My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

AKO SA POLITIKA - Jillanne Joi Quintos

Ano nga ba ang politika? Ang politika ay binubuo ng mga taong  nagpapatakbo ng ating gobyerno. Sakanila nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa .  Ngunit tama nga ba o makatwiran ang pamamalakad nila sa ating bansa?


 Pilipinas. Kung saan ang normal lang ang batang nakahubad sa lansangan. Kabataang sumisinghot ng pandikit ng sapatos sa loob ng plastik. Matatandang namamalimos sa daan karay-karay ang kanilang inosenteng apo.

Pilipinas. Pilipinas sa pinamumunuan ng buwaya. Lahat sila, mabuting tao man o hindi, kurakot. Dun ka nalang pipili sa "lesser evil".

Si Santiago ay isa sa mga may matataas na posisyon sa Pilipinas. Isa sa siya sa mga nagsasaad ng batas. Ang kaniyang boses ay totoo namang esensyal sa bansang ito, kaya naman siya rin ay kabilang sa mga makapangyarihan. Isa siyang gobernador.

Isang araw matapos ang eleksyon, may nahalal na bagong Mayor ng San Ildenfonso, si Mayor Marco Sevilla. Si Mayor Sevilla ay isang baguhan sa larangan ng politika. Hangarin niya na mapabuti ang buhay ng nasasakupan. Sinimulan niya ang pagtigil ng kurapsyon sa pamamagitan ng kaniyang pilosopiya sa buhay, ang maglingkod sa iba bago ang sarili.

Sa kabilang banda, si Gobernador Santiago ay isa sa mga pasimuno ng illegal logging. "overpricing" at pagnanakaw ng kaban ng bayan. Isa sa kaniyang kalokohan ay ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan upang ibenta. Habang tumatagal, nalulugi ang senador. Nawawalan sila ng mga punong pinuputol, nababawasan ang kanilang pinagkikitaan. Ayon sa mga sabi-sabi, hinaharangan daw ni Mayor Santiago ang kanilang mga transakyon,

Kinausap ni Gobernador Santiago si Mayor Sevilla at binigyan ng sobreng may laman na pera upang manahimik ito. Ang sabi pa ng senador, makisali lamang si Sevilla sa kanila at siguradong mas lalaki ang kaniyang pera.

Itinulak palayo ng mayor ang sobre at tinaggihan ang alok ng gobernador. Ika niya, hindi nabibili ang kaniyang dignidad.

Nagalit ang gobernador ngunit hindi niya ito pinahalata. Sa halip, pinaramdam niya sa mayor na kakailanganin siya nito. Kaya naman nang may epidemya na lumaganap sa buong at ang gobernador lamang ang makakatulong sa kaniya, lumapit na ang mayor sa kaniya. Sa pangalawang pagkakataon, inalok ng gobernador kay Sevilla ang kaniyang inalok dati, ngunit sa pagkakataong ito, ang alok ay doble pa sa nakaraan.

Nagtatalo ang dalawang bagay sa utak ni Sevilla. Kaligtasan ng mamamayan o kaniyang pilosopiya? Hindi niya makakayang ilagay sa panganib ang kaniyang nasasakupan, ngunit hindi niya rin kayang sirain ang sarili niyang pilosopiya.

Lumala ang epidemya. Dumarami na ang nagkakasakit, kaya naman gumawa na ng paraan ang mayor at nanghingi ng tulong sa ibang mga may katungkulan. Lahat ng pwedeng lapitan, nilapitan niya. Lahat ng pwede, maliban kay Gob. Santiago. Gumaling ang mamamayan at bumalik sa normal ang lahat pero sa pagkakataong ito, mas maunlad.

Ano ang aking pinatutunguhan sa maikling kwentong ito? Hindi ito simpleng pagkukumpara sa dalawang politiko. Sa halip, ito ay representasyon ng mga kaganapan sa ating bansa. Marami sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan ngayon ay nasisilaw sa halaga ng mga salaping kanilang hinahawakan. Sa simula'y tila tumatanggi, ngunit sa bandang huli ay bibigay rin.

Kung ang isang tao'y naghahangad magingpinuno ng bansang ito, nararapat lamang na hindi niya isipin ang kaniyang sarili. Bagkus, unahin ang kaniyang nasasakupan dahil kung hindi dahil sa mga taong bumoto sa kaniya, hindi siya makakarating sa pwesto kinauupuan niya ngayon.Hindi kailangan ng bansang ito ang isang tao na susunod lamang sa kung anong isinasaad sa batas. Kailangan ng bansang ito ng isang taong isinasabuhay ang batas, konstitusyon man o moral na batas. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento