My Blog List

Miyerkules, Setyembre 23, 2015

               Ako Bilang Anak-Gilline Ancheta


          Nung iniwan kame ng aking ama nung ako ay labing tatlong taong gulang natuto kameng magtinda ng hung ano-ano. Hindi namen inisip na mahiya dahil marangal naman ang pagtitinda. Tumulong kame sa aming ina na magtinda sa palengke, pati paglalako ng mga prutas ay naranasan nameng mag kakapatid. Labing anim na taong gulang pa lang ako at nasa ika apat na taon sa sekondarya ng una akong magtrabaho sa isang pabrika, maliit lang ang sahod dun pero masaya naman magtrabaho at lahat ng sinahod ko ay napunta sa aking ina. Nang ako ay makapag tapos ng sekondarya, huminto ako sa pag aaral dahil sa kakapusan ng pang pinansyal. Hinintay ko ang ika labing walong taon ko nag pasya akong mag aply sa isang siomai house. Binigay ko din ang lahat ng sahod ko sa aking ina. Hindi rin malaki ang sinhod ko dun. Kaya nagpasya ulit ako na mag aply sa ibang kompanya. Hanggang sa naging scooper ako ng SELECTA Ice cream. Nag umpisa akong makapag pundar ng mga gamit at nakatulong din ako sa puhunan ng aking ina sa kanyang tindahan. Naging maganda ang trabaho ko dun kaya nag tagal ako ng mahigit isang taon. Nang magpasya ang amo ko na tumigil sa negosyong yun, ay napilitan ako mag apply ulit sa ibang trabaho. Nakapasok ako sa SM Supermarket bilang merchandiser/butcher Nagtagal din ako dunng halos dalawang taon. Nakapag pundar ako ng mga gamit appliances dahil malaki ang sahod doon.

         Nag karoon pa ako ng iba't ibang trabaho, natuto ako na maging isang pushgirl (nag aalok ng mga produkto sa mga customer na dumadaan). Nang una nahihiya ako na mag push hanggang sa nasanay na ako at naging makapal ang mukha ko. Nasanay ako sa ganong trabaho kaya naging madali na sa akin ang pag pasok sa pagiging merchandiser/pushgirl. Sa loob ng anim na taon na pag tatrabaho ako sa ganun ay nakatulong ako sa aking ina at nakapag pundar ng ilang gamit para sa aming bahay. Nakatulong din ako sa mga pinansyal na gastusin. 

         Hindi din ako naging isang mabuting anak, nagrebelde ako aking magulang ng ako ay tumuntong ng dalawamput isa. Pero kahit nag rebelde ako sinigurado ko na nakapag bigay ako. Naging masaya ako na nakatulong ako sa aking ina sa pinansyal. Hindi din naging madali ang naging buhay namin mag kakapatid. Kaya nag sisikap kame sa araw-araw..

Martes, Setyembre 8, 2015

Gulong ng Buhay- Mayie San Mateo



Sabi nila ang buhay ay parang isang gulong na kung su’swertihin ka, ay nasa itaas tayo at kung hindi naman ay mararamdaman natin ang pagkasadlak natin sa lupa. Kagaya na lamang ng mga taong nalululong sa masamang bisyo. Marahil ay malaki ang suliraning kanilang dinadala o kinakaharap sa kasalukuyan, maaari ring ito’y minsan lamang nilang sinubukan ngunit hindi na maalis sa kanilang sistema at kinalaunan ay palagi nang hinahanap hanap ng kanilang katawan.

Si Angela, oh hindi ba ang ganda ng pangalan tila anghel kung tutuusin.  Isang ordinaryong babae, 22 taong gulang at pangalawa sa pitong magkakapatid. Sa tuwing mapapadaan kami sa tapat ng kanilang tahanan “Walang hiya ka talaga! Wala kang kwentang anak!” sigaw ni aling Lilybeth, ina ni Angela. “Bakit? May kwenta ka bang ina? “ Tugon naman ni Angela. Mga ilang ulit na rin namin naririnig ang ganitong sagutan sa pagitan ng mag-ina. Sanay na rin ang mga kapitbahay sa ganitong uri ng scenario sapagkat hindi na ito bago sa lugar namin. Nakakahiya mang sabihin ngunit normal na ito dito sa lugar na halos puro mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang naninirahan kabilang na an gating bida sa kwentong ito.

Kagaya ng aking sinabi tulad mo, tulad ko at tulad nating lahat ay nagmamahal din ang kagaya ni Angela. At nagkataon lamang na sa maling tao siya umibig. Bakit ko nasabing maling tao? “Tikman mo lang ito, kung talagang mahal mo ko susubukan mo. Diba mas maganda kung jamming tayo?” Sabi ni Christian, nobyo ni Angela. Tila nakaramdam siya ng hiya at galit sa sinabi nito, ngunit ‘di kalaunan ay sinubukan niya na ring gumamit ng ipinagbabawal na gamot kasama ang kanyang nobyo. ‘Di nagtagal ay halos araw-araw ay ganito ang kanilang ginagawa sapagkat sa iisang bubong na rin sila naninirahan at hindi na niya maialis ang ganitong gawain.  Tila hinahanap ng kanyang katawan ang epekto ng gamot dahil na rin sa kakaibang pakiramdam na idinudulot nito sa kanya. Parang nawawala ang lahat ng suliranin na kaniyang dinadala sa tuwing nasa ilalim siya ng nasabing gamot.

Lumipas ang mga araw, “Walang nhiya ka! Babaero ka! Binigay ko sa’yo lahat tapos heto ang iganganti mo sakin ?!! Magsama kayo ng babae mo!” sabi ni Angela sa nobyo sabay alis pabalik sa tahanan ng ina at doon naglagi ng ilang buwan.


Makalipas ang tatlong buwan ay nakilala naman niya si Bernard na isang family driver dito rin sa lugar naming. Hindi tulad ni Christian, ‘di hamak na mas matanda ito ng ilang taon kay Angela. Sa katunayan, 58 taong gulang na ang nasabing lalaki, biyudo at walang bisyo. Sinuyo siya at itinira sa maayos na tahanan. Binibigyan din siya nito ng salapi. “Okay lang sa akin ang gumastos mapasaya ka lang.” Tila seryoso ang matanda, “Salamat Bernar.” Tugon ni Angela. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumalik si Christian at muli siyang sinusuyo. “Angela, bumalik ka na. Mahal na mahal kita at pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko.” Sabi nito, “Huli ka na, mahal ko si Bernard at hindi ko siya kayang saktan.” Sagot ni Angela. “Mahal mo nga pero mahal ka ba niya?” Patuloy ni Christian, na nagpatahimik kay Angela. Binalikan ni Angela si Christian ngunit kasabay nito ay hindi nya pa rin iniiwan si Bernard dahil sa mga nakukuha nitong salapi mula sa matanda. Ai ito din ang dahilan nang pagtatalo ng mag-ina.

Bumalik sa dating gawain ang magnobyo. (paggamit ng pinagbabawal na gamot.)
Hindi nagtagal ay nahuli sila ni Bernard na siyang naging dahilan uoang pumili si Angela sa kanilang dalawa. “Mamili ka Angela! ako o yang lalaking yan?” Tanong ni Bernard. “Patawarin mo ako pero mahal ko si Christian.” Sagot naman ni Angela. Pinili niya si Christian dahil na rin sa sobrang pagmamahal dito. Tama kaya ang naging desisyon ni Angela? Makakabuti nga ba para sa lahat ang naging desisyon niya?

Lumipas ang mga araw at buwan na ganun at ganun pa rin ang ginagawa nina Angela at Christian. Madalas magtalo ang dalawa lalo na kung parehong nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot.

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring ganitong mga eksena sa lugar naming. Hindi na rin ito bago para sa mga kapitbahay. Isinasawalang bahala na lang naming ito dahil maging ang mga alagad ng batas ay gumagamit din nito at kasabwat sa ganitong gawain. Kadalasan nga ay sila pa ang nag uumpisa nito.Masakit mang aminin ngunit ganito talaga dito sa bansa natin. May mga itinuturing na leader ngunit kadalasan ay sila pa ang pasimuno ng mga masasamang gawain na nagiging dahilan upang maging mahirap ang ating bansa.

Si Angela, isa lamang sa mga biktima ng maling desisyon at gawain. Marami pang iba na mas malala at mahirap bigyan ng solusyon. Mga biktima ng gulong ng kapalaran. Malay mo bukas nasa ibabaw na siya dahil makikita niya at maliliwanagan siya at tamang landas na ang pipiliin niya.
September 7,2015
Jomaria G. Carandang

      ''MUKHA''

   Kilala ang Laguna sa mga magagandang hotspot pero bukod dun may isang Bario na katangitangi. Sa Bario Matuto maraming tao ang naninirahan dun,bukod sa maraming mapapagkukunan ng likas na yaman may isang tao na napaka pamilyar sa kanila,si mayet.Bata pa lang siya ay arami na siyangnapapansin sa paligid niya pero binabaliwala nya lahat ng yun,at habang nagkakaedad ay mas namumulat siya sa totoong nangyayari sa bahay nya .Bata palang siya ng namatay ang mga magulang nya nang dahil sa isang aksidente sa eroplano at naatake sa puso ang piloto.Nasa edad siya na 18 ng namatay ang mga ito at walang kamaganak ang tumulong sa kanya,binuhay nya ang sarili sa pagtatarabaho habang nagaaral,mahirap para sa kanya pero pursigido talaga siya.


ALING EBETH: mare si mayet yun diba
-anong ginagawa nya kaya?

ALING DADA: baka binubugaw nya ang sarili nya?


     (ilan lang sila sa mga mga dakilang tsismosa sa baryong iyon.)



   Maraming iniisip si mayet at di na nya alam kung ano ba ang dapat gawin sa buhayil sa mga kamaganak nya ana ipinagtabuyan siya at di manlang siya tinolungan\
 at nang dah nya,habang nagiisip siya ay dumating ang matalik nyang kaibigan na si carlo.

Carlo:babae,anong iniisip mo?

mayet:anjan kana pala,
-ano ang dapay kong gawin?,gulonggulo na ako sa bahay ko

carlo:alam kong di perpekto ang buhay at alam kong makakaya mo ang lahat ng mga probleme mo,an.g dapat mo lang gawen ay pakawalan ang galit jan sa uso mo,alam kong kayo mong gawin yan at tutulungan kita.

     Habang nagiisip isip siya akkung ano ang dapat ay nakatulugan na nya ,at kinabukasan ay nggayak siya ng gamit at agad na lumuwas ng maynila.Nang nakasakay na siya ng bus ay di nya namalayan na nakalampas na ito.Tanghali nang nakarating ito sa bahay ng tiya tessanya at pinapasok siyang katulong at ng mahagip ng mata ng tiya nya siya ay agad siyang niyakk ng tiya,pero nangmakaalis ito ay agad siyang kinausap at sinabing pakitang tao lag daw ang ginawa ng tiyahin nya.

      Ilang araw siyang nanirahan upang doon ay makahanap ng trabaho,lumipas ang mga araw,buwan at taon ay nakapagaral siya at nakapagtapos ng pagaaral sa kursong abogarsya.Masasabing di talaga perpekkto ang buhay pero mas pinili nyang magpakatatag.

Lunes, Setyembre 7, 2015

MASKARA - Joey C. Ibañez


"Lasing kana naman! kung ganito ka na lang palagi, mas mabuti pang tapusin na natin to! umuuwi kang walang dalang pera, lasing pa!"

pagpasok mo ng bahay, ganito agad bubungad sayo! nakakatamad umuwi!

Pagtingin mo sa mesa, walang pagkain. Tutong pa ang kanin! Diyos ko,
Ganito na lang palagi! Kaya nakakatamad umuwi!
Nilagay ko na lang agad yung bag ka sa lagayan.
Matutulog na lang ako kesa makita ko yung mga nagliliparang gamit dulot ng pag- aaway nila.


Masaya mabuhay, kaya
 Spread the love!
                            -sent


Lex: Masaya kana naman? Para ka talagang walang Problema! nakakahawa ka.

Text sakin ng kaklase ko, wala akong best friend, close friend ko lahat. Bakit? wala lang siguro sabik lang sa pagmamahal ng ibang tao.

Ako: Siyempre naman! Ako pa ba?
                                             -Sent

Tinago ko na ang cellphone ko. Tama na ang libo-libong pagpapanggap ko ngayon araw!
Bigyan ko naman ng pagkakataon ang sarili ko para magpakatotoo.

Di ko magawang sabihin sa iba ang nangyayari sa pamilya ko sa buhay ko! Dahil sa bawat tawag pinapakita ko sa ibang tao, lugmok na lugmok naman ako sa kaloob- looban ko. Andami kong payong binibigay sa kanila, Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawa para sa sarili ko. Sabi nga nila nakakahawa ang mga tawa ko, bakit ko pa babaguhin kung alam kong nakakapagpagaan ako ng kalooban nila?

. . . . . . . . . kahit pa nasasaktan ako.

"BEKI" - Christian M. Balino

               Bakla, Bading, Bayot, Beks at Beki, yan ang karaniwang tawag samin ng nakararami. Bakit nga raw ba nagkaroon ng Beki o Bakla? Sabi ng iba dahil daw to sa kinakain okaya naman  sa hangin, sabi naman ng iba ginawa daw kami ng demonyo kasi wala naman daw ginawa ang diyos na Bakla. Eh Bakit naman daw dumarami ang Bakla eh hindi naman ito nanganganak? Sabi nila nahahawa daw na parang Epidemya  yung tipong malawayan ka lang baon ay Bakla ka nadin Bukas. Pero para saakin nagiging bakla ang isang lalaki dahil sa environment nya, sa mga pinagdaanan nya, sa sitwasyon ng buhay at pamilya nya, sa takbo ng utak at tibok ng puso nya Parang ako….
               
               Ako si Philip Montelino, Labing pitong taong gulang kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong edukasyon, Bunso sa apat na magkakapatid na may dalawang babae isang lalaki at isang alanganin, at apat na taon nang aminadong Bakla. Bata palang ako alam ko na na hindi ako normal katulad ng ibang lalaki pero pilit ko itong pinipigilan at dahil bata pa ako ng mga araw na yon takot pa akong aminin kung ano talaga ang tunay na ako at sa diskriminasyong kakaharapin ko kaya ilang taon di akong nagtago pero hindi maiiwasang mapansin ng ibang tao ang pagiging malambot ko lalo na’t puro babae ang  kasama ko, noong bata palang kasi ako ayaw ko na nakikipag barkada sa mga lalaki pakiramdam ko laging may gulo ata katarantaduhang mangyayari sakin kapag puro lalaki ang kasama ko kaya puro babae at kapwa ko malalambot nalang ang kinakaibigan ko at iyon ang naging dahilan para lagi akong kutyain ng mga kaklase ko yung iba naman ay hindi maiwasang magtanong kung lalaki ba talaga ako pero ang lagi kong sagot “Lalaki ako at ayokong maging Bakla”. Sa katunayan nga ay nagkaron pa ako ng Girlfriend noong ako nasa ika-anim na baitang pa lamang sa elementary  Nagkakagusto pa ako noon sa babae , Alam nyang mahal ko sya at alam ko na mahal nya ako sabay pa nga kami noon pumasok sa eskwela pati narin sa miryenda, pag-uwi at minsan pag-tambay sa tapat n gaming bahay. Akala ko siya na yung makakapagpabago saakin , akala ko sya na ang magiging dahlia para sabihin kong isa talaga akong tunay na lalaki…. Hindi pala. Nakipag-hiwalay din sya sakin dahil sa sinabi ng kuya nya na Bakla ako at kahit kalian ay hindi ko sya makakayang ipagtanggol dahil mas malambot pa ako sakanya. Masakit pero hindi dahil do’n  ay mawawalan na ako ng pag-asa na humanap ng iba na mamahil ako, kaya eto nagtyaga akong manligaw ng iba pero parang mas  naging masakit ang mga sumunod na nangyari, puro rejection ang inabot ko at hindi lang ‘yon puro pa paninira at panlalait ang inabot ko sa mga babaeng niligawan ko kesyo panget, mataba, paminta  at madami pang masasakit na salita na nakasira ng imahe ko sa ibang tao. Wala naman akong ni kapiranggot na ginawang masama sa kanila para gawin nila saki ‘yon. Noong mga panahon na ‘yon pakiramdam ko walang kayang magmahal sakin, sobrang panget ko. Pakiramdam ko din na lahat ng tao sa paligid ko ay nilalait ako at mukang nakakatawa sa paningin nila yung pakiramdam na busted ka na nga sinisiraan ka pa sa maraming tao. Kaya dahil do’n hindi na ako nanligaw ng babae sa takot ko na mangyari ulit saakin yo’n o baka mas malala pa.

               1st year High School, tapos na ang pagmumukmok at handa na akong baguhin ang sarili ko, kung ano man yung bagong ako siguro bahala na kung saan ako mas sasaya. Bagong School, bagong uniporme, bagong bag, bagong hairstyle, bagong mga kaklase at bagong kaibigan. isa sa naging kaibigan ko ay si Aljon, isng bakla kung baga sa suka ay Puro sya walang bahid ng pagka-lalaki sa puso nya. Pero hindi sya katulad ng ibang bakla na tadtad ng kolorete sa mukha at lagging gising tuwing gabi, sya yung bakla na tama lang kung maghaharot man sya siguro kapag kami-kami lang magkakaibigan ang magkakasama. Si Aljon lang ang nakapansin na may gusto ako kay Carl, isa sa mga gwapo sa klase namin. Sa totoo lang ay hinahangaan ko talaga si Carl hindi lang kasi sya basta gwapo matalino, talented, mabait at mapagkumbaba din sya, pero hindi pwede ‘yon ayokong maging bakla, natatakot ako sa magiging reaksyon ng ibang tao at ng pamilya ko. Kaya pilit ko itong pinigilan pero ba’t ganon kahit anong piggil ko hindi parin maalis ang paghanga ko sakanya na parang mas lumala pa, dumating yung puntong hindi na ako sanay ng hindi sya nakikita hindi na ko sanay na wala sya sa paningin ko, gusto ko syang makita minu-minuto at kapag nakikita ko sya iba yung kilig na nararamdaman ko. Noong mga araw na yon mas gusto kong mapag-isa para walang nakakakitang umiiyak ako dahil hindi ko matanggap ang sarili ko hindi ko matanggap na nagkakaganito ako at sobrang takot ko na malaman ng pamilya ko, hindi na nga ako kasing talino ng mga kapatid ko magiging bakla pa ako. Hanggang sa naabutan ako ni Aljon na umiiyak sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko ay sinabi ko na sakanya ang dahilan nang tanungin nya ako kung bakit ako umiiyak “Alam mo hindi naman kasalanan ang maging bakla hanggat wala kang ginagawang masama, kung kasalanan man ‘to eh ano naman? Lahat naman tayo nagkakasala diba? Siguro nga tama sila na walang nakalagay sa bibliya na ginawa ang bakla ng diyos pero wala ding nakalagay sa bibliya na sinabi ng diyos na manghusga ka ng kapwa mo, Hindi naman kasarian ang Bakla personalidad ‘to ng isang lalaki. At bakit ka natatakot na malaman ng ibang tao ng pamilya mo? Dahil baka hindi ka nila matanggap? Hindi ka talaga nila matatanggap dahil mismong sarili mo ay hindi mo tanggap. Sundin mo ano talagang sinasabi nyang puso mo at hayaan mong maging masaya ang sarili mo nang hindi nagtatago. Maikli lang buhay wag mong hayaan na sa bandang huli ay magsisi ka na hindi ka naging masaya dahil hindi mo sinunod ang nararamdaman mo” ilan lang yan sa mga sinabi ni aljon  na talagang nagpagising saakin.

               Lahat ng sinabi ni Aljon ang naging dahilan ng pag amin ko sa pamilya ko, Alam na nila na bakla ako pero hanggang ngayon ay hindi parin nila ako magawang tanggapin. Kasabay ng paglantad ko ay ang paglayo ng loob ng pamilya ko sakin, hindi na katulad ng dati na nag-aalala sila sa tuwing uuwi ako ng hating gabi. Napansin ko din ang biglang pag-iba ng trato nila saakin tulad nalang kapag nagtatalo kami ng mga kapatid ko na kahit ako ang nasa katwiran ay lagi parin akong pinapagalitan at ang masakit pa do’n ay pinagkukumpara ako ng magulang ko sa mga kapatid ko sa harap ng ibang tao. Pakiramdam ko wala na akong kakampi at wala nang nagmamahal sa’kin, Buong akala ko ako lang ang nakakaramdam ng gano’n halos lahat pala ng kaibigan kong bakla ay gano’n din ang nararamdaman pero kahit malungkot ang kwento ng aming buhay hindi namin ito pinapakita sa ibang tao, ayaw naming makahawa ng kalungkutan at makadagdag pa sa problema ng ekonomiya kaya kahit malungkot pinipilit padin naming maging masaya para maging masaya din ang iba, Ang sarap kaya ng pakiramdam na nakapag-pangiti ka na ikaw yung dahilan kung bakit sila Masaya at kung bakit nakakalimutan nila ang problema nila. Doon kami bumabawi ng atensyon na hindi naibigay ng mga mahal namin sa buhay .


               Ngayong 1st year college na ako kahit mahirap magpa-aral ng sarili dahil umalis na ko sa puder ng mga magulang ko, hindi ko na kaya Makita o maramdaman ang pambabalewala ng magulang ko saakin, mas mabuti nadin siguro ang ganito makakabawas pa ako sa problema ng magulang ko , sabi pa nga ng pinsan ko at ng kapit bahay namin hindi naman na ako hinahanap ng pamilya ko. 2nd year na ako sa susunod na taon , Nakaipon narin ako ng pang-matrikula ko sa buong 2nd year  dahil bukod sa pagiging crew ko sa isang sikat na fast food restaurant ay nag papa-order din ako ng ibat ibang klase ng kolorete sa mukha, damit at marami pang iba para mas malaki ang naiipon ko. Malungkot man na mag-isa nalang ako sa buhay pero ang importante ay masaya ako dahil sinunod ko kung ano talaga ang sinasabi ng puso ko.

           

      Buhay Irregular Student - Jane Mendoza
                  Mahirap na masaya ang maging isang iregular na mag - aaral. Mahirap sapagkat madaming conflict sa iskedyul. Minsan hindi mo kaya makipagsabayan sa klase . Madalas din na nahuhuli sa klase dahil sa mga pabago- bago. Idagdag pa ang pagkakasabay - sabay ng pagsusulit. Minsan may mga asignatura kang kailangan isakripisyo para sa isa pang asignatura na sa tingin ko ay mas mahalaga.
                  Masaya din naman dahil may mga bago kang nakikilala at nagiging kaibigan . Mas nadadagdagan yung lakas ng loob mo na makisalamuha sa ibang tao.
                   Isa akong iregular na mag - aaral. Lumipat ako sa " College of Arts and Sciences noong ako ay nasa ikalawang taon na. Nanggaling ako sa "College of Hospitality Management . Nagkaroon kami ng problema sa pera kaya kinailangan kong lumipat. Kumuha ako ng kursong " Industrial Psychology ayon na din sa kagustuhan namin ng Tita ko na siyang nagpapa-aral sa akin ngayon.Noong una sobrang hirap na hirap ako.Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit .Hindi ko alam kung paano ako makikisalamuha sa mga bagong tao sa paligid ko. Nilakasan ko na lang ang loob ko at sa awa naman ng Diyos ay nakaya ko.
                    Lumipas ang ilang linggo at unti - unti na din akong nasasanay.Nararamdaman ko na yung pagtanggap ng mga tao sa akin.Ngayon sanay na ako. Madami na akong kaibigan. Natuto na din ako kung paano magdesisyon ng tama . Kung paano pahalagahan ang oras.

Sa Kabilugan ng Buwan - Emarimar Palma

Si Arnel ay isang matipunong lalaki na mangangahoy sa kagubatan sya ay may taas na 5'11 at may kahabaan ang buhok. Sa hitsura ay talagang may sinabi si Arnel at masasabing gwapo ito na pwedeng maikumpara sa mga modelo sa maynila. Si Arnel ay nag-iisang anak at ulila na sa magulang sya ay naninirahan sa isang liblib na probinsya sa Bohol.may sariling kubo at lugar kung saan ginagawa nyang magagandang kagamitan ang mga nakukuhang kahoy.Ito ang pangunahing hanap buhay at pinagkakakitaan ni Arnel bukod pa sakanyang pagiging "tour guide" paminsan-minsan kapag may mga turistang nagagawi sa kanilang lugar. Si Arnel lng ang bukid tanging nakukuhang "tour guide " sa kanilang lugar dahil sya lamang ang may lubos na kaalaman sa kagubatan.  
Si Sandra ay isang anak ng isang mayamang negosyante na nag mamayari ng mga bangko sa maynila.si Sandra ay may magandang hubog ng pangangatawan at ang kanyang vital statistics ay 36'24'34. Si Sandra ay may taas na 5'6 at aktibo ito sa mga pisikal na gawain mahilig ito sa mga pag-akyat ng bundok at mga adventure na may kinalaman sa kalikasan. Si Sandra ay nakapag lakbay na sa ibat-ibang bahagi ng mundo at isa pa sa mga hindi nya napupuntahan ay ang Bohol. Nagpaplano na si Sandra na magpunta dito ngunit gusto niyang isama ang kanyang nobyo at matalik na kaibigan.  
Si Gerald ay isang negosyante sa maynila ang kaniyang negosyo ay ang pag bebenta ng mga sasakyan nakilala nya si Sandra dahil nangutang Ito ng kapital para sa kanyang negosyo, kung hindi dahil kay Sandra ay hindi ito makakahiram ng malaking halaga dahil kulang ang requirements nito para sa malaking halagang hinihiram. si Gerald ay maputi at may tangkad na 5'10 hindi masyadong matipuno ang kanyang katawan dahil mahilig itong gumimik at uminom ng alak at nasanay na ito sa night life .Hindi din mahilig sa physical na activities si Gerald dahil ang tanging hilig lamang niya ay ang pag party kasama ang mga barkada.
Si Lea ay ang matalik na kaibigan ni Sandra nagsimula silang maging mag kaibigan nung sila ay nasa hayskul pa. Iskolar si Lea sa paaralang pinapasukan ni Sandra at kinalaunan ay naging empleyado nila Sandra ang kaibigan. Si Lea ang palaging kasama sa mga adventure ni Sandra. Si Lea ay simple lamang ngunit matalino sya at may katamtamang hubog ng katawan ngunit malaki ang hinaharap  
...Lea ready ka na ba ? I will be there in 30 mins make sure na packed na lahat ng things mo ha. Yes Best ready na ako ikaw dont forget your meds ha . Yes best dala ko yung gamot na pang allergy ko. Magkikita na daw tayo nila gerald sa may convenience store before going to the airport . Ok Sandra see you .Ingat ka .  
... Sa convenience store kung nasaan sina Lea at Sandra ...Hi Girls sorry I'm late may tinapos lang ako before going in.. Let's Go.
(Manila to Bohol Via Philippine Airline) Dumating na nga sina Sandra, Lea at Gerald sa Bohol... sinalubong na sila ni Mang kiko na maghatid sa kanila aa probinsya Almeda kung saan aakyatin nila ang Bundok Hiwaga.

Ang bundok hiwaga ay tinawag na bundok hiwaga dahil sa nababalot daw ito ng kung ano-anong hiwaga na hindi maipaliwanag ninuman. Ang bundok hiwaga ay matatagpuan sa dulo ng kagubatan na tinitirhan ni arnel
  Oh yes! Finally! Andito na tayo guys. Tuwang tuwa si Sandra ng makita ang malalaking puno ng kagubatan ng Almeda..
Mang kiko sino po ang sasama sa amin pa akyat ng Bundok? Ah eh si Arnel ho Ma'am si Arnel lang ang makakasama sa inyo dahil siya lang ang may kabisado ng lugar at sya ang may alam kung saan ligtas dumaan paakyat ng bundok ipapakilala ko po kayo sa kanya pag dating natin sa kubo niya.Pag dating sa kubo ni Arnel Nagulat sina Lea at Sandra ng makita nila si Arnel, hindi ito yung tipo ng tour guide na kadalasan nilang nkakasa ma oh my god! Best yan ang tour guide natin? Tanong ni Lea kay Sandra Oo Best! Grabe ha mukhang sulit na sulit ang binayad ko! Ani ni sandra . Ehem! Babe! Ano ba naririnig kita ha! Dont tell me magkakagusto ka sa isang mag-gugubat na kagaya nyan! ..Babe! Ano ka ba sinasakyan ko lng naman itong fantasy ni Lea alam mo naman yan "No boyfriend Since Birth" Oo nga naman Gerald! Pagbigyan mo na ako baka nandito na ang tadhana ko. Hay ewan ko sayo Lea! Mag hahanap ka na lng taga bundok pa ang dami-dami namang lalaki sa maynila
Arnel..Sila pla ang mga turista na sasamahan mo paakyat ng bundok si ma'am Sandra, Ma'am Lea , at Sir Gerald . Ay magandang umaga po sa inyo .. Good morning arnel sagot ni Lea Magandang umaga din sayo sabi naman ni Sandra. Ah pare san ko ba pwedeng ilagay ang mga gamit namin?
Ay dito po sa loob, Ako na ho sir wika ni Mang Kiko.. halina po kayo't pumasok sa loob ipaghahanda ko po kayo ng makakain at ng makapagpahinga na rin po kayo.


Pumasok na sina Lea,Sandra at Gerald sa kubo..
Mang Kiko: Magpapaalam na po ako sa inyo Ma'am Sandra , ay malayo pa ho ang aking lalakbayin pababa ng bayan eh mahirap pong gabihin sa gubat na ito.
Sandra: Sige po Mang Kiko marami hong salamat sa lahat antabayanan nyo na lamang po ang aking tawag kung may kaylangan pa po kami. (Iniabot ni Sandra ang 10,000 pesos na kabayaran kay Mang Kiko.)
Mang Kiko: Ay maraming salamat po ma'am sobra sobra naman ho ata ito .
Sandra: Ok lng yan Mang Kiko! Sge ho ingat kayo.

Arnel: Ma'am , Sir Kain na ho tayo naghanda po ako ng inihaw na Manok at inihaw na Baboy yan lang ho ang maihahain ko sa inyo dahil yan lamang po ang alaga ko dito kung gusto nyo naman po ng ibang putahe ay ibibili ko po kayo sa bayan.
Lea: Ay hindi.. ok na yan Arnel kumakain naman kami ng mga yan .. diba Guys?
Sandra: Oo ok na yan masarap nga yan.
Gerald: Sige na kumain na tayo at ng makapagpahinga na.
Arnel: Oo nga po kaylangan nyo na mag pahinga dahil alas kwatro po tayo aalis paakyat ng bundok

(...Pag sapit ng alas kwatro ng madaling araw kinatok ni Arnel ang kwarto ni Sandra at Gerald)

Arnel: Ma'am Sir gising na po aalis na ho tayo.
(Agad agad naman binuksan ni Sandra ang pinto)

Sandra: Gising na ako Arnel etong si Gerald nag hihilik pa..
Pakisuyo na lng si Lea Salamat.
Arnel:Ay Gising na si Ma'am Lea nakita ko pong na sisipilyo na sya sa may lababo
Sandra: O sige lalabas na kami at mag-aayos lang
Gerald:Lea ayos na ba lahat ng dadalin mo ?
Lea:Oo naman kayo ok na ba kayo?
Gerald:Oo ready na kami
Arnel:Alis na po tayo ng hindi tayo gabihin.
(Umakyat na si Lea,Sandra at Gerald sa bundok hiwaga sa pamumuno ni Arnel)

Ooooouucch! Sigaw ni Lea...
Arnel: ano pong nangyari Ma'am?
Sandra: best what happen?
Gerald: ano yun?
Lea: may kumagat sa legs ko..
(Dali-daling pinuntahan ni Arnel si Lea..)
Arnel: naku ma'am nakagat po kayo ng isang hiswa..
Lea: ha? Anong hiswa? Aray ang sakit..
Arnel: isang uri po ng insekto na dito lamang sa bundok hiwaga matatagpuan..
Sandra: Ano ba yan Arnel? Delikado ba yan?
Arnel: hindi naman po mam pero kaylangan lang mabigyan agad ng lunas.
Sandra: Babe! Ano bang tinutulala mo jan ilabas mo ung first aid kit.!
Gerald: Ha? Eto na nga kinukuha ko..
Arnel: ay hindi po gamot sa lungsod ang makakagamot dito. Eto po may dala akong mga halamang gamot.. Ma'am Lea ipatong nyo po sa akin ang binti ninyo..
(Agad sinipsip ni arnel ang kagat sa binti ni Lea..)
Lea: ouch.. aray.. ah.. ah..
Sandra: best! Ano ba?! Hindi ko naman malaman kung nasasaktan ka o nasasarapan dyan..
Gerald: pare ano ba yan.? Bat ganyan?
Arnel: ganito po talaga.. parang sa ahas. Dapat ay sipsipin ito upang hindi dumaloy sa kanyang dugo.
(Agad tinapalan ni Arnel ng dahon at sabay tinalian ang sugat ni Lea..)
Nasa kalagitnaan na ng bundok sina Lea, Sandra, Gerald at Arnel ng Mangyari ito..
Arnel: Ma'am, Sir paano ho yan mukang mababagalan tayo dahil sa Natamong sugat ni Ma'am Lea. Baka kaylanganin natin magpalipas ng isang gabi dito.
Sandra: Ha? Ganun ba? Pano yan babe?
Gerald: wala naman tayong magagawa babe. Ok lang yan may dala naman akong Tent. Kaso ay iisa lang ito. Pang dalawang tao lang. Mabuti pa sa Tent kayo ni Lea at sa labas kami nitong si Arnel.
(Sumapit na ang hapunan..)
Arnel: Ma'am, Sir nag ihaw po ako ng baboy ramo. Kapareha lamang po ito ng kinagisnan nyong baboy sa lungsod. Mas malinis at mas masarap pa nga po ito.
Gerald: Ok na yan pare. Buti may makakain tayo kaysa wala. Hindi din kasi namin alam na gagabihin tayo dito.
Sandra: Ok na yan Arnel maraming salamat sa pag aasikaso mo sa amin.
Lea: Wow ang galing mo naman Arnel nakahuli ka agad ng baboy ramo sa maiksing oras lamang.
Arnel: Hindi naman ho mam nasanay na po kasi ako dito sa kagubatan. wala naman po kasing masyadong ginagawa dito.
Gerald: Bkt Lea kahit ako ren naman kaya ko manghuli ng mga gumagalang hayop dito ha.
Lea: Hay naku Gerald magtigil ka nga jan sa kayabangan mo kanina ngang nakagat ako wala ka namang nagawa.
Sandra: Mag sitigil na nga kayong dalawa halikana't kumaen na tayo.
(Nag salo salo ang apat sa pagkain habang nasa gitna ng bon-fire..)
Gerald: Babe ! Matulog na kayo ni Lea ah dito lang muna kami sa labas ni Arnel , Lea mag pahinga kana para makalakad na tayo bukas.
Sandra: Sige babe sure ka ok ka lng jan a
Lea: Sige goodnight sa inyo ni Arnel.
(habang palalim na ang gabi)
Lea: Best iihi lang ako sa labas naiihi na kasi ako e.
Sandra: Sige best kaya mo ba mag isa ? gsto mo samahan na kita?
Lea: Hindi na sige best ok lang ako kaya ko naman medyo ika-ika lang ako mag lakad.
(Lumabas na ng tent si Lea)
Arnel: Ma'am saan ho kayo pupunta delikado na po kapag ganitong gabi.
Lea: Ay eh call of nature Arnel.. jijingle lang me.
Gerald: Naku delikado na Lea tara samahan na kita..

(Nagtungo sina Lea at Gerald sa mapunong bahagi na hindi na masyadong tanaw mula sa Tent)
Gerald: Ngayon ko lang nalaman. Mayabang pala ako ha..Hmmm..
(Sabay halik ni Gerald kay Lea)
Lea: Gerald!! Ano ba?! Ano bang ginagawa mo.?
Gerald: Bakit Hon?! Hindi mo ba ko namimiss.? Ako kasi miss na miss ko na yung mga halik mo eh..
Lea: Hon! Diba napag usapan na natin ito? Hindi tayo gagawa ng mga ganitong bagay kapag kasama natin si Sandra.
Gerald: Hon miss na miss na talaga kita eh..

(Hinalikan na naman ni Gerald si Lea.. at hinalikan din sya pabalik ni Lea. Nag espadahan ang kanilang mga dila Hanggang sa gumapang na ang kamay ni Gerald patungo sa malaking hinaharap ni Lea..)
(Lumabas si Sandra ng Tent..)
Sandra: Arnel nakita mo ba si Gerald?
Arnel: Ay sinamahan po si Ma'am Lea mag call of nature dahil delikado na po ngayong gabi..
Sandra: Saan banda sila nagtungo?
Arnel: Ay doon po banda sa mapunong bahagi.. sa kanan.
Sandra: Sige pupuntahan ko lang ha.
Arnel: Ay samahan ko na kayo ma'am gaya nga po ng sabi ko delikado na po ngayon..
(Naglakad sina Sandra at Arnel patungo kung saan naroroon sina Lea at Gerald..)
...sa hindi inaasahang pangyayari sumimbulat sa mga mata ni Sandra ang masalimuot na lihim ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Kitang kita ng mga mata nya ang pagtatalik ng dalawa.
(Tumakbo pabalik sa Tent si Sandra habang tumutulo ang mga luha nito..)

Pumasok si Arnel sa Tent
Arnel: Ma'am Ok lang po ba kayo? Sandra: Bakit ganon? Anong ginawa ko sa kanila? Anong kasalanan ko? Bakit ginawa nila sa akin yon? Matalik kong kaibigan? Kasintahan ko? Bakit ganon.. Huhuhu
(Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ni Sandra..)
Arnel: Ma'am wala naman po siguro kayong ginawa o kasalanan sa mga pangyayari. Hindi naman po siguro ninyo kasalanan na pag taksilan ng mga taong mahal ninyo. Minsan sadyang mapait ang kapalaran ng mga tao. Kagaya ko. Mag-isa lang din ako sa buhay. Minsan na din naging bigo sa pag-ibig.
Sandra: Ang sakit kasi.. hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.. Halos ibigay ko sa kanila ang lahat.
(Tuloy pa din ang pag luha ni Sandra)
Arnel: Kaya nyo po yan Ma'am lahat po ng mga nangyayari sa ating buhay ay may kadahilanan. At lahat po ito'y kaya nating lampasan. Kung hindi nyo po mamasamain ay iaalay ko ang aking tulong para po madamayan kayo..
Sandra: Maraming salamat Arnel baka kung hindi dahil sayo ay tinapos ko na ang aking buhay..
(Biglang niyakap ni Sandra si Arnel..)
Arnel: Ma'am yan po ang wag na wag nyong gagawin. Masarap pong mabuhay. Lagi lamang po natin titignan ang kagandahan ng buhay. Wag po natin masyadong intindihin o isipin ang mga hindi magagandang bagay. Andito lamang po ako. Wag po kayong mag alala lilipas din po iyan. Magpahinga na po kayo ma'am at baka padating na sina Gerald at kung ano pa ang isipin sa atin.
Pabalik na sina Lea at Gerald sa Tent..
Sandra: Sige maraming salamat sayo Arnel. Good Night.
(Pumasok na si Lea sa Tent)
Sandra: Bakit ang tagal mo naman best? Lea: Sorry Best medyo napalayo na pala ung pinag ihian ko..
Sandra: ah talaga? Delikado na ha. Sino kasama mo Si Arnel? O Si Gerald? Lea: Ah. Sinamahan ako ni Gerald Best pero sa malayo lang naman sya. Sandra: Ok best. Wala naman sigurong masama kahit mapalapit pa sayo si Gerald diba? Wala naman si Gerald sayo diba? At higit sa lahat Bestfriend mo ko. Since hayskul.. Lea: Oo naman best. Alam mo naman ang dami mo ng naitulong sa akin at sa family ko. Kaya nga parang kapatid na turing ko sayo.
Sandra: ah talaga.? Sige best goodnight. Maaga pa tayo bukas.
Lea: sige best good night.
Kabilugan ng Bwan..
(May nagtxt sa cellphone ni Arnel)

Mang Kiko: Arnel. Kabilugan na ng Bwan. Pumunta ka na sa kweba. Alam mo na ang gagawin mo.
Arnel: Mang Kiko hnd kami nakababa ng bundok. May nangyari. Hnd ako makakababa sa kweba. Mang Kiko: Ano? Delikado yan Arnel. Nasan ang mga turista? Kasama mo ba sila??








"Tumagas na Dugo" ni Sofia Noreen A. Principio



     Ito daw ay isang kaparusahan sa mga kababaihan dahil sa nagawang paglabag ni Eva sa Panginoong Dios kaya naman lahat ng kababaihan ay makakaramdam ng ganitong kasakitan sa pangangatawan. Ngunit Bakit kailangan magkaroon nito? Para saan? Bakit kailangan makaramdam ng sakit ? Para ano? Parusa talaga na ng dahil lamang sa isang kasalanan ng isang babae? May mga senyales? Mga nanyayare sa kababaihan na hindi inaasahan. Mga pag babago sa katauhan at katawan ng isang babae. Ito nga ay isang senyales ng pagiging tunay na "dalaga"

     Si Xylee ang anak na babae ni Xyreen at Nolee, sila ay nakatira sa Pajo St.  Project 2 Quezon City. Ang buhay nila ay maganda at maayos na pamilya ngunit sa kasamaang palad 38 taong gulang na ng manganak si Xyreen, dahil siya ay malapit ng mag menopause kaya naman hindi na siya nagtataka kung hindi na sila magkakaroon pa ng isang anak. Todo alaga sila sa kanilang anak , kapag ito ay umiyak halos mataranta na silang mag asawa upang mapatahan ang kanilang anak. Minsan pang nag kasakit ito dahil sa klima ng panahon dinala nila agad si Xylee sa pribadong Ospital ng Quezon City. Habang lumalaki si Xylee todo alala si Xyreen at Nolee dahil sila nga ay tumatanda na at baka hindi na  nila masubaybayan ang pagka dalaga ni Xylee .

     Hindi man sila namomoblema sa pera namomoblemaHindi man sila namomoblema sa pera namomoblema lamang sila sa kanilang pagtanda. Hinahayaan lamang nila si Xylee na makipag laro sa mga bata sa kanilang lugar mapalalaki man o babae upang hindi maging inosente si Xylee sa mga bagay sa kaniyang paligid. Habang lumalaki si Xylee nagpapasalamat si Xyreen at Nolee dahil patuloy nilang nasusubaybayan ang kanilang anak. Ngunit si Xyreen ay palagi ng nananakit ang kaniyang mga katawan at nagkakaroon ng mga sakit na hindi niya naranasan dahil siya ay hindi na nilalabasan ng dugo o ang tinatawag na menopause na ang isang babae. Nais din masubaybayan ni Xyreen ang pag kakaroon ng menstruation ni Xylee o ang senyales ng pagiging dalaga ni Xylee.

      Lumalaki na si Xylee at siya ay nasa lebel na ng elementarya . Mas lalo na siyang natutong makihalubili sa kaniyang mga kaklase mapa lalaki o babae wala siyang pinipili na kaibiganin o makalaro man na tila hindi siya isang babae kung makisama.
Nag karoon din si Xylee ng mga talento sa Instrumento, pinag aral siya ni Xyreen at Nolee ng piyano, gitar at pluto. Kaya naman tuwing may iniinda ang kaniyang magulang na kasakitan sa katawan ay pinapasaya niya ang kaniyang mga magulang sa pag papatugtog ng kaniyang mga instrumento . Si Xylee ay magaling na estudyante sa kanilang paaralan, inilalaban siya sa iba't ibang paaralan.Nagkaroon ng matalik na kaibigan si Xylee na nag ngangalang Akia at ito ay nkasama niya araw-araw sa kaniyang buhay at pag pasok sa paaralan.   lamang sila sa kanilang pagtanda. Hinahayaan lamang nila si Xylee na makipag laro sa mga bata sa kanilang lugar mapalalaki man o babae upang hindi maging inosente si Xylee sa mga bagay sa kaniyang paligid. Habang lumalaki si Xylee nagpapasalamat si Xyreen at Nolee dahil patuloy nilang nasusubaybayan ang kanilang anak. Ngunit si Xyreen ay palagi ng nananakit ang kaniyang mga katawan at nagkakaroon ng mga sakit na hindi niya naranasan dahil siya ay hindi na nilalabasan ng dugo o ang tinatawag na menopause na ang isang babae. Nais din masubaybayan ni Xyreen ang pag kakaroon ng menstruation ni Xylee o ang senyales ng pagiging dalaga ni Xylee.

     Nakilala narin ito ng kaniyang mga magulang at pareho si Xylee at Akia at mas lalo silang naging dikit sa isa't isa dahil sa pag kakapareho nila sa kanilang pag uugali. Nagkaroon ng mga pag kakagusto si Xylee at Akia sa mga kamag aral nila na lalaki o ang tinatawag na "crush" ang pag kakagusto ng isang tao dahil sa pag uugali ng kapwa , kaya naman hindi maiwasan ang magtuksuhan silang mag kaibigan . Gayun pa man hindi pinabayaan ni Xylee ang kaniyang pag aaral .Si Xylee ay magtatapos na ng elementarya at siya ay magtatapos ng may karangalan. Napapansin ni Xylee na siya ang tumatangkad na at tumutubo na ang kaniyang dibdib sa hindi inaasahan. Minsan pa ay ramdam niya ang kirot ngunit binabalewala lamang niya at kung minsan kung kumakati ay basta kamutin ni Xylee kahit nasa harap ng mga tao.

    Ngayon si Xylee ay High School na. Nagkaroon na naman siya ng bagong kaibigan . Lumipas ang ilang buwan bago mag pasko nagkaroon ng lagnat at sipon si Xylee makalipas ang ilang araw nakakaramdam na ng pagkahilo at sakit ng ulo . Nkakakita narin siya ng mga itim itim sa kaniyang katawan na tila pasa sa minsan ay makirot, nkaramdam narin si Xylee ng pananakit ng buong katawan lalo na ang kaniyang tiyan. Napapansin na ito ng kaniyang mama at papa . Si Nolee ay todo alala sa kaniyang anak at nais na nitong dalhin ang kaniyang anak sa Ospital dahil nga sa nararamdaman nito ngunit nakangiti lamang si Xyreen sa nangyayari sa kaniyang anak. Nagtaka si Nolee dahil sa imbis na mangamba ay tila nakangiti lamang palagi si Xyreen. Binulong na lamang ni Xyreen kay Nolee na ito ay mga senyales na dalaga na ang kanilang anak kaya naman pareho silang nagalak na may kasamang pangangamba para sa kanilang nag iisang anak. Sa mga sumunod na araw pag gising ni Xylee  sa kaniyang pag kakatulog ay dumayo siya sa kaniyang paliguan ngunit siya ay nagulat at nagulantang , hindi niya alam kung anu ang kaniyang gagawin. Tinawag niya ang kaniyang Ina kaya naman biglaan itong nagising at sumugod mula sa pag kakahiga. Pag lapit sa kaniyang anak nakita niya na may dugo ito at daliang pinag palit si Xylee ng kasuotan at tinuruan ang kaniyang anak.

      Buwan buwan ay nagkakaroon na si Xylee ng menstruation at nakakaramdam ng kasakitan ng pangangatawan mga pasa sa katawan. Nag karoon ng mga pag babago sa dibdib si Xylee, hugis ng kaniyang katawan at pag kilos o gawain araw-araw. Iwaa nadin siya sa mga kalalakihan lalo na kung kabuwanan niya na mayroon siya. Naging mahinhin na si Xylee at nagkakasakit siya buwan buwan lalo na ang kasakitan ng balakang . Kapag nakurot, nabangga ng may kalakasan si Xylee ay magkakapasa at ito ay masakit. Madalas din na maging masungit at iretable sa sarili. Sobrang pananakit ng puson na halos mamutla na sa sakit ng pangangatawan minsan pa ay pagiging mataray at masungit sa mga taong nasa paligid niya. Pangangasim na panlasa at pananakit ng dibdib. Pag kakaroon g karamdaman na katamaran o pag kabigat ng katawan.
Buwan buwan na itong nararamdaman ni Xylee. Hanggang sa maka pagtapos ng highschool at kolehiyo ibang ibang Xylee na iyong makikilala dahil sa kabaguhan ng kaniyang pangangatawan at kutis sa katawan lalo na ang pagiging maayos sa kaniyang sarili. Nag karoon nadin siya ng kasintahan at ang palaging pag iintindi ang dala ng kaniyang mahal o kasintahan minsan pa ay hindi ang maiwasan ang kagiligan dahil sa kabila ng sakit ay nagagawa parin niyang mapatawa kay Xylee. Minsan pa ay ang kaniyang kasintahan ang bumibili ng kaniyang pasador o napkin na pang salo sa dugong dumadaloy sa kanyang maselang bahagi ng pangangatawan.

     Si xylee na ay nagkaroon na ng bagong pamilya at nais din niyang maobserbahan ang kalakihan ng kaniyang anak at ng magandang buhay sa kaniyang mga anak. Ngunit ang kinakatukan niya ang pag hinto ng daloy nito dahil makakaramdam na siya ng mga sakit na hindi niya nararanasan noong bata pa siya. Dahil ang dugong dumadaloy sa maselang bahagi ng babae ay dumi sa katawan ng isang kababaihan.
PLUMA 
Deo Ligpit

          Isa sa mga una kong naisip na tema ay ang pagsusulat. Maninit at maingay ang silid na aking kinaroroonan. Kasabay pa riyan ang mga kaklase mong nagbubungisngisan at nakikipagtalastasan sa mga bay na walang kwenta. Gayunpaman ay hindi ko ito pinagkaabalahang pansinin at nagpaytuloy ako sa pagsusulat. Isa lang ako sa mga estudyanteng may katamaran pagdating sa pagsusulat lalo na kapag ang isang propesor ko ay nagsasagawa ng kanyang aralin. Mas pinipili kong makinig kesa mag-abalang magsulat ng bawat sinasabi. Kung inyong bubuklatin ang aking mga notebooks ay konti lamang ang nakatala rito. Mas pinagtutuonan ko ng pansin ang mga mahahalagang bagay na sa tingin ko ay mabebenepisyuhan ako. Hindi ako matalinong estudyante ngunit isa lamang ako sa mga taong may pangarap sa buhay. Katunayan isa akong self-supporting student. Habang nag-aaral ay gayon namang nagtatrabaho sa tuwing walang pasok sa eskwela. Mahirap ngunit kinakaya ko naman, Ganyan naman tayong mga Pilipino, matiisin. Oh siya hindi ko gawaing magdrama. 

          Mas kinahihiligan ko ang pagbabasa. gaya nga ng nasabi ko, may katamaran ako sa pagsusulat. Ngunit isa sa mga pangarap ko ay maging isang tanyag na manunulat. Imposible na atang matupad iyon. Biglang naalalako ang isa sa mga naging propesor ko noong araw sa De La Salle College of saint Benilde na "Ang lahat ng bagay ay nadadaan sa pag-eensayo. gawing libangan ito at tiyak ito ay iyong magiging eksperto". Tumatak ito sa aking isipan hanggang ngayon. Ngunit mas pinangingibabawan ako ng aking katamaran pa rin. Nakakalokomang isipin ngunit totoo. Mas labis akong ginaganahng tapusin ang isang bagay sa madaliang oras kesa sa paglalaan ng mahabang panahon para tapusin ito. Ewan ko ba at ganoon na lamng ako. Siguro ay mas ginaganahan ako lalong mag-isip sa paraang mabilisan, rush ika nga. Maibahagi ko lang sa lahat ang aking naging karanasan noong unang araw ko pagtapak sa eskwelahan.

          Una kong naisulat ng buokong pangalan noong ako'y nasa Unang baitang pa lamang. Nanginginig-nginig pa ako sa pagsulat na bili ng aking ina sa mercado. " 'nak ganito oh. Hawakan mong mabuti ang lapis at unti-untiin mong isulat ang pangalan mo. Dahan-dahan lang baka mapilas ang papel." Wala akong naitugon sa aking ina ng mga araw na iyon. Ang pagtagaktak ng aking mga pawis at kabado kong dibdib. "'nak pagnagawa mo ito bibilhan kita ng laruang tinuturo mo kanina sa tindahan ni auntie maming". Ganyan kapursigido ang aking ina na matulungan ako sa pagsusulat. Kaya nga't siya ang una kong guro. magpahanggan ngayon ay hindi-hindi ko malilimot hanggang pagtanda ko. Hindi ko talaga maisulat ng amayos ang aking buong pangalan. Kung hindi wrong spelling ay kulang ito." Anak sana bukas ay maisulat mo na ng maayos ang iyong pangalan at pagnagawa mo iyon ay ay may three stars ka sa teacher mo at may reward ka sa akin". Tahimik lamang ako noon ngunit sa kalooban ko'y punung-puno ako ng galak at motibasyon.

          Sa sumunod na araw ay unti-unti ko nang naisulat ng buo at maayos ang aking pangalan. Naalala ko pa noon sa napasigaw ako dala ng bugso ng akiong damdamin. ": Anak kaya mo naman pala eh. Hindi mo na kailangan ng tulong ng mama. Malaki na ang baby ko. Kaya nang mag-isa". Puno ng galak at tuwea ang aking puso ng mga araw na iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagpupursige sa pag-aaral hanggang sa magtapos ako sa elementarya na nagkamit ng parangal na Class Valedictorian. Nakakataba ng puso ang mga araw na iyon. Nakita ko kung gaano kasaya ang aking mga magulang sa nakamit kong parangal. Isang malaking responsibilidad sa akin ang tumatak sa isipan ko ang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa sekondarya. Nagtapos ako ng high school na may parangal at bilang isa sa mga Outstanding Student of the Year. 

          Tuwang-tuwa ako sa tuwing makakakita ako ng isang batang nagsisimulang matutong magsulat ng kanyang pangalan. Dahil muli kong nagunita ang mga raw na ako'y nangangapa sa pagsusulat ng aking pangalan.

          Ngayong ako'y nasa kolehiyo na at kumukuha ng  kursong Industrial Psychology, napakaraming bagay na ang aking n atutunanmula sa pagbabasa, pakikini, pananalita at sa pagsusulat. Nakakatuwang isipin na bilang isang mag-aaral ako ay dumaan sa proseso ng pagkatuto sa mga bagay na aking napapakinabangan sa aking pagsusunog ng kilay. isa sa mga natutunan ko sa Akademikong Filipino: Pagbasa at Pagsulat na bilang isang nangagarap na maging manunulat ay dapat isaalang-alang ang estilo ng pagsulat, kaisipan na nais ipahiwatig at higit sa lahat ang iyong mga mambabasa.

          Ang pagsusulat ay isang sining na kinakailangang maging malikhain. Tulad ng isang pintor na inilalapat ang nilalaman ng isip at puso sa isang "Canvas Art" gamit ang isang paint brush at iba't ibang kulay na siyang makabubuo ng imahe.

          Hindi naman kinakailangang maging matalino para masabing sa kang magaling na manunulat. Hindi rin kinakailangang gumamit ng mga malalalim at matatalinhagang salita para lang magmukhang magaling sumulat. Bilib ako sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino. dahil isa sa mga natutunan ko sa mga guro ko ay ang pagiging totoo at simple sa pagsusulat. "Natural writing ika nga. 'Yun bang parang nagkukwento lang siya sa tuwing mai isusulat. Mas masarap basahin ang mga ganitong estilo ng pagsulat. Kahit na mabigat at seryoso ang topic, kapag isinulat siya sa paraang natural ay gumagaan ang pagbabasa. Walang sinusunod na pattern o kung ano mang tawag dun, para sa akin ay mas okay ang free hand writing". Ika ng isa sa mga naging guro ko sa Akademikong Filipino.

          Isa rin ako sa mga libu-libong mag-aaral sa nangangarap na maging isang mahusay at tanyag na manunulat. Naalala ko ang propesor ko sa retorika na si Bob Ong raw ay hindi isang manunulat. Kundi grupo ito ng mga manunulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Palaisipan tuloy ito sa aking isipan. Magmula nung high school ako ay nagbabasa na ako ng mga aklat ni Bob Ong. Nalilibang ako sa tuwing binabasa ang kanyang mga gawa. Isa sa mga tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang binitiwan ni Bob Ong sa kanyang aklat na "Stainless Longganisa". Ito ang katagang aking nabasa " Nagtatae ngayon ang ballpen ko. At hawak mo ang basurahan", maaring  kung literal mo itong sasagutin ang imposibleng sagot na manggagaling sayo ay.. “Pwede mo naming itapon ito sa basurahan at bumili ng panibago” . Ngunit kung ating uunawain ang katagang ito, malaki ang maaring maitulong nito sa ating pag-aaral. Halimbawa na lang, kapag sinabi ng iyong guro na magbigay ka ng mga impormasyong maaaring makatulong sa inyong mga gawaing pampaaralan, ikaw ngayon ang kakatawanan ng nagtataeng ballpen na sinasabi ni Bob Ong dahil tulad nito ay ikaw ay nag-uumapaw sa kalaman at halos hindi mo na mapigil ang sarili sa pagbulalas ng mga ito samantalang kumakatawan naman ang basura sa mga taong nakapaligid sa iyo na handing making at hansa ring itapon ang iyong mga ideya dahil lang sa kadahilanang hindi mo naabot ang hinahanap nilang impormasyon sa nasabing bagay.

          Maaring isa sa ating henerasyon manggaling ang susunod Na Jose rizal na ginamit ang panulat upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. Tulad din ni Bob ong na minulat tayo sa katotohanang pilit nating ikinukubli sa likod ng mascara ang mga bagay na ayaw nating malaman ng iba. Nagsilbing sandata nila ang panulat upang magising ang mga natutulog na diwa ng mga pilipinong babasa ng kanyang mga aklat. Magmula ng mabasa ko ang kanyang aklat, nagkaroon na ito ng isang malaking tulong sa aking buhay at nagturo din ito ng mahalagang leksyon. Nalaman ko noon palang talagang may mga pasaway ng tao msa Pilipinas na nagpupumilit na itama ang kanilang mga pagkakamali para lamang pagtakpan ang kapalpakan sa buhay. Natutunan ko din na dahil sa mga kamalian ng bawat isa, mayroon pa din tayong makukuhang bagay mula doon.

          Kaya panulat o Pluma ang aking pamagat para ditto dahil maraming bagay ang nagagawa ng isang panulat sa buhay ng tao, hindi lang ito basta-bastang panulat ito rin ay maaaring maging sandata at pananggalang sa mga taong kumakalaban sayo. At kung ayaw mong gamitan ng dahas ang pakikipag-talo sa kanila, gamitin lamang sa wasto ang salitang isusulat. Ako ay nasa simula pa lamang ng aking paglalakbay. Kaya’t sisiguraduhin kong wala akong malalagpasang pagkakataon habang inaabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.

Slipper- JONEZA GALUPO

Lahat tayo ay may kanya kanyang misyon dito sa mundo kung bakit tayo nabuhay dito. Pero di natin alam kung saan at kung hanggan kailan. Yan ang laging tumatatak sa isip ko kaya para sa akin napaka importante ng oras o "time is gold" kasi di naman natin alam kung kailan tayo kukunin ni God. kaya habang may oras ka pa at araw gawin na ang mga bagay na di mo pagsisisihan sa huli,

ako si pao labing pitong taon at kasalukuyang nagaaral at nagtatrabaho para makatulong sa magulang ko. sa ngayon duty ako sa trabaho ko. "Pao! may customer na entertain mo" sabi nung counter mangaer namen "opo mam.Thank you!" bilang pag acknowledge mo dapat kang magpasalamat. 

Sabihin nating oo napaka hirap ang maging isang working student. sa umaga magtatrabaho ako pag ka out ko diretso sa school at paguwe maglalaba, gagawa ng assignment at magrereview pa. siguro nga ting ting na ko tignan dahil sa puyat at pag kain sa di tamang oras. ayoko kasi maging pabigat sa magulang ko kahit na ako lang ang isang anak. Gusto ko kasi maging responsable na ko sa lahat ng bagay ayoko laging dumepende. malaki na ko dapat alam ko kung paano ko susuklian ang lahat ng pagsasakripisyo ng magulang ko para lang mapag aral ako at makapagtapos sa pagaaral.

*ring bell* "lobby,kitchen,counter wash hands na" manager, alas dose na pala out ko na. "thank you mam! turn over na po ako mam :)" ako, "sige,bilangin mo muna kaha mo tsaka ka maghugas, magwalis at mag map sa counter" siya, "sige po mam" ako. Hays nakakasanayan ko nalang na laging ganto ang mangyayari. papasok ka ng maaga magpapalipas ng oras pagka out mag tuturn over magbibihis sasakay papuntang eskwelahan at panibagong pakikitungo nanamn.

Papunta na ako ng eskwelahan. Alam mo yung kahit na isnag anak lang ako ang hilig hilig ko pa din ang makipagusap sa iba at makipag kaibigan kasi sila lang naman ang nakakaintindi sakin eh. Madami akong kaibigan at tinuturing ko na din sila na para ko nang mga tunay na kapatid. Gusto ko kasi magkaroon ng kapatid pero wala di na biyayaan eh. pag dating ko sa eskwelahan sinalubong ako kagad ng mahigpit na yakap ng mga kaibigan ko na sila ella, erna at nica sila yung mga taong laging nandyan lalo na pag down na ko sa sarili ko dahil hirap akong i-handle ang mga gawaing pang eskwelahan. "Girl! namiss kita. Sabi mo kakaen tayo ngayon sa strabucks?" ella, "ha? wala eh. buka pa sahod ko bukas nalang alam mo namang imbyerna sa work daming beast mode" ako, "Sige! bukas ah :D " Nica, hanggang sa lumawak pa ang aming paguusap o diba laging ganyan di kami nauubusan ng kwento. kaya nga kami ang pinakamaingay na seksyon sa baitang namin. laging galit smain ang mga propesor minsan pa nga nagbaback out dahil di na kaya ang pagdidisiplina sa pagpapatahimik samin. Hanngang sa may klase na kami.

Pagdating ng prof namin alam namin na parang galit siya o parang may topak "Ngayon kopyahin niyo yung email add at pass ng blogspot niyo dito nalang ako dedepende sa grade niyo. kasi yung presentasyon niyo napakatagal na nun pagtapos plang ng midterm sinabi ko na yun umabsent na ko nung last meeting. tapos ngayon sasabihin niyo di pa kayo prepare? ano ba gusto niyo? ang haba na ng panahon na binigyan ko kayo para makapag present hanggang ngayon wala pa? O ngayon tutal ayaw niyo ng mahabng panahon na paghahanda magpasa na kayo ng first draft niyo sa inyong komposisyon ipasa niyo yan mamayang alas nuwebe" ang aming propesor, nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi na halos di namin alam ang gagawin. "eh sir hanggang 8:30 pa po klase namen" isa kong kaklase, "anong pakialam ko? gumawa kayo ng paraang kung gusto niyo talaga magpasa" sabi ni sir. hays pano ko kaya gagawin yun :/ eh kaya ko sana gumawa kung di ako papasok ng last subject kaso major namin yun eh. bahala na basta kaya ko gawin.
lumipas ang ilang araw ....

naulit nanaman ang araw tulad ng mga nakaraan. Trabaho, eskwelahan, laba, hugas, assignment at review. paulit ulit ulit ulit.iba't ibang tao ang pakikitunguhan magkaiba kasi ang pakikitungo sa trabaho eh dapat maging propesyonal ka at yung willingness mo sa pagtrabaho at pagiging responsable di katulad sa eskwelahan di mahirap makitungo sa iba dahil mga kavibes mo mga classmates mo tapos kahit anong gawin mo makaksabay sila walang competition walang pagalingan at walang tapakan lahat pantay pantay kumbaga one for all, all for one. Naisip ko sa sarili ko di ko napagtutuunan ng pansin ang aking sarili puro nalang para sa iba ang iniisip ko. ang hirap din palang  magiba iba ng sinusuot sa paa. pero slipper ang pinaka the best parang feeling ko ayun ang pinaka komportableng suotin sa paa dahil nakakarelax. kapag naka close shoes kasi alam mong may gagawin ka o may responsibilidad kang gawin yung mga bagay para sa iba at para sa sarili mo.

Sana mas bigyan pansin natin ang kahalagahan ng oras, panahon at pakikitungo sa iba. dahil ang lahat ng bagay na ginagawa naten masama man o mabuti ay may kapalit. at lahat ng bagay ay may dahilan.

Osiones Annalyn S.

“Pagbangon mula sa matinding Unos”

Naranasan mo na bang masaktan, mabigo at iwanan? Masakit! Ang mga pakiramdam na ito hindi ba? Iyan ang iyong unang mararamdaman sa mga oras na maramdaman mo ang mga iyan. Parang pinupukpok ang iyong puso sa hapdi na madarama.
May mga taong kapag nabibigo, nasasaktan at iniiwanan ay kung anu-ano na ang mga ginagawa nila sa kanilang buhay. Lahat ng tao nakakaranas nito. Walang tao na hindi ito nararanasan lalo na ang mga kabataan ngayon kapag nasasaktan nagpapakamatay, naghihiganti at sinisira ang buhay.

            Mayroon akong ipapakilala sa inyo na nakaramdam na rin ng ganitong sakit.
Si “Rocky” ay isa sa mga babaeng nabigo, nasaktan, umasa at lumuha. Sa mura nyang edad ay sinubok na siya ng mundong ito. Siya ay nasa Labing-Anim na gulang pa lamang ng hamunin ng mundong ito. Nabibilang siya sa “broken family.” Nag hahanap siya ng kalinga ng mga magulang. Sa kadahilanang wala na itong mga magulang dahil sa paghihiwalay. Ang kanyang ama ay mayroon nang ibang pamilya, at ganoon din naman ang kanyang ina. Kaya naman ang nagbibigay kalinga na lamang sa kaniya ay ang kanyang lola. Sa sobrang paghahanap niya ng kalinga ay may nakilala siyang lalaki na minahal niya ng buong-buo. Ibinigay niya ang lahat ng kagustuhan ng lalaki at sa bandang huli ay iniwanan at sinaktan lamang siya nito. Hindi na rin siya nakakapag aral dahil sa hirap ng buhay. At nang dumating ang araw na pumanaw ang kaniyang lola na isa sa mga nagambag ng kaligayahan sa kaniyang buhay. Sila na lamang ng kaniyang nakababatang kapatid ang magkasama sa buhay. At sa kasalukuyan mayroong lumapit kay rocky habang ito’y umiiyak
.
Marlon: Hello miss, maaari ko ho bang malaman kung bakit ka umiiyak diyan sa gilid?
Rocky: Sino ka? At ano naman ang iyong pakialam kung umiiyak ako rito?
Marlon: Paumanhin kung ako sa iyo’y nagtatanong. Gusto ko lamang tulungan ka.
Rocky: Ngayon mo pa nga lang ako nakita, tutulungan mo kaagad ako? Alam mo kung ano yung gusto ko? Ang mawala dito sa mundo gusto ko nang gilitan ang aking buhay para hindi na ako nahihirapan!
Marlon:  Alam mo mahal na mahal ka ng Diyos. Mahal na mahal ka.
Rocky:  Ako mahal ng Diyos? Hindi ako mahal ng Diyos bagkus kung mahal nga niya ako hindi niya hahayaan na magkahiwalay ang mga magulang ko, hindi niya hahayaan na iwanan at lokohin ako ng pinakamamahal kong lalaki, hindi din niya kukunin saakin ang lola ko na tanging ayon nalang ang nagmamahal sakin at may kababatang kapatid pa ako na hindi ko pa kayang alagaan sa kadahilanan na wala na ang aking kinabukasan.
Marlon:  Mahal ka ng Diyos! pinaparanas lang sayo iyan ng Diyos para maalala mong lumapit sa kanya.
Rocky:  Sa ganitong gulang grabe naman ang binibigay niya sakin! Hindi ba Siya naaawa sakin?
Marlon: Huwag mong tanungin ang Diyos ng ganyan.  May plano ang Diyos sayo, sakin at sa lahat. Tuluyan na ngang nawala na ang tiwala mo sa Kanya.
Rocky: Oo, Wala na akong tiwala sa kanya.
Marlon: Miss, huwag kang mawalan ng tiwala sa Kanya. Alam mo bang parehas tayo ng pinagdaanan. Ganyan na ganyan din ang buhay ko. Isa ako sa mga may sirang pamilya, iniwanan ng minamahal at nawalan ng mahal sa buhay nasa  Labing- Limang taong gulang palang ako noon.  Pero bigla kong naalala ang Diyos. Naisip kong iniwanan man ako, nasaktan, at nabigo. Ang Diyos hindi ako iniwan nakaluhod na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ang kamay ng Diyos ay patuloy pa rin akong inaangat.
Rocky: Talaga? Parehas tayo ng sitwasyon?
Marlon: Oo, kaya huwag kang magalit sa Kanya. Magpasalamat ka sa kanya kasi hindi niya hinayaan na mawala ka sa mundo at hindi niya hinayaan na wala kang makakasama. nandiyan pa ang iyong kapatid para hindi niya maranasan ang hapdi na nararanasan mo ngayon.
Rocky: Salamat sa pakikinig mo sa akin kahit na tinataasan kita ng boses. Oo hindi ko ipaparanas sa kapatid ko ang hapdi na para bang wala ng Pag-asa sa buhay.
Marlon: Ok lang iyon, Naiintindihan kita.
Rocky: Salamat sa Diyos kasi ikaw yung ginamit niya para maging maayos , malinaw at maluwag ang nararamdaman ko. Salamat ulit sayo..


Sa ganitong sitwasyon hindi ito dapat pinapatagal. Oo mahirap bumangon lalo na’t kapag nasaktan ka talaga ng sobra pero ang importante ay ang pagbangon mo sa matinding unos. Hindi mo makikita ang kinabukasan mo kung hindi ka tatayo sa hinaharap. Ang problema at pagsubok ay kasama sa takbo ng buhay natin. Depende nalang kung paano natin ito dadalhin. Hindi nagkamali ang Diyos kung anoman ang nararanasan  natin ngayon dahil sa bawat pagluhod at pagdapa mo may nakukuha kang aral. Kung hindi natin ito mararanasan hindi tayo matututo at magiging  matibay. Kungbaga sa bahay hindi makakatayo kung wala ang pundasyon nito. Araw-araw parang may digmaan huwag mong hahayaan na matatalo ka. Nabigo, Nasaktan,  Iniwan ang importante ay ang PAGBANGON MO!
"Ang buhay ni marta" -diana B. Calipus

Gaano nga ba kahirap ang buhay lalo na't kung wala kang nasasandalan o nasasabihan ng mga problema?
Eto ang kwento ni marta na lumaki ng walang magulang at ang tanging tita sonya at tito edgar lamang ang nag palaki sankanya. Ngunit tinuring siya neto na parang hindi kamag anak. Higit pa sa pagiging katulong ang kanyang dinanas pero lahat ng ito'y tiniis nya upang makapag tapos lamang ng pag aaral. Sina sonya at edgar ay may anak eto ay si jane na sobrang bait kay marta.

Ang kanyang tita sonya ay walang trabaho at ang kanyang tito edgar naman ay isang construction lamang. Sobrang sipag ni marta isa syang skolar at nag tatrabaho sa umaga at nag aaral naman sa gabi dahil hindi sapat ang binibigay ng pera ng kanyang tita sonya.

Isang araw habang nag aaral si marta sakanilang bahay. Biglang dumating ang tito edgar nya na lasing at pilit ng hinihingan sya ng pera. Sa sobrang takot nya nabigay nya ang buong ipon niya at wala syang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Naisip niya na mag susumikap ako upang karaos sa hirap. Na sa ikaapat na taon na si marta sa kolehiyo at ilang buwan na lamang ay ggraduate na siya sa kursong Public administration major in management. Siya ay napabulong at ang sabi "hays. Onting tiis na lang marta malapit mo ng makamit ang tagumpay"

Makalipas ang tatlong buwan at eto na nga ang pinakahihintay ni marta ang makuha ang diplomang kanyang pinag hirapan. Tentenen tentenen tenen..... Marta delos Santos binabati kita sa iyong pag tatapos" sabI ng kanyang propesor. Ngunit hindi pa pala tapos ang pag hihirap niya. Nag hanap agad sya ng trabaho at pinaako lahat ng kanyang tita sonya ang lahat ng gastusin at pag aaral ni jane sakanya. Si marta ay may nobyo siya ay si Nathan na isang lawyer. 5yrs na sila neto at balak na sanang alokin ni nathan si marta ng kasal ngunit hindi eto pumayag "alam mo naman nathan na may responsibilidad pa ako nakailangang harapin diba? Hindi pa tapos sa pag aaral si jane. At walang trabaho si tita sonya at si tito edgar naman ay pa extra extra lang" sabi ni marta kay nathan. "Oo sige marta aantayin kita ngunit hanggang kailan? Pag tumungtong na to ng 65? Marta naman! Sobra sobra na yung binigay mo sakanila. Kulang pa ba yon? Sige pumili ka ako o sila? " sabi ni nathan kay marta. "Nathan naman! Wag ka naman ganito saken" sambit naman ni marta. At dito napag isip isip ni marta na tama na. Sobra na. Sobra sobra na yung utang na loob na binigay nila saakin. Siguro eto na nag oras para umalis na ako kala tita sonya at mamuhay ng malaya.

Dali daling umuwi si marta at nag sabi sakanyang tita sonya.At eto ay nagalit "ano marta? Aalis kana samin pano pano yung mga tinulong namin sayo pano yung pinangkain at pag aaruga namin sayo? " sambit ng kanyang tita sonya. "Sobra sobra na tita sonya sobra na lahat ng binigay ko at sinakripsiyo ko para sainyo kung tutuusin may suklI pa ako sa lahat ng pag mamalupit niyo sakin" sabit ni marta habang umiiyak "hala sige umalis ka! Wag ka ng mag papakita saamin kahit kailan!" Sabit ng kanyang tita sonya sknya.

At makalipas ng ilan taon ng hingi ng patawad ang kanyang tita sonya sa lahat ng ginawa nito sakanya. At di kalaunan ay kinasal sila ni nathan. At nabuhay sila ng masaya.

Sa buhay natin hindi dapat tayo susuko dahil habang nabubuhay tay dito sa mundo may mga bagay na nilaan ng Diyos para sa atin. At isa lamang si marta ang nag patunay na dapat hindi sinusukuan ang mga problema. Gawin natin itong inspirasyon upang makamit ang ating minimithi.


"Pampeysbuk" - Justine Ambrosio

         Mag-iisang taon kaming magkakilala ni Karlo sa susunod na linggo mula ng kami'y unang magpalitan ng "Hi" at "Hello" sa peysbuk. Isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging maalalahanin, sinsero, at kwela niyang pakikipagusap sakin . Si Karlo ay isang kompyuter-analyst sa isang pribadong kompanya sa siyudad ng Tagbilatan. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho roon mula ng siya'y magtapos sa kursong BS Information Technology. Ulila na siyang lubos, namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente lula ng sasakyang pandagat na biyaheng pa Cebu. Sobra niyang ikinalungkot ang malunos na sinapit ng kanyang mga magulang. Na halos di na siya lumalabas ng kanilang tahanan at kinalumutan ang buhay labas. Hindi naging madali ang pag-ahon niya sa unos na kanyang nararanasan. Kwento pa niya, pati ang pag-aaral niya noon ay kanyang naisantabi dahil sa paghihinagpis sa kanyang mga mahal sa buhay. Ipinangako sa kanyang sarili na hindi na niya muling mararanasan ang ganoong kasakit at kalupit na pagkakataon na pagkakataon. Si Karlo ay tuluyan na ngang nakalimot sa hinagpis ng nakaraan. Siya'y magisang matiwasay na na namumuhay ngayon ayon sa kanyang kwento sa akin.

      Abalang-abala ako ngayon sa isang proyektong pinagkatiwala sa akin ng aking boss. Isa akong business consultant sa isang business magasin. Maglilimang taon na ako sa aking trabaho. Pakiramdam ko nga ay mapapako na ko sa posisyong akong kinatutungtunga ngayon. Masaya ngunit hinahanap hanap ko ang satispaksyon ang aking trabaho. Sapat naman ang sahod na aking natatanggap ngunit mayroon akong hinahanap sa isang trabaho.

      Pasakay na ko sa aking oto nang mag ring ang aking cellphone. Si Karlo ang nakarehistro sa screen ng aking cellphone.Oh Hello Karlo ba't napatawag ka.Ah nangmusta lang.Talaga lang ha.Kakausap lang natin kahapon at namiss ko ko agad .Bawal na pala ngayon mangamusta sayo. May trabaho ka pa ba ?.Wala pauwi na nga ko eh.Sino kasama mo ?. Wala solo ko lang as always.Aba nagdrama ka pa. Hayaan mo pagnagkita tayo sasamahan kita sa bawat lakad mo. Hinding hindi kita hihiwalayan, bubuntutan kita. Sambit niyang may halong tuwa. Oh sya magmamaneho na ako. Tatawagan na lang kita ulit kapag ako'y nasa apartment na. Ba-bye Karlo.Sige paalam Tim, magiingat ka ha, pokus ka da daan. Tawagan mo ko ha hihintayin ko .Tuluyan na ngang naputol ang aming pag-uusap.

      Habang ako'y nasa kalagitnaan ng trapik sa EDSA. Biglang sumagi sa aking katinuan ang kasunduan naming nalalapit na pakikita. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman. Kilalang-kilala ko na si Karlo sa pananalita niya ngunit sa personal ay walang wala pa. Kaya kami umabot sa labibg isang buwan na "getting to know each other first" ay dahil sa siya ay di ko pa nakakasalamuha. Marami na akong karanasan sa pakikipag meetup ngunit nauuwi sa wala. Mga taong ang habol lang ay mang-isa o mang-loko ng kapwa. Iba si Karlo sa mga nakilala ko sa peysbuk. Nararamdaman kong hindi siya katulad ng mga nakilala ko. Kaya't ang tanging pinanghahawakan ko ay ang kanyang mga pangako at hindi niya nakakaligataang tawagan ako pagkatapos ng kanyang trabaho. Mag-aalas onse nang gabi  na ako'y makarating sa aking tinutuluyang apartment. Hindi na ako bago sa kalakarang ito tuwing uuwi ng apartment ko.Hay. Ramdam ko na talaga ang pagod. Sa tuwing uuwi ako ay halos maluha ako dahil sa araw-araw na gigising nang maaga at uuwi ng hating gabi. Well Timothy that's life ika nga. Survival of the fittest.

       Pasakay na ako ng elevator nang biglang magring ang aking. Nang aking dukutin sa bulsa ng aking maong na pantalon ay si Deo ang tumatawa. Isa sa siya mga matalik kong kaibigan. Naging kaklase ko siya sa kolehiyo ng apat na taom . Siya ang lagi kong kasa-kasama sa eskwela at maging sa boarding house na aking inuupahan noong araw.Oh Deo kamusta ka na ? Miss na kita. Kailan mo ko bibisitahin dito.Hello Tim I miss you too. Kailan ka free. Aba! Alam ko na 'to. Yayayain mo nanaman akong gumimik. Hindi ah, assuming ka nanaman Tim. May tickets akong good for two persons trip to Cebu one week siya.Free lahat food and accomodation. As in Tim.Ay ang saya naman. Kaya lang.Ha ? Anong kaya lang ? Kasi may trabaho ka ? Ayaw ng boss mo ? Aba five years ka nang nagpapakuba sa trabaho. I'm sure nakakabanas at nakakapagod yan. It's time for you to relax and unwind. Ano dali magpaalam ka na. Isang linggo lang to sayang ang bakasyon. Sige titignan ko.Anong titignan mo ? Gawin mo.Tatawagan kita bukas at para saan ba yan ?.Sa makalawang linggo na ito.Siguraduhin mo lang Deo na free lahat ha.Oo sure na sure ako 100% ito Tim. Libre pa kita ?.Talaga ?.Syempre biro lang. Hay naku Tim hindi ka pa rin talaga nagbabago.Oh siya paalam na, isang oras lang ang break ko. Tim asahan ko callback mo bukas. Sige bye.

      Nagkataong may business trip ang boss ko sa Hongkong nang dalawang linggo.

      Bilang paghahanda sa nalalapit na bakasyon namin ni Deo ay aking ipinapaalam kay Karlo na kamiy may trip sa Cebu. Siya'y natuwa dahil kalapit na isla lang nila ang Cebu.Kung sa Shangri-La kaya tayo magkita ? Ano sa palagay mo Karlo ?.Okay lang sa akin basta ang mahalaga ay magkita tayo.Kahit saan kung sa tingin mo doon ka magpapadali at matiwasay ang biyahe mo.Dahil kaki ni Deo ay nakabook ang flight namin via plane. Mas convenient sa amin.Oh sige sa  Shangrila na lang. Excited ka ba Tim ?.Oo naman Karlo. Ngayon pa ba tayo aatras. Ngayong magkalapit na tayo sa isang sandali.Ano ano mga naiisip mo kapag nagkita tayo?.Gustong-gusto talaga kitang makilala ng lubusan.Ganon din ako Tim.   You know how much I really wanted to know you more than anything else. Sige karlo ibababa ko na tong phone matapos na break ko. I'll call you later okay tim ingat ka ah. Ikaw din karlo. Bye

         Bago ang araw ng pag -alis ng aking boss ay kanya akong pinatawag sa kanyang opisina halong kaba at pagkasabik ang aking naramdaman nang araw na iyon "Timothy i want you to finish these business plans. Before i leave i want you to call all our business directories and make sure to finish all financial reports. Yes sir and do not forget there sweet yeses. Okay. Okay sir. Here's your vacation letter. Thank you sir".

        Noong araw na yun ay halos mabaliw at masiraan ako ng ulo simula nang natangap ko ang aking vacation letter ko mula sa aking boss. Sa halis limang taon kong pakikipag buno sa kompanya ng aking pinagtratrabahuhan ngayun lang ako pinahintulutan ay ngayun lang akopinahintulutan magbakasyon ng ganung katagal. Para sa akin kahit isang linggo lang ang nakalaang vacation leave ay tuwang tuwa na ako dito. Atleast makakapagbakasyon ako "this is what i've been waiting  for. Ewan ko ba lang kung bakit ngayun lang ito dumati dumating ang pagkakataong ganito sa talang buhay ko. Puro trabaho kasi ang aking ginagawa mo tim. Siguro pahintulutan na ito ng diyos na panahon na para magkita kami ni carlo. Oh nagkataon lang talaga.basta masaya ako.

         Nasa front seat kami ni deo ng eroplanong aming sinasakyan.mga nasa benteng tao lamang ang kasabay namiy sumakay sa private plane. Tahimik ang lahat at nahimbing sa pag tulog si deosa tabi ko muling nag flash back ang lahat sa aking isip ang pagkakakilala namin ni carlo. Sumagi sa isip ko na baka puro kasinungalingan lamang ang lahat ng sinabi ni carlo. Dagdag pa ang pangambang baka gaya lamang siya sa mga nakilala ko noon. Sana hindi siya katulad ng mga mapanlinlang na tao sa maynila. Pakiramdam ko naman na iba siya sa mga nakilala ko. Sa pinaparamdam niyang sensiridad sa akin araw araw ay sapat na para hindi ko siya pagdududahan. Ganon na lamang ang pagkasabik ko na siya'y makita at makasama sa personal. Ganito lang talaga ako, halong pagkasabik sa aking mga magulang na nasa ibayong-lugar. Sampung taon ko na sila hindi nakikita. Ngunit hindi ko nakaligtaang makipag-usap sa kanila gamit ang "skype" sa aking laptop. Ika nga sa sikolohiya, "a person who chose to be alone, misses and seek for belongingness".

          Ewan ko ba kung bakit ayaw ko pang sumunod kina mama at papa sa amerika. Gayong wala na akong iisiping problema sa pag-alis. Siguro ay ma mga bagay pa akong gustong patunayan sa aking sarili. Ayaw ko nang nag-iisa ngunit mas pinili kong mapag-isa. Andaming katanungan sa aking isip na kumakatok ngunit aking hindi pinagbubuksan ng pinto. Hindi pa ako handang sagutin ang lahat ng ito. May tamang panahon at sa tingin ko ay hindi pa ngayon. Isang oras na lang ay nasa abu na kami ni Deo.


        Paglapag ng aming eroplano sa abu airport ay dumiretso kami sa among hotel. Nagpalipas kami ng pagod sa byahe. Habang kumakain kami ni Deo ay ikinuwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa amin ni Karlo. Namangha siya ngunit nariyan ang kanyang pag-aalala sa akin. Na baka raw ako ay mapahamak sa akinhg gagawin. Hindi mawawala ang panganib sa ating paligid kung tayo ay matatakot lamang. Matuto tayong sumubok at lumaban para malagpasan ang pangamba. Sinambitaw ko kay Deo "basta ang akin lamang ay mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Narito lamang ako para tulungan ka ha, Tim". "Anong oras daw ba kayo magkikita?" "Bukas pa kami magkikita, mga alas dyes  ng umaga."

       Sa sobra kong kasabikan ay dumating ako sa shangri-la ng maaga. Tumuloy ako sa isang restaurant at tsaka nag-order ng maiinom. Kinakabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko ay sasabog  ang aking dibdib. Sinuot ko ang kulay pulang long sleeve ko at siya naman daw ay magsusuot ng kulay berdeng polo. Tila bagang pusang hindi mapakali ang nangyayari sa akin. Nang sulyapin ko ang bandang entrada ng restaurant ay may nakita akong lalaking matangkad, maputi, makakapal ang mga kilay, mapupula ang labi at higit sa lahat nakasuot ng kulay berdeng polo. Hindi ako nagkakamali siya na si Karlo ang kachat ko sa peysbuk at Skype. Hihimatayin yata ako sa sobrang kilig na aking nararansan. Biglang nagring ang aking cellphone at sa screen ng aking cellphone ay si Karlo ang nakarehistro. Dali-dali kong sinagot "Hello Karlo. Nasaan ka na? Nandito na ako sa restaurant na pinagkasunduan natin. Nasaan ka na ba? Nandito na ako sa loob. Saang section ka ba nakaupo? Andito ako sa may bandang VIP seats Karlo, tingin kang kanan kakaway ako. Ano? Nakita mo ba? Oo ikaw nga nakapulang long sleeves. Baba ko na tong cellphone ha. Lumapit ka na. Osige."
Lumapit si Karlo sa mesang kinauupuan ko at siyay umupo. "So nandito na tayo sa pinakahihintay nating sitwasyon. Finally we meet in person. How was that Tim? Hi! I'm Timothy Reyes.  So nice to meet you Karlo Montenegro." Sabay tawanan ng malakas."Alam mo ang charming mo in person Tim, Hindi ko inakalang ganyan ka kagwapo. Well! Thank you for that. I guess you're surprised. Totally. I was expecting that you're cute and funny. But now you're too formal. Kmausta ang byahe niyo? Ayon nakakapagod but worth it naman. I hope nagenjoy kayo dito sa Cebu. Oo naman. Ngayon pa lamang ay nageenjoy na ako. Talaga? That's nice Tim. Mag-order na tayo. Ano gusto mo? Rice meal? Okay lang. Sige ako na in-chrage dito. Waiter. Two orders of this and wine for two. That's all. Thank you. Mahilig ka palang uminom? Oh my Hindi naman gaano.

       Ikaw umiinom ka ba ? Oo, sometimes and kapag may okasyon. Really. Ano impression mo sa akin Karlo ? You are so formal, sophisticated guy and brainy the way you smile it kills. Does ? Yes you are. Eh, pasmo sa akin Tim ? Well you surprise me Karlo. I didn't expect na ganyan ka kagwapo at kakisig. I was expecting an ordinary and slim guy. Anyway nahihirapan ka bang tumuloy dito ? Hindi naman. I enjoyed my trip. Nasaan nga pala si Deo ? He's on a massage house somewhere in Mactan. Solo flight siya. Oo kasi alam niya namang magkikita tayo and he wanted us to talk in private. He is a good friend. Right ? Yes he is . I treated him as my brother not a bestfriend. Oh ang sweet niyo naman.Thankyou. But anyway, tell me more about your life.You know just to have the conversation. Nasabi ko na lahat-lahat sayo Tim. Wala na akong maikukwento. Okay kahit isa wala na ?. Oo Tim wala na. Ang saklap na. Bakit ? Kasi you really trusted me about everything to yourself. How about you Tim? Mayroon ka pa bang hindi nakukwento sa akin ? Nothing Karlo . Lahat nasabi ko na rin sayo. Nakakatuwa naman. Wala na tayong mapagusapan. Eh ikaw pa naman nagkwento araw-araw tapos wala man lang day-off. So kain muna tayo. After let's have walk. Okay ?.


       Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa pasyalan ng Shangri-La Hotel. Doon kami naglakad-lakad at nagkausap pa sa mga bagay-bagay na hindi pa namin alam.
Niyaya ako ni Deo sa isang night ground party sa may private resort sa tabi ng aming tinutuluyang hotel. Hindi ako nakatanggap dahil siya ang may sagot ng among bakasyon.
Dumating kami sa venue nagparty. Di-mahulugang karayom ang aming nadatnang pangyayari. Maingay ay ang lahat ay nagkakasiyahan. Nariyan pa ang dance floor na halos lahat ng sumasayaw ay nagkakabungguan na sa sobrang dami ng tao. Wala kaming kakilala ni Deo sa party ngunit a t dahil marunong kaming makipagsosyalays. Nakakilala kami ng makakausap at makakasama.

     Si Sofia isang party lover. Maganda, maputi, sexy at madaldal. Bakasyonista rin siya gaya namin. Kaya't agad namin siyang nakasundo.

       Sa aking paglilibot sa venue, namukhaan ko ang isang lalaking nakashort at may kaakbay na babae. Hindi ako nagkamali siya si Sofia na aming nakilala kanina. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib at si Karlo ang kaakbay ni Sofia. Nanlumo ako sa aking nakita. Si Karlo at si Sofia nga, magkakilala sila. Patay malisya akong dumaan sakanilang harapan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tinawag ni Sofia ang aking pangalan. "Tim, saan ka pupunta? Ha? Dito lang magpapahangin lamang. Halika muna saglit. May ipapakilala ako. Mas lalong bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso. Nang ako'y lumapit, nakita kong nakatitig sa akin si Karlo. Namumula at parang nakakita ng multo. Karlo by the way si Tim. Tim this is Karlo my boyfriend. Hi nice to meet you Karlo. I gotta go guys. Agad? Bakit Tim? Ah wala. Gusto ko lang magpahangin medyo naninikip lang ang aking dibdib. Si Karlo ay walang imik na para bang hindi kami magkakilala. Magkahalong galit at panlulumo ang aking naramdaman nang gabing iyon.

       Kinabukasan ay ikinuwento ko ang lahat kay Deo at payo niya ay huwag ko nang kakausapin si Karlo pagkat isa siyang manloloko. Wala siyang pinagkaiba sa mga nakilala ko noon. Naluha ako nang maisip ko ang mga sinabi sa akin ni Karlo noong nasa Maynila ako na siya raw ay single at nag iisa sa buhay. Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang. Hindi ako umasang magkakaroon kami ng relasyon ni Karlo ngunit ang pinanghihinayangan ko ay ang tiwalang binigay ko sakanya.Habang nasa hapag kainan kami ni Deo ay tumawag si Karlo. Humihingi siya ng paumanhin dahil hindi niya nasabi sa akin na siya ay may karelasyon. Ang sabi pa niya ay baka ako raw ay magalit. "Alam mo Karlo, I'm not asking for a favor. All I wanted to have is a true and honest friendship with you. That's it. As simple as that. But you lied.

     The best thing for us is to forget everything what we have. Just pretend that nothing happened. Ayokong makasira ng isang relasyon dahil kapag nangyari iyon. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili, napakaswerte ni Sofia sa iyo. Dahil everything na hinahanap ko sa isang lalaki, ay nasa iyo. All I wantend was you to be honest because I trusted you so much Karlo. Alam mo ba iyon? Ha? I'm sorry Tim, I was planning to tell you everyo but. But what Karlo. Dahil ayokong magalit ka sa akin para hindi ako magmukhang tanga. Friendship lang ang gusto ko, not anything else. I'm really sorry Tim. I hope you forgive me. Ito tatandaan mo Karlo a liar will always be a liar. Ang mabuti pa wag na tayong magusap pa kahit kailan. Let's end this up into this way.I hope maging masaya kayo  ni Sofia. Don't worry I'll be fine. Tim, Tim Please give me another chance. I will give you but not now. Maybe in the right place and time.I have to go Karlo.Goodbye!, Tim,Tim,Tim.


       Ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa kalungkutan at panghihinayang. Bumalik ng Maynila sina Deo at Tim na parang walang nangyari. Nagpasya si Tim na lubusan ng kalimutan si Karlo at nag pokus na lamang sakanyang trabaho. Dahil labis itong nasaktan sa mga nangyari. Paulit ulit lamang ang mga nangyayari sa buhay niya. Ipinangako niya sa sarili na hinding hindi na siya magtitiwala sa mga taong makikipagkilala sakanya sa social media. Sa karanasang iyon sa buhay niya, mas lubos siyang naging maingat sa pakikipagkaibigan dahil sa pangambang nakasalamuha ulit ng isang taong Pampeysbuk lamang ang kayang gawin.