My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"SAKSAKAN" - Mate, Rosanna Lyn O.
Bakit nga ba ang mga kolehiyong estudyante ang unang hanap sa silid aralan ay ang saksakan? Saksakan na kapag Wala ng makitang pwesto ang mga Estudyante nag sisimula ng mag init ang ulo. Ang mga estudyante na tila mga mandirigmang sumusugod sa silid aralan nag uunahan maka plug in lang makapag charge lang ng mga cellphone , cellphone na low bat kaka Selfie, Text at kung ano ano pa. Halatang halata na sa makabagong panahon karamihan sa kabataan ay lulong sa paggamit ng mga gadgets. Saksakan na hindi lamang literal dahil ang saksakan ay sumasalamin sa bawat ugali ng bawat isa. Ang saksakan na handang kayanin at intindihin ang pag uugali ng bawat isa at saksakan na handang kayanin ang lahat ng umaasa sa kanya mapunan lang pangangailangan ng bawat isa sa atin.

1 komento: