My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

Nasa Iyong mga Kamay ang pagbabago - Judith Gregorio

Paano ka makakaahon sa madilim na iyong kinalalagyan kung ikaw mismo ayaw mo ng pag babago o ayaw mo tulungan ang iyong sarili?

Mga Tips

Kung ikaw ay sawi sa pag-ibig

1. Iiyak mo lang lahat ng nararamdaman mo hanggang mag sawa ka sa kaka-iyak.
2. Isipin mong hindi lang ikaw ang nag iisang sawi sa mundo.
3. Isipin mo na mahal ka rin ng pamilya mo bukod sa taong iniwan ka.
4. Tulungan mo ang iyong sarili na bumangon at mag simulang muli na may ngiti sa iyong labi.

Kung ikaw ay lulong sa droga, alak at sigarilyo

1. Isipin mo na sa bawat halaga na ginagastos mo para sa iyong bisyo ay mas makaka-tulong sa iyong kinabukasan kung ito ay iipunin mo na lamang.
2. Ang Droga, Alak at Sigarilyo ay mga panandaliang instrumento lamang na makakapag bigay sayo ng panandaliang saya ngunit hatid nito ang pansamatagalang pag hihirap lalo para sa mga taong nag mamahal at may malasakit sayo.

Para sa akin mahirap talaga bumangon kung ayaw mo mismo tulungan ang iyong sarili pero kung ikaw ay determinado tiyak na malalagpasan mo ang pag subok. Ang pag babago ay di lamang para sa iyong sarili. Ito ay maaring pwede din para sa ibang tao o mga taong nag mamalasakit sayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento