My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Nasa sa iyong mga kamay ang pagbabago" - Judith Gregorio

Paano ka makakaahon sa madilim na iyong kinalalagyan kung ikaw mismo ayaw mo ng pag babago o ayaw mo tulungan ang iyong sarili o kapwa mo?

Sa Panahon na ito isang kahid isang tuka ikaw lang mismo ang makakatulong sa iyong sarili. Mahirap maka ahon pero kung ikaw ay pursigido o determinado tiyak na malalagpasan mo ang pag subok. Ang pag babago ay di lamang para sa iyong sarili. Ito ay maaring pwede din para sa ibang tao o mga taong nag mamalasakit sayo. 

Sa Kabilang banda ang pag babago ay di natin maiiwasan. Sapagka't kung walang pag babago wala ka matutunan. Halimbawa sa kasabihan na hindi masama na ipinanganak ka na mahirap. ang masama ang mamatay ka ng mahirap. Ibig sabihin hindi ka gumawa ng paraan para mabago ang iyong kapalaran. Binigyan tayo ng panginoon ng pagkakataon para mabago ang mga mali. Huwag sana natin sayangin ang pagkakataon na mabago ang mapait na kinalalagyan gamit ang ating mga kamay.

1 komento:

  1. pagbibigay impormasyon at panghihikyat. magisip ng mga mabibigat na pahayag na maaring mapaisip ang mambabasa.

    TumugonBurahin