My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

Slipper- JONEZA GALUPO

Lahat tayo ay may kanya kanyang misyon dito sa mundo kung bakit tayo nabuhay dito. Pero di natin alam kung saan at kung hanggan kailan. Yan ang laging tumatatak sa isip ko kaya para sa akin napaka importante ng oras o "time is gold" kasi di naman natin alam kung kailan tayo kukunin ni God. kaya habang may oras ka pa at araw gawin na ang mga bagay na di mo pagsisisihan sa huli,

ako si pao labing pitong taon at kasalukuyang nagaaral at nagtatrabaho para makatulong sa magulang ko. sa ngayon duty ako sa trabaho ko. "Pao! may customer na entertain mo" sabi nung counter mangaer namen "opo mam.Thank you!" bilang pag acknowledge mo dapat kang magpasalamat. 

Sabihin nating oo napaka hirap ang maging isang working student. sa umaga magtatrabaho ako pag ka out ko diretso sa school at paguwe maglalaba, gagawa ng assignment at magrereview pa. siguro nga ting ting na ko tignan dahil sa puyat at pag kain sa di tamang oras. ayoko kasi maging pabigat sa magulang ko kahit na ako lang ang isang anak. Gusto ko kasi maging responsable na ko sa lahat ng bagay ayoko laging dumepende. malaki na ko dapat alam ko kung paano ko susuklian ang lahat ng pagsasakripisyo ng magulang ko para lang mapag aral ako at makapagtapos sa pagaaral.

*ring bell* "lobby,kitchen,counter wash hands na" manager, alas dose na pala out ko na. "thank you mam! turn over na po ako mam :)" ako, "sige,bilangin mo muna kaha mo tsaka ka maghugas, magwalis at mag map sa counter" siya, "sige po mam" ako. Hays nakakasanayan ko nalang na laging ganto ang mangyayari. papasok ka ng maaga magpapalipas ng oras pagka out mag tuturn over magbibihis sasakay papuntang eskwelahan at panibagong pakikitungo nanamn.

Papunta na ako ng eskwelahan. Alam mo yung kahit na isnag anak lang ako ang hilig hilig ko pa din ang makipagusap sa iba at makipag kaibigan kasi sila lang naman ang nakakaintindi sakin eh. Madami akong kaibigan at tinuturing ko na din sila na para ko nang mga tunay na kapatid. Gusto ko kasi magkaroon ng kapatid pero wala di na biyayaan eh. pag dating ko sa eskwelahan sinalubong ako kagad ng mahigpit na yakap ng mga kaibigan ko na sila ella, erna at nica sila yung mga taong laging nandyan lalo na pag down na ko sa sarili ko dahil hirap akong i-handle ang mga gawaing pang eskwelahan. "Girl! namiss kita. Sabi mo kakaen tayo ngayon sa strabucks?" ella, "ha? wala eh. buka pa sahod ko bukas nalang alam mo namang imbyerna sa work daming beast mode" ako, "Sige! bukas ah :D " Nica, hanggang sa lumawak pa ang aming paguusap o diba laging ganyan di kami nauubusan ng kwento. kaya nga kami ang pinakamaingay na seksyon sa baitang namin. laging galit smain ang mga propesor minsan pa nga nagbaback out dahil di na kaya ang pagdidisiplina sa pagpapatahimik samin. Hanngang sa may klase na kami.

Pagdating ng prof namin alam namin na parang galit siya o parang may topak "Ngayon kopyahin niyo yung email add at pass ng blogspot niyo dito nalang ako dedepende sa grade niyo. kasi yung presentasyon niyo napakatagal na nun pagtapos plang ng midterm sinabi ko na yun umabsent na ko nung last meeting. tapos ngayon sasabihin niyo di pa kayo prepare? ano ba gusto niyo? ang haba na ng panahon na binigyan ko kayo para makapag present hanggang ngayon wala pa? O ngayon tutal ayaw niyo ng mahabng panahon na paghahanda magpasa na kayo ng first draft niyo sa inyong komposisyon ipasa niyo yan mamayang alas nuwebe" ang aming propesor, nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi na halos di namin alam ang gagawin. "eh sir hanggang 8:30 pa po klase namen" isa kong kaklase, "anong pakialam ko? gumawa kayo ng paraang kung gusto niyo talaga magpasa" sabi ni sir. hays pano ko kaya gagawin yun :/ eh kaya ko sana gumawa kung di ako papasok ng last subject kaso major namin yun eh. bahala na basta kaya ko gawin.
lumipas ang ilang araw ....

naulit nanaman ang araw tulad ng mga nakaraan. Trabaho, eskwelahan, laba, hugas, assignment at review. paulit ulit ulit ulit.iba't ibang tao ang pakikitunguhan magkaiba kasi ang pakikitungo sa trabaho eh dapat maging propesyonal ka at yung willingness mo sa pagtrabaho at pagiging responsable di katulad sa eskwelahan di mahirap makitungo sa iba dahil mga kavibes mo mga classmates mo tapos kahit anong gawin mo makaksabay sila walang competition walang pagalingan at walang tapakan lahat pantay pantay kumbaga one for all, all for one. Naisip ko sa sarili ko di ko napagtutuunan ng pansin ang aking sarili puro nalang para sa iba ang iniisip ko. ang hirap din palang  magiba iba ng sinusuot sa paa. pero slipper ang pinaka the best parang feeling ko ayun ang pinaka komportableng suotin sa paa dahil nakakarelax. kapag naka close shoes kasi alam mong may gagawin ka o may responsibilidad kang gawin yung mga bagay para sa iba at para sa sarili mo.

Sana mas bigyan pansin natin ang kahalagahan ng oras, panahon at pakikitungo sa iba. dahil ang lahat ng bagay na ginagawa naten masama man o mabuti ay may kapalit. at lahat ng bagay ay may dahilan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento