Umaga na naman. Panibagong araw para sa trabaho. Panibagong araw para sa nakakapagod na mga gawain at panibagong suliranin ang kailangan alamin upang may mai-report sa boss kong napaka initin ang ulo na para bang pinaglihi sa galit. Ako nga pala si Dave. Isang trainee bilang manunulat mula sa kilalang pahayagan dito sa Pilipinas. Narito na naman ako sa gitna ng mahabang pila sa MRT. Ito ang libangan ko habang naghihintay na makasakay, ang gawing talaarawan ang aking cellphone at ilipat sa aking blog kapag may libreng oras.
Heto
na, nasa hagdanan na ako. Konti na lang ay makakasakay na din ako. Hindi na bago sa aking paningin
ang siksikan, pagpapaypay ng kapwa ko pasahero, mga nagagalit, naiinis sa
mabagal na pagdating ng tren, mga naghihimutok
na male-late na daw sila sa
kanilang mga trabaho.
“Pansamantala
pong maaalintana ang pagdating ng tren dahil sa konting aberya lamang po.
Maraming salamat sa inyong pag unawa”
Nag
ingitan ang mga pasahero sa pagkadismaya. Madami ang nagsibabaan at magba-bus
na lamang daw sila. Ako? Maghihintay ng tren dahil alam kong hindi din ako
makakasakay ng bus.
“Hello
Ma’am? Mahuhuli po ako ng dating pasensya na po. Nagkaaberya po kasi sa MRT,
wala naman po akong ibang masasakyan. Talaga po ma’am? Salamat po.”
Narinig
kong lintaya ng babae sa kanyang kausap. Katulad ko ay naghintay din siya.
Maya-maya pa ay dumating na ang tren at nakasakay na din ako kahit na siksikan. Pagdating ko sa aming
opisina ay bumungad ang boss kong nanggagalaiti sa galit.
“Dave!
Late ka na naman! Ida-dahilan mo na naman yang MRT na yan!” ani ni Boss Vic
Nanatili
akong walang imik.
“Tutal
suki ka naman ng MRT na yan, gumawa ka ng artikulo tungkol sa MRT at idagdag mo
na din ang LRT 1 at 2. Ang deadline niyan ay sa Biyernes.”
Miyerkules
ngayon at ang deadline nito ay sa Biyernes agad. Napa kamot na lang ako ng ulo
at lumabas para simulan na ang kanyang utos. Mahirap ng magahol sa oras.
Binuksan ko ang aking laptop at nagsiyasat tungkol sa MRT at LRT. Naisip kong
hindi sapat ang mag research lang kaya naisip kong lumabas at humanap ng
makakapanayam na nakakaranas na maka sakay sa MRT at LRT. Pumunta akong LRT
line 2 sa Pureza station. Mga grupo ng
mga estudyante ang naisipan kong kapanayaminn.
“Magandang
umaga. Ako si Dave mula sa pahayagang Bulgar. Maari ba akong magtanong ng
inyong komento tungkol sa LRT? Yun ay
kung hindi kayo nagmamadali.”
“Ok lang po. Pauwi na din naman
po kami. Ako nga po pala si Josephine.”
“Mabuti
kung ganun. Ano bang palagay niyo sa LRT ngayon?
“Sa ngayon nakakatulong din ang
bago nilang nilabas na Beep Card lalo na sa aming mga estudyante. Nakakahassle
lang talaga eh yung siksikan lalo na kapag rush hour. Ako nga po pala si Kaye”
“Wala namang pinagkaiba ang MRT sa
LRT. Ang LRT nga lang eh mas maganda kumpara sa MRT dahil mas bago ito. Ako po si
Jed”
“Naranasan niyo na din bang
masiraan ng tulad sa MRT?” tanong ko.
“Ako po ay hindi pa. Pero sana ay
huwag naman. Huwag naman din sana ito matulad sa MRT.” Saad ni Josephine.
“Para po sa akin talaga mas
maganada ang LRT eh. Madami kasi itiong istasyon at nakakatulong ito ng malaki
saming mga estudyante at sa mga manggagawang sumasakay dito.” ani ni Kaye
“Minsan nga lang po kapag sobrang
siksikan ay di maiwasang magkabanggaan ang mga katawan. Isang beses nga po ay
nahipuan po ako ng baklang kasabay ko.” Kwento naman ni Jed
Nagtawanan kaming lahat. Tinukso ng
kanyang mga kaibigan si Jed.
“Kahit saan naman ay nangyayari
yun. Kahit ako ay nakaranas ng mahipuan.” Pag sang-ayon ko. “ Maraming salamat
sa inyo. Natulungan niyo ako sa gagawin kong report. Maraming salamat!”
“Walang anuman po” Sabay-sabay
nilang sabi.
Umalis na ako at nakaramdam ako ng
gutom kaya kumain na muna ako. Habang hinihintay ko ang aking pagkain ay
naisipan kong magmasid sa mga taong
lumalabas galing sa Pureza station. Karamihan nga ay mga estudyante. Paano ba
naman ay dalawang malapit na eskwelahan ang malapit dito. Nagsimula na akong
kumain nang dumating na ang order ko. Nang matapos na akong kumain ay naisip
kong magahanap naman ng makakapanayam tungkol sa komento niya sa MRT.
Malapit na ako sa MRT Cubao station
ng bumuhos ang napaka lakas na ulan. Pumasok ako sa isang restawrant at umorder
ng maiinom habang nagpapatila ng malakas na ulan. Napaka daming tao sa restawrant
ng mga oras na iyon. Nagrerearch ako nang may lumapit na babae sa akin at
nagtanong kung pwede daw bang makiupo. Pumayag ako. Napaka ganda niya ngunit
binalik ko na lamang ang atensyon ko sa aking ginagawa. Hindi ako makapag trabaho
ng maayos dahil sa babaing nasa aking harapan. Naisip ko na lamang na kausapin
siya tutal naman ay wala siyang pinagkakaabalaan.
“Magandang hapon miss. Maari ba
akong magtanong ng ilang bagay tungkol
sa iyo para sa gagawin kong report? Tungkol sana sa MRT” Magalang na
pakikipag usap ko.
“Pwede naman. Tutal napaka lakas pa
ng ulan sa labas. Ano bang itatanong mo? Magiliw niyang sagot.
“Ah itatanong ko lang yung opinion mo
o saloobin sa MRT. Teka, sumasakay k aba ng MRT?
“Oo naman. Sa katunayan araw-araw.
Nako kailangan mo talagang tiyaga at pasensya lalo na kung nagmamadali ka tapos
biglang may aberyang nangyari sa tren? Nakakadismaya talaga.Yug dagdag pamasahe
na para magawa daw yung ibang sira ng tren, parang wala namang nangyayai.
Napaka luma na kasi ng tren at mga bagon nito.” Mahaba niyang lintaya.
“Ako din po ay araw-araw sumasakay
ng MRT na yan. Sanayan na lang din po siguro ano? “
“Sinabi mo pa. Oh sya maari na ba
akong mauna? Hinihintay na kasi ako panigurado ng kapatid ko. Okay na ba yung
mga nasabi ko?”
“Ah oo maraming salamat. Ano nga pa lang pangalan mo?
“Ah oo maraming salamat. Ano nga pa lang pangalan mo?
“Shiela” Nakangiti niyang sagot.
Napangiti ako nang kumaway siya sa
akin sa labas. Bumalik na ako sa aking ginagawa. Naisipan kong ayusin na ang
aking gawa para bukas wala na akong gagawin. Pinagsama-sama ko ang mga nakuha
kong impormasyon tungkol sa MRT at LRT 1 at 2. Madami pa lang talaga ang nalilito
sa dalawang tren na ito. Ang LRT pala ay isang sistema ng tren na gumagamit ng mga bagon na tumatakbo sa riles gamit ang kuryente at may katamtamang kapasidad lamang. Samantala ang MRT naman ay isang sistema ng tren sa mga lungsod na may malaking kapasidad na kung saan gumagamit ito ng mga bagon na pang-riles na tumatakbo sa ibabaw o ilalaim ng lupa gamit kadalasan ang kuryente na karaniwang tinatawag na Electric Multiple Unit o maari ding diesel.
“Sa paglipas ng panahon kinalangan itayo ang Line2 o ikalawang linya na dapat sana ay
mauunang gawin bago ang Line 3 o ikatlong linya. Kaya napagdesisyunan noon na
tanggapin ang alok na "Official Development Assistance" mula sa Japan na siyang gagamiting pondo upang
maitayo ito. Ngunit dahil kailangan sundin ang mga kundisyong itinalaga ng
bansang magpapahiram, napagdesisyunan na isang Mass Rail
Transito MRT ang dapat itayo ng nanalong
consortium na “Asia-Europe MRT Consortium” sa
halip na Light Rail Transit na siyang gamit ng LRT-1 at MRT-3 sa
kadahilanang umuunlad daw noon ang ekonomiya ng Pilipinas pati narin ang
mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa. Nang malaman na ang proyekto ay
mapapasailalim ng gobyerno matapos itong itayo, minadali itong ibinigay sa LRTA na binuo sa ilalim ng Executive Order 603 na inamyendahan ng Executive orders 830 at 210 na inatasan lamang ng batas na mangasiwa sa mga linyang Light
Rail na pagmamay-ari at pinapatakbo ng gobyerno na noong panahon na iyon ay
ipinasa para sa pangangasiwa ng LRT-1. Base sa kahulugan ng LRT na inilahad kanina,
makikita na Line 2 o ikalawang linya ay hindi maaring mapailalim sa
kategorya ng LRT o Light Rail. Alam ito ng dating Pangulong Gloria Arroyo at ng
mga miyembro ng kanyang gabinete kaya kanilang pinakita sa mga mapa na ito ay
“LRTA-Line 2? o “MRT Line 2? dahil ito ay isang linya ng Mass Rail
Transit na
pinangangasiwaan lamang ng Light Rail Transit Authority.”
Nabasa ko ito sa isang artikulo. Madami pa pala tayong dapat malaman tungkol sa kasasysayan at kwento sa loob ng MRT at LRT. Malapit na akong matapos nang mapansin ko ang isang libro. Binuklat ko ito at nalaman kong kay Shiela pala ito. May address at cellphone number na nakasaulat dito. Marahil siguro kapag nawala ito ay maaari itong mabalik. Nagsimula na akong maghanda pauwi at napangiti sa naisip kong makakapag pasa ako ng maayos kay boss at may pagkakataon pa kaming magkita muli ni Shiela..
ang LRT1, LRT2 at MRT3
TumugonBurahin