My Blog List

Martes, Setyembre 1, 2015

"Ang Dakilang Ama"- Joane Papag

Ang Dakilang Ama

           Ikaw ba'y nakaranas na ng isang amang hindi ka iiwan sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay? kasi ako oo. 
          Ang aking ama ay walang kasingtulad para sa akin, sapagkat mula sa pagkabata, siya ang tumayong ama't ina sa amin. Iniwan at ipinagpalit man kami ng inang nasilaw sa pera, pagmamahal at katatagan ang sa kanya'y nangibabaw. Hindi sumuko sa lahat ng pagsubok sa buhay, si amang puno ng pag-asa, pag-asang malalagpasan ang lahat, nang may pananalig at tiwala sa poong Maykapal. Siya'y nagsikap upang paaralin ang mga anak na siyang nagsisilbing kanyang kayamanan. Hindi nagkulang sa payo't pag unawa dahil sa kanyang pagmamahal. Para sa akin siya ay isang dakila, kung di dahil sa kanya wala ako sa lupa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento