My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

Lalane T. Espinosa -"Ang tunay na kahulugan ng pagiging Sensitibo"


Minsan nang sumagi sa isip ko ang mga karumal-dumal na bagay. Mga laman loob at iba pang makababaliktad ng iyong sikmura. Ngunit, habang tumatakbo ang orasan papalayo sa katotohanan. Naisipan Kong magsulat ng mga bagay tungkol sa realidad at ika'y may kapupulutang aral. Ang naisipan kong into. Ay ginawan ko ng kwento. Ito'y kwento ng isang binatilyo, na kung makabanat ng buto eh parang wala ng bukas. Sa makatuwid siya'y basagulero. At doon lang umiikot ang buhay niya sa pambubugbog. Bago kumain, pagkatapos kumain, bago matulog, at kahit pa sa paggising. Sa skwelahan mayroon siyang nakilala, pangalan niya si Lala. Yun ang katapat niya kasi ubod ito ng ganda, at yun ang kaisa-isang taong Hindi pa niya nabubugbog sa klase. Sabi nga ng iba maaaring may gusto siya Kay Lala.

Si Lala Ay sensitibo, matalino, at alam niya ang sasabihin o gagawin dahil naiintindihan niya ang sitwasyon mo.
Natutunan niyang maging ganito simula nung napukpok ang kaniyang ulo. Alas 3 ng hapon ng may napulot siyang isang pilas ng libro at nakita niya ang malaking sulat nito. "SENSITIVITY TRAINING." Naisip niyang "Bakit kailangan pa ito pagaralan diba habang tumatanda tayo dapat natin itong takasan? Dapat nga'y atin itong angasan at Hindi na hayaang masaktan sa mga bagay na alam naman nating may solusyon pa." At sinaliksik niya nga iyon. At nakita niya ang mga iba't-ibang pambalat-sibuyas na mga kahulugan nito. Si Lala ay natulala. Kakaiba ang naramdaman niyang iyon. Biglang humarurot sa utak niya ang mga alaalang nakapagtatakang magagawa niya. Mga pangyayaring masasabi mong, sana naging parte nalang siya ng molecules sa hangin. O kaya, nagtravel nalang sa parallel dimension ng earth. O nagtungo sa escalator pababa sa inner depths ng subconscious. Tila isang time machine ng bigla niya na lamang naalala lahat iyon. Naisip niyang malaki ang ikinalago niya bilaang isang tao.

Dahil noon siya ay si: maLALAs. Oo, tama. Siguro ubod ng malas , napaka malas, o masasabi Kong kulaaaaang sa diskarte itong si Lala. Isang umaga, nang isinabuhay niya ang isang qoute: " sinabi na ang greatest ideas ay nabubuo sa mga oras na kakagising mo lang at Hindi ka pa bumabangon sa kama. "Tama!" "Astig!" " dapat ganun". ika niya . "Lala!!!!!! Tanghali na! Malala na rin yang katamaran mo nho! " wika ng kaniyang INA. Kaya siya'y nag madali at dali-daling umalis na ng bahay. Sa skwelahan: nakalimutan niyang siya pala ay maguulat kaya nakakuha siya ng mababang marka, "kasii!!!! $#!+®℅®©!" At kahit nakalabas na ng klase. E tila sinusundan talaga siya ng kamalasan. 
"Minumura mo ko?!Lala?! Singko ka sakin." Wika ng guro. Naawa naman talaga sa kaniya ang mga kaibigan niya... Ngunit di talaga maiwasang pagtawanan si Lala, sa mga kapalpakan niya. Kahit gabi na eh mabubuo ang araw mo. Paguwi; pasakay sila ng dyip nauna si Lala, biglang umandar ang dyip kaya ang mga kaibigan niya ay naiwan . Imbis na manahimik at tanggapin nalang na Hindi niya sila masasabay sa paguwi. Ang tanging na sambit niya ay: "MAMA!!MAMA!!MAMA!!" At nanahimik nung nakaramdam na lang ng hiya sa ginawa. At kung Hindi pa niya makikita ang mga taong nakatingin sa kanya ay. Ewaan ko nalang.
Haayyy.. Malala na nga ang Kamalasang natatamo ni Lala. Ano-anong mga bagay Kaya ang nasa isip niya? "Diyos ko!! Bakit ganito ?!pati impyerno sinusuka ako sa malalang kamalasang natatamo ko!. Wika niya. At sa mga alaalang nakapagsmudge ng utak niya, Iyon ay na bura. At tanging natira ang pagtataka ( click). Nakita niya ang tunay na kahulugan nito. Tinayp niya ng maayos. S-E-N-S-I-T-I-V-I-T-Y T-R-A-I-N-I-N-G. Ang training na ito ay para sa mga future human resource managers. Na kung saan dapat mong malaman ang dahilan kung bakit ganyan ang kaugalian ng bawat impleyado. Ito ay ipektibo para sa kalaguan ng isang kumpanya. Dapat na maging sensitibo ka. At alam mo ang sitwasyon ng bawat isa ng sa gayon. hindi ganun ka bigat sa kanila ang bawat task. At yuon lamang ang tanging kahulugan nun. Sa maikling salitang iyon madami siyang natutunan, ang salitang *AWARE* na lagi niya nang pinanghahawakan. Simula noon, madalas niya nang pagisipan ang mga bagay- bagay bago niya ito gawin o sabihin. Hindi tulad noon Basta lamang siya gagawa ng isang bagay at iiyakan nalang sa huli.

"Uhhmm.. Lala! Samahan mo ako sa labas mamaya panuorin mo akong mambugbog!" Kabadog wika ng binatilyo.

"Ah! Oo ba" nakangiting sabi ni Lala. Kinabukasan nanibago ang lahat. Tila may dumaang anghel sa klase o Tila na engkanto ang lahat. Hayy.. Ewan!. Dahil ang binatilyong kilala nilang nagbabanat ng buto ay nasa ilalim na ng puno at nag pe'FLAMES(laro ng mga batang 90's na bawat letra ay may kahulugan para sa inyong dalawa ng iyong napupusuan.)
Dumating nga si Lala. "Ako'y may iniirog, at ikaw iyon lala. Dahil sensitibo ka at alam Kong maiintindihan mo ako." Wika ng binatilyo. "Naku! Mali yata ang pagkakaintindi mo sa sensitibo bata, ako'y sensitibong mature. Ika'y sensitibo ang balat ." wika ni Lala. "Kung gayon ituro mo saakin. Bakit ikaw, marami ang natutuwa dahil ikaw ay sensitibo, ngunit ako wala. Pag hindi nagsasalita sinisikmuraan ko agad e." At nagdaan ang mga taon at sila'y naging magkaibigan, naging magkasintahan. At sabi nila walang iwanan. Maraming natutunan si Lala sa binatilyo kung bakit ba siya nagbabanat ng buto, ganun din ang binatilyo. At kalaunan ay natutunan niya ding maging sensitibo. Naging mas mahinahon at naging mas masaya di tulad dati. Naisipan nilang magpakasal, sa isang dekada nilang pagsasama e wala nang mas sasaya pa. Kulang na lamang e kung biyayaan sila ng supling.
Sinubukan nila, ngunit bihira. "Sensitibo ang matres ni Lala." Wika ng doktor, patuloy parin ang matapat na pagmamahalan nila at naging mas positibo pa. "Oh! Honey may bago nanaman tayong nalaman na kahulugan ng sensitibo." Pabirong sabi ng asawa ni Lala. Sinubukan nila ang kung anu-ano, pinatos na pati Ubando. Sayaw dito, sayaw doon. Umabot ng dalawang dekada sa paghihintay na mabuntis si Lala. At siya nga! Ay na tupad na! " Honey!!! Isang himala! " wika ni lala. Iningatan nila ito at pinalusog sabik na sabik na masilayan ang anghel. Hanggang sa buwanan nito. "Ahhhhhhh!!!!!!" Sigaw ni Lala. 
Ang tanging narinig niya hanggang sa may maliit na tinig na naghaplos ng puso niya para huminahon. "It's a Girl!!" wika ng doktor. At paglabas ng doktor sa pintuang metal. "Ginoo, may Maganda at masamang balita ako. " wika ng doktor. At atat na atat na malaman ang magandang balita. "Malusog ang Bata. " wika ng doktor. Nang biglang makaramdam ng kaba . "At ang masamang balita ginoo ay sumakabilang buhay na ang iyong asawa. Sinabi ko na nga sainyo na sensitibo ang matres ni Lala." Wika ng doktor.
Sinaliksik ko kung bakit sensitibo ang matres ng asawa ko. Nang nalaman ko nalang, nasa elementarya pa lamang siya, madalas binabanatan ng buto si Lala sa klase. At nito ko lang na laman , na ang iniirog ko noong hayskul at tanging babaeng hindi ko pa na bubugbog sa buong buhay ko. Ay siyang dahilan kung bakit ako nagbabanat ng buto noon. Dahil siya si maLALAs at nawala ang kibubuhayan namin dahil sa siya ay malas, ubod ng malas . at malala ang kamalasan sa buhay. Dahil ang sinakyan niyang dyip noon. At dahil sakaniya nakatingin lahat dahil sa kahihiyang ginawa niya. Pati ang tsuper ay nakatingin sa kanya at ito'y bumangga sa aming kinabubuhayang negosyo. 
At ang sigaw na iyon. Ang akala Kong sigaw ni Lala ng matamis na swerte . iyon Pala'y siya ring paalam niya saakin. At wala akong ginawa kundi takpan ang aking tainga, upang takasan ang takot sa likod ng pintuang metal na siya pa lang tanging magiging alalala mo saakin Lala." Wika ng Balo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento