My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

Musika: Sa Mukha Ng Makabagong Henerasyon ni: Jessa C. Villamor

      Sa panahon ngayon, marami ang nahihilig sa musika. Isang mahalagang  sining kung ituring sinuman sa atin.  Aaminin ko, malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa akin, parang kulang ako kung walang napapakinggang musika sa araw-araw. Kung tawagin baga “OA”na, pero wala eh, masaya ako kapag nakakarinig ako at nakikisabay sa indayog ng musikang ibig ko. Kung tutuusin  bahagi na ng  mayamang malig ng musikang pinoy ang klasikong musika, masaya, romantiko at makabuluhang awit na noon ay sikat at may tagos pusong mensahe sa mga tagapakinig at tumatangkilik.
 Ngunit sa kabilang banda, tila nalimot na ng iilan sa atin, ang mga klasikong musikang sariling likha ng bayang kinagisnan.  Isang awiting nagbibigay kasiyahan  lalo na kung natutugma ito sa yaong nararamdaman, kumbaga masayang awitin para sa mga taong masaya, mayroon ding “senti” kung tawagin sa mga taong gustong mag-isa at nalulungkot, relihiyosong awitin sa mga taong relihiyoso, tulad ko bilang kabahagi ng isang musikang ministro sa aming parokya, maligaya at masarap ang pakiramdam kung nageensayo at umaawit ng awiting “Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos sa kaitaasan…” isa yan sa mga awiting nagpapadama sa akin ng kaluwalhatian ng ating Panginoon, sa ganoong paraan alam kong masaya at magaan ang pakiramdam ko,at higit sa lahat mga awitin ng mga magsing-irog, kung minsan pa nga ay ginagawang “theme song”tulad ng “ikaw ang hulog ng langit! Ikaw ang aking Pag-ibig..” korny man sa pandinig sa kasalukuyan, isa rin sa mga awiting tumatatak sa atin…,hep’hep’hep mayroon ding mga musikang kuhang-kuha ang panlasa, kinababaliwan, kinagigiliwan o“trip” kung tawagin ng mga kabataan sa kasalukuyan. Yaong mga awiting buhat sa ibayong dagat na may kakaibang himig o ritmo na swak na swak sa mga kabataang di kaila sa isang tulad ko, na ngayo’y napalitan na wari sa mga kinagigiliwang  tugtugin at awitin ng makabagong henerasyon.
     Isa ka marahil tulad ko sa napaindak ng awit at kakaibang tugtuging..” Eh, sexy lady Op, op, op, op Oppa Gangnam Style..” nakakatuwang isipin na dumating sa punto na inaral ko ang mga indak ng sikat na awiting ito ng isang Korean singer na si “Psy” bata man o matanda, nakuha nito ang kiliti ng karamihang pinoy, kahit hindi naiintindihan anuman ang sinasabi at kahulugan nito.  Aaminin ko isa ako kaibigan, sa nahihilig sa mga musikang “Kpop”, kakaiba kasi ang epekto nito para sa akin, Halos anim na taon na akong ganito, inaaral at sinasabayan ang mga awitin ng mga iniidolo ko, isa na rito ang 2NE1, Reyna ng makamundong  musikang ginagalawan ko, sa kadihilan  simula nung hayskul,  kahit tila “weirdo” o kakaiba kung ituring ako ng ilang kamag-aral kesyo Naiitindihan ko ba raw ang kantang ito? Alam ko ba raw ang sinasabi at gustong sabihin ng kumakanta eh Korean nga? Sa mga sandaling iyon tila wala akong pakialam sa mga sinasabi nila, kaya napapakanta lang ako  ng “I Don't Care Geumanhallae Niga eodieseo mwol hadeon ije jeongmal sanggwan Anhalge Bikyeojullae Ijewa ulgobulgo maedallijima 'Cause I Don't Care eh eh eh eh eh I Don't Care eh eh eh eh eh…” hanggang ngayon, marahil isa lng ako sa mga kabataang masasabing nabighani ng musikang banyaga, ngunit hindi ko ipinagsasawalang bahala ang mga Musikang Pinoy o “OPM”, sa katunayan mahilig din ako sa mga awiting klasikal tulad ng” Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo..” at Hoy! Pinoy ako! Buo aking loob may agimat and dugo ko” ilan sa mga awiting sumasalamin sa damdamin at saloobin ng bawat isa sa atin, sa paglipas ng panahon namulat ang aking musmos na kaisipan  sa sining at kahalagahan ng musikang Pilipino.
Sa patuloy na pagtangkilik at pagyakap sa banyagang musika, unti-unting naglalahong parang bula ang sining ng musikang sariling gawa natin, isang kaisipan at realidad sa kasalukuyan, sabi nga sa awit ng klasikal na bandang “ASIN” na aking napakinggan isang araw,  pagsakay ko sa isang bus na ”Huwag mong sayangin ang panahon, ‘pagkat ito’y may hangganan, buksan mo ang pintuan, kasama ng iyong puso…”bilang kabataang tulad ko na produkto ng makabagong henerasyon ay naniniwala ako na hindi pa huli ang lahat, pwede mo namang tangkilikin ang musikang ibig at hilig mo mula sa ibayong dagat, basta’t hindi mo nakakaligtaang  pagyamanin at payabungin  ang musikang sariling atin, para sa mga darating pang mga panahon ay manatili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento