at bumili ng
panibago” . Ngunit kung ating uunawain ang katagang ito, malaki ang maaring
maitulong nito sa ating pag-aaral. Halimbawa na lang, kapag sinabi ng iyong
guro na magbigay ka ng mga impormasyong maaaring makatulong sa inyong mga
gawaing pampaaralan, ikaw ngayon ang kakatawanan ng nagtataeng ballpen na
sinasabi ni Bob Ong dahil tulad nito ay ikaw ay nag-uumapaw sa kalaman at halos
hindi mo na mapigil ang sarili sa pagbulalas ng mga ito samantalang kumakatawan
naman ang basura sa mga taong nakapaligid sa iyo na handing making at hansa ring
itapon ang iyong mga ideya dahil lang sa kadahilanang hindi mo naabot ang
hinahanap nilang impormasyon sa nasabing bagay.
Maaring isa sa ating henerasyon manggaling ang susunod Na Jose rizal na
ginamit ang panulat upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. Tulad din ni Bob ong
na minulat tayo sa katotohanang pilit nating ikinukubli sa likod ng mascara ang
mga bagay na ayaw nating malaman ng iba. Nagsilbing sandata nila ang panulat
upang magising ang mga natutulog na diwa ng mga pilipinong babasa ng kanyang
mga aklat. Magmula ng mabasa ko ang kanyang aklat, nagkaroon na ito ng isang
malaking tulong sa aking buhay at nagturo din ito ng mahalagang leksyon.
Nalaman ko noon palang talagang may mga pasaway ng tao msa Pilipinas na nagpupumilit
na itama ang kanilang mga pagkakamali para lamang pagtakpan ang kapalpakan sa
buhay. Natutunan ko din na dahil sa mga kamalian ng bawat isa, mayroon pa din
tayong makukuhang bagay mula doon.
Kaya panulat o Pluma ang aking pamagat para ditto dahil maraming bagay
ang nagagawa ng isang panulat sa buhay ng tao, hindi lang ito basta-bastang
panulat ito rin ay maaaring maging sandata at pananggalang sa mga taong
kumakalaban sayo. At kung ayaw mong gamitan ng dahas ang pakikipag-talo sa kanila,
gamitin lamang sa wasto ang salitang isusulat. Ako ay nasa simula pa lamang ng
aking paglalakbay. Kaya’t sisiguraduhin kong wala akong malalagpasang
pagkakataon habang inaabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento