“Pagbangon mula sa matinding Unos”
Naranasan
mo na bang masaktan, mabigo at iwanan? Masakit! Ang mga pakiramdam na ito hindi
ba? Iyan ang iyong unang mararamdaman sa mga oras na maramdaman mo ang mga
iyan. Parang pinupukpok ang iyong puso sa hapdi na madarama.
May
mga taong kapag nabibigo, nasasaktan at iniiwanan ay kung anu-ano na ang mga
ginagawa nila sa kanilang buhay. Lahat ng tao nakakaranas nito. Walang tao na
hindi ito nararanasan lalo na ang mga kabataan ngayon kapag nasasaktan
nagpapakamatay, naghihiganti at sinisira ang buhay.
Mayroon akong ipapakilala sa inyo na
nakaramdam na rin ng ganitong sakit.
Si
“Rocky” ay isa sa mga babaeng nabigo, nasaktan, umasa at lumuha. Sa mura nyang
edad ay sinubok na siya ng mundong ito. Siya ay nasa Labing-Anim na gulang pa
lamang ng hamunin ng mundong ito. Nabibilang siya sa “broken family.” Nag
hahanap siya ng kalinga ng mga magulang. Sa kadahilanang wala na itong mga
magulang dahil sa paghihiwalay. Ang kanyang ama ay mayroon nang ibang pamilya,
at ganoon din naman ang kanyang ina. Kaya naman ang nagbibigay kalinga na
lamang sa kaniya ay ang kanyang lola. Sa sobrang paghahanap niya ng kalinga ay
may nakilala siyang lalaki na minahal niya ng buong-buo. Ibinigay niya ang
lahat ng kagustuhan ng lalaki at sa bandang huli ay iniwanan at sinaktan lamang
siya nito. Hindi na rin siya nakakapag aral dahil sa hirap ng buhay. At nang
dumating ang araw na pumanaw ang kaniyang lola na isa sa mga nagambag ng
kaligayahan sa kaniyang buhay. Sila na lamang ng kaniyang nakababatang kapatid
ang magkasama sa buhay. At sa kasalukuyan mayroong lumapit kay rocky habang
ito’y umiiyak
.
.
Marlon:
Hello miss, maaari ko ho bang malaman kung bakit ka umiiyak diyan sa gilid?
Rocky:
Sino ka? At ano naman ang iyong pakialam kung umiiyak ako rito?
Marlon:
Paumanhin kung ako sa iyo’y nagtatanong. Gusto ko lamang tulungan ka.
Rocky:
Ngayon mo pa nga lang ako nakita, tutulungan mo kaagad ako? Alam mo kung ano
yung gusto ko? Ang mawala dito sa mundo gusto ko nang gilitan ang aking buhay
para hindi na ako nahihirapan!
Marlon: Alam mo mahal na mahal ka ng Diyos. Mahal na
mahal ka.
Rocky: Ako mahal ng Diyos? Hindi ako mahal ng Diyos
bagkus kung mahal nga niya ako hindi niya hahayaan na magkahiwalay ang mga
magulang ko, hindi niya hahayaan na iwanan at lokohin ako ng pinakamamahal kong
lalaki, hindi din niya kukunin saakin ang lola ko na tanging ayon nalang ang
nagmamahal sakin at may kababatang kapatid pa ako na hindi ko pa kayang alagaan
sa kadahilanan na wala na ang aking kinabukasan.
Marlon: Mahal ka ng Diyos! pinaparanas lang sayo iyan
ng Diyos para maalala mong lumapit sa kanya.
Rocky: Sa ganitong gulang grabe naman ang binibigay
niya sakin! Hindi ba Siya naaawa sakin?
Marlon:
Huwag mong tanungin ang Diyos ng ganyan.
May plano ang Diyos sayo, sakin at sa lahat. Tuluyan na ngang nawala na
ang tiwala mo sa Kanya.
Rocky:
Oo, Wala na akong tiwala sa kanya.
Marlon:
Miss, huwag kang mawalan ng tiwala sa Kanya. Alam mo bang parehas tayo ng
pinagdaanan. Ganyan na ganyan din ang buhay ko. Isa ako sa mga may sirang
pamilya, iniwanan ng minamahal at nawalan ng mahal sa buhay nasa Labing- Limang taong gulang palang ako
noon. Pero bigla kong naalala ang Diyos.
Naisip kong iniwanan man ako, nasaktan, at nabigo. Ang Diyos hindi ako iniwan
nakaluhod na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ang kamay ng Diyos ay
patuloy pa rin akong inaangat.
Rocky:
Talaga? Parehas tayo ng sitwasyon?
Marlon:
Oo, kaya huwag kang magalit sa Kanya. Magpasalamat ka sa kanya kasi hindi niya
hinayaan na mawala ka sa mundo at hindi niya hinayaan na wala kang makakasama.
nandiyan pa ang iyong kapatid para hindi niya maranasan ang hapdi na
nararanasan mo ngayon.
Rocky:
Salamat sa pakikinig mo sa akin kahit na tinataasan kita ng boses. Oo hindi ko
ipaparanas sa kapatid ko ang hapdi na para bang wala ng Pag-asa sa buhay.
Marlon:
Ok lang iyon, Naiintindihan kita.
Rocky:
Salamat sa Diyos kasi ikaw yung ginamit niya para maging maayos , malinaw at
maluwag ang nararamdaman ko. Salamat ulit sayo..
Sa
ganitong sitwasyon hindi ito dapat pinapatagal. Oo mahirap bumangon lalo na’t
kapag nasaktan ka talaga ng sobra pero ang importante ay ang pagbangon mo sa
matinding unos. Hindi mo makikita ang kinabukasan mo kung hindi ka tatayo sa
hinaharap. Ang problema at pagsubok ay kasama sa takbo ng buhay natin. Depende
nalang kung paano natin ito dadalhin. Hindi nagkamali ang Diyos kung anoman ang
nararanasan natin ngayon dahil sa bawat
pagluhod at pagdapa mo may nakukuha kang aral. Kung hindi natin ito mararanasan
hindi tayo matututo at magiging matibay.
Kungbaga sa bahay hindi makakatayo kung wala ang pundasyon nito. Araw-araw
parang may digmaan huwag mong hahayaan na matatalo ka. Nabigo, Nasaktan, Iniwan ang importante ay ang PAGBANGON MO!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento