My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"SALAMIN" - Larraine S. Bayan


@ginoongAdrian: Sir ngayon ko lang po ito na pasa dahil nagkamali po ako ng lagay kagabi maraming salamat po sa pangunawa



May limang magkakaibigan, sila ay sina Lyka, Jane, Kyla, Aira at Anna.
Mahilig silang mag ayos ng mga sarili na akala ng lahat ay wala nang bukas. Sila na magkakaibigan na gandang gandang sa srili at maya't maya'y tingin ng tingin sa salamin, mahilig din silang mangutya ng ibang tao.
Habang nasa eskwelahan sila, ang magkakaibigan ay nagkayayaan gumala. "Mga nagagandahan kong mga kaibigan, halina't gumala tayo dahil wala naman na tayong klase." Nagyayayang sabi ni Anna.
Bago sila ng eskwelahan ay dumiretso muna sila sa palikuran upang mag ayos ng kanilang sarili. Ang mga magkakaibigan ay todo mag ayos sa kanilang mga mukha tulad na lamang ng paglalagay ng makukulay na bagay sa kanilang mukha. Lumabas ang magkakaibigan at naglakad palabas ng eskwelahan. Habang nag aantay ng masasakyan, ang magkakaibigan ay nagtatawanan at malakas na nag kekwentuhan.
"O sige! Saan tayo pupunta?" Sagot naman ni Lyka, Jane, Kyla at Aira. Anna: Kahit saan basta gusto kong gumala. Nang makasakay ng jeep ay may isang bata ang namalimos. "Pahingi naman po ng barya, pang bili lang po ng tinapay." Nagmamakaawang tinig ng bata.
"Mabuti pa ingatan na lang natin ang mga gamit natin at baka mawala pa." Mapanghusgang sabi ni Lyka.
Biglang nagbulungan ang magkakaibigan at tila ba naiilang sa bata. "Kadiri naman yung bata napaka dumi." Bulong ni Aira sa kanyang mga kaibigan. "Oo nga eh! Parang walang magulang." Dagdag naman ni Jane. "Nako pabayaan na lang natin yan." Sabi naman ni Anna.
Biglang kinuha ni Jane ang kanyang salamin sa kanyang bag.
Ang batang namamalimos ay bigla din bumaba. May isang simpleng babae ang sumakay. Tinitigan ng magkakaibigan at maya maya ay nagbulungan. "Tignan mo iyon." Pasimpleng bulong ni Anna kay Aira. "Mas maganda tayo dyan.: Natatawang sagot ni Aira. "Mas maayos naman ang itsura natin kaysa sa kanya." Biglang singit ni Kyla.
Makalipas ang isang oras na byahe ay nakarating din sila sa kanilang pupuntahan. Gumala at namili sila sa loob ng mall, kumain sa isang sikat na fast food. Bago sila umalis ng mall ay nag ayos muna sila ng sarili. Sa tuwing tumitingin sila sa harap ng salamin ang lagi nilang sinasabi ay maganda sila. Nang matapos ang kanilang pag gagala ay napag desisyunan ng mag kakaibigan na umuwi na.
"Tignan nyo naman ang sarili nyo sa salamin diba mas maganda tayo sa kanya. Nako Girls." Pagmamalaki ni Jane. "Oo nga naman." Sagot naman ni Lyka.
Nang makarating sa kanilang mga bahay ay bigla na lang napagisip ni Jane sa harap ng salamin ang kanilang mga ginawa sa kanilang mga kapwa. Naisip ni Jane na mali pala ang mag damot sa nangangailangan at manghusga ng kapwa. Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan at ikinwento lahat. Sinabi ni Jane na "Hindi sapat ang panlabas na anyo ng tao para husgahan ito." at "Ang nakikita lamang sa harap ng salamin ay ang panlabas na kaanyuan at hindi ang kagandahang loob ng isang tao."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento