My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"BLADLAYN" - Janella Ira Rose Hamdan

Ang bladlayn (bloodline) ay isang kwento na nagbibigay katotohanan sa katagang “kung ano ang puno, sya ring bunga”. May mga bagay tayong napagdidisisyunan sa buhay na labag sa kagustuhan natin. Gaya na lang ni Allen Elisalde. Nasa puso na nya ang sining simula pa ng bata sya. Mahilig sya magpinta. Sa katunayan nasama na sa isang prestihiyosong eksibit ang isa sa mga likha nya. Mahusay na Sining (Fine Arts) ang gusto nyang kunin sa kolehiyo, ngunit hindi sang ayon dito ang kanyang ina. Si Corazon Elisalde, ang ina ni Allen. Ang gusto nya sa anak nya ay kumuha ng medisina. At walang nagawa si Allen kundi sundin ang kanyang ina. Nasa ikatlong baiting na si Allen sa kolehiya. At sa kanyang pag-uwi, laging nadadaanan ng jip na sinasakyan nya ang National Museum na tila lagi syang hinihila papasok. Ang kanyang ina na madalas nyang naabutan sa bahay nila na lango sa alak. Ganito na lang araw araw ang nangyayari simula nang iwan sila ng tatay nyang si Ruben Elizondo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento