My Blog List

Huwebes, Setyembre 3, 2015

"Hindi lang sana TANGHALI ang TAPAT" -Monica D. Mallari

 Sa henerasyon ng ating mundo ngayon ang laki ng ipinagbago kaysa noon, pero sabi nga; Walang permanente sa mundo, dahil ang lahat ay nagbabago. May mga bagay na kung minsan ang dami natin katanungan kahit alam na natin ang kasagutan pero, mas gusto natin malinawan at maintindihan. Katulad na lang ng; Masasabi ba natin na ang matatalinong tao ay alam talaga ang tama sa mali? O di naman kaya alam nila ngunit ang pagiging tapat? Walang matalino, walang bobo, walang tanga, walang mangmang at walang taong pinipili sa pagiging tapat dahil alam natin na yun ang dapat. Oo hindi tayo perpekto, pero gaano kahirap sa atin gawin ang nararapat kung ito ay karapat-dapat? Ako si Arizza Monteclaro ito ang kwento ko...

Nag iisa akong anak at inspirasyon ko ang mga magulang ko sa aking pag-aaral. Hindi na ako makapaghintay at isang buwan na lamang at magtatapos na ako sa kolehiyo. Dahil sa sipag at tiyaga, hirap at sakripisyo, dugo at pawis ng magulang ko ay mapagtatapos na nila ako. Isa ako sa matatalinong estudyante sa aming silid-aralan, matataas ang aking grado at hinuhusayan ko dahil ito ang mahalagang bagay na meron ako at pinanghahawakan ko na kaya kong ipagmalaki sa magulang ko. Masuklian ang paghihirap nila mapag-aral lang ako. Sabi ko nga, matalino akong tao, alam ko ang tama sa mali pero nagkakamali din ako. May nagawa akong isang bagay na alam kong ikagagalit ng magulang ko, sa sobang nabalot ako ng takot, nagsinungaling ako dahil ayun na lang ang nakikita kong paraan para pagtakpan ang aking nagawang kasalanan. Ilang gabi ang nakalipas, hindi ako makatulog ng maayos at nakokonsensya ako sa pagkakamaling nagawa ko. Pinilit kong makatulog upang antayin na mag umaga. Kinabukasan...

Humarap ako ng maayos sa aking mga magulang at pinipigilan ko ang aking mga luha na wag pumatak.. Nagtapat at sinabi ko ang lahat ng aking nagawa, hindi na ako nakapagpigil at bumagsak na ang mga luha sa aking mata. Nanghingi ako ng patawad at handa sa ipaparusa nila sa akin. Pero nagulat ako ng marinig ko ang mga salitang ito, "Anak, hindi kami masamang tao ng tatay mo, pinalaki kami ng aming mga magulang ng maayos gaya ng pagpapalaki namin saýo" ani ni nanay habang pinupunasan ang mga luha ko

"katulad mo nakakagawa din kami ng kamalian dahil walang perpekto sa mundong ating ginagalawan pero, isa mga bagay ang aming pinagkatandaan, ang maging tapat sa lahat ng bagay, sa kamalian, kabutihan, sa kaibigan, sa guro, sa magulang, na ang pagiging tapat ay walang katumbas na kahit anong kalayawan . Anak, natutuwa kami ng iyong tatay na ipinakita mo pa rin ang pagiging mabuting tao at maging tapat, lalo na sa magulang. Sobrang ipinagmamalaki ka namin anak. Lagi mong tatandaan, kahit mahirap ang isang bagay na aminin, maging tapat pa rin." 

Nagawa at ibinahagi ko ang kwentong ito dahil, sino ba naman ako para ipagdamot ang aking natutunan sa mga bagay na hindi ko pa noon nalalaman. Hindi mahirap ang maging isang mabuting tao, maging tapat sa kapwa mo at higit dito ay ang Panginoong Diyos. Naniniwala ako na, hindi lang tanghali ang tapat. Matuto sa isang pagkakamali na nagawa at gawin na maging tapat dahil yun ang dapat hanggang sa wakas.

"Lahat ng tao nagkakamali, pero ang pagkakamali ay itinatama at hindi susundan ng isa pang pagkakamali" -Arizza Monteclaro

3 komento:

  1. Ibaba ang mga diayalogo

    hal. "dasdasdasdasdasd" ani nanay

    May mga maling gamit ng salita tulad ng Disiplinado ako ng magulang ko

    TumugonBurahin
  2. huwag mo nang i-capitalized ang mga salitang TAPAT

    TumugonBurahin
  3. Sir, okay na po. Inayos ko na po at pinalitan yung mga maaling salita. Thanks po!

    TumugonBurahin