My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

"WIKA" - Jamie Fallera

Ang wika ay isang pamamaraan upang magkaroon ng pagkakaisa ang isang lahi maaaring gumagamit ng iba't ibang wika ang ang isang bansa subalit hindi mawawala ang wikang pambansa. Paano nga ba nila nakuha ang nga salita na itinutumbas nila sa wikang ingles? Paano natin naisaisip na ang salitang yan ang ibig sabihin ng pinapatumbas natin sa wikang dolyar? At bakit natin naisusulat at nasasabi ang mga salitang ito? Paano nga ba? Napakarami sigurong aspeto ang kanilang isina alang alang upang makabuo ng mga salitang ginagamit natin ngayon. Ilang libong salita na nga ba ang lumalabas sa ating bibig araw araw? Napakadami! Andami nating tanong kung papaano nabuo ang ating pambansang wika. Paano nga ba ito nagsimula? At sino ang gumawa?

Nakakalungkot nga lang isipin na sa ngayon, naisasawalang bahala na natin ang wikang binuo ng ating mga ninuno. Madalas na nating ginagamit ang salitang ingles na dapat ay para lamang sa taong mamamayan ng ganitong salita ngunit hindi dito sa atin. Mahalagang parte ng buhay natin ang wika dahil ito ang nagdudugtong sa atin, ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaintindihan. Nakakatakot lamang isipin na baka sa mga susunod na henerasyon ay tuluyan ng mawawalan ng importansya ang ating pambansang wika.
Tayong mga kabataan, dapat nating tangkilikin, gamitin, at bigyan ng importansya ang ating wika upang sa gayon, mapanatili natim ang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento